Who is this girl?

Kaya bumaba na ako para kumain at para na din makita ko nang malinaw itong babae na nandito.

Pagkababa ko ay halatang nagulat tong babae sakin "Oh! Hi!"

Binati ko din naman ito "Hello..."

"Wow you're too pretty to be a maid. I'm sure my girlfriend hired you?" your girlfriend? Excuse me?

Did I heard it right? She called me a maid?

"Ahmm I'm not a maid here." Napatingin siya sakin.

"Eh? Then who are you and what are you doing here? Galing ka ba sa kwarto ng girlfriend ko?" Halatang may pagkainis na tanong niya.

"Your girlfriend? Who?"

Napataas naman siya ng kilay "Minjeong. Who else?"

"Oh so you're Minju? Her ex."

"I'm still her girlfriend."

"Did Minjeong informed you that she'll get married na?"

"Basically, sakin siya ikakasal."

Hindi ko na napigilan at napataas na din ang kilay ko "Sorry but ako yung papakasalan. You left her, right? So why are you here?"

Sasagot na sana siya nang dumating na si Minjeong. Halatang tumamlay ito. What are you thinking, Minjeong?

"Oh Mint, you're here!" hindi sumagot si Minjeong dito. Tinignan niya ako.

"Is she trying to tell me the truth? Or she's just overacting kasi nandito siya sainyo?" lumapit na si Minju sakanya at kumapit sa mga braso nito.

"Let's go? My friends are waiting. I told them kasama kita."

"Minjeong diba may pupuntahan tayo?" tanong ko halata namang nairita si Minju.

"I'm sorry, Karina." she told me saka ito umalis kasama ni Minju.

What was that?

————

Naudlot ang saya ko dahil sa ginawa ni Minjeong. Tapos dumagdag pa ang ex niyang wagas kung makangiti dahil sakanya sumama si Minjeong.

Wait bakit ba ako galit? Hindi naman talaga kami totoo. Walang kami. Walang gusto sakin si Minjeong at lalong hindi ko siya gusto. Never.

Nagbukas nalang ako ng phone ko at nagscroll sa twitter.

Then Minjeong's post suddenly showed up.

It's a picture of her and Minju. Nakaakbay si Minjeong dito at halatang masaya siya. Edi dyan ka na. Ano bang pake ko sa inyo? Nakakainis.

I texted Giselle and alam na din niyang magkasama sila. She told ne that she's disappointed but I am more shocked when asked me if I'm okay. I mean, yes I am totally okay naman.

Let's hangout, Karina. It's all on me. I'll pick you up. No buts. Mwah!

Napatawa nalang ako sa message ni Giselle. She's the type of friend na bigla ka nalang aayain out of nowhere.

Hindi rin naman nagtagal ay dumating na din si Giselle. Dala niya pa ang sasakyan niya.

"Pasaway talaga si Minjeong." bungad sakin ni Giselle pagkasakay ko ng kotse niya.

"It's okay, Giselle."

"Girl if I were you sasabunutan ko si Minju" natawa naman ako sakanya.

"Grabe ka naman"

Nagkwentuhan at tawanan lang kami ni Giselle nang makaramdam kami ng gutom kaya tumigil na muna kami sa isang fast food para kumain.

I'm still bothered from what happened kanina and kung paano ako ireject ni Minjeong at mas piniling sumama kay Minju.

"Sa taas nalang tayo kumain? I'm sure wala naman dung tao." Tumango nalang ako sakanya at saka nag order na kami ng makakain. Pagkabayad ay kinuha na namin ito at dumiretso na sa taas para makaupo. Si Giselle ang nauna at kasunod niya naman ako. Sa paglalakad bigla siyang napatigil.

"Why?"

"Minjeong's here." Napatigil din ako.

Huminga akong malalim "Tara? Gutom na ko, Giselle. Hayaan mo na sila." Halatang napilitan nalang si Giselle at halata din sa mukha niya na nag aalala siya sakin pero bakit ba siya nag aalala sakin?

Pagkapasok namin ay agad silang nagtinginan. Sila sila lang naman ang magkakasama at tao dito bago kami kaya diko na iisipin bakit nagsitinginan sila samin.

"Oh, hi Giselle!" Bati ni Minju sakanya sabay napatingin siya sakin "And hi sa maid nila Minjeong." diko nalang siya pinansin. Sasagutin sana ito ni Giselle pero pinigilan ko nalang siya.

"Girl nako hindi ka man lang pinagtanggol ni Minjeong? My goodness."

"Giselle alam mo namang—"

"Alam niyo ba kanina na she claimed na siya daw papakasalan ni Minjeong. Grabe the audacity."

"Totoo ba? Grabe naman mag assume."

"Totoo ba yun, Minjeong?"

Hindi nakasagot si Minjeong kaya palihim ko siyang tinignan. She's looking at me. No emotions.

"Nanggigigil na ko, Karina."

"Ah Giselle can we take out these? Sa iba nalang tayo kumain. Hindi na ko comfortable dito e." agad naman siyang umoo.

Paalis na sana kami nang bigla akong tinawag ni Minjeong "Karina!"

Napatingin ang lahat sakanya kahit si Minju na takang taka ay napatingin din kay Minjeong. Hindi ko siya tinignan at nagpatuloy nalang sa paglabas.

Pasakay na sana kami nang tinawag ulit ako ni Minjeong. "Karina!"

Hinarang ni Giselle si Minjeong "Wait"

"Then what? Minjeong hinayaan mong insultuhin si Karina ni Minju at ng mga kaibigan niya. Nandun ka, pero anong ginawa mo? You just watched them."

"Look—" pinatigil ko na sa pagsasalita si Minjeong "You don't have to explain yourself, Minjeong."

Tumingin ako sakanya "Wala namang tayo, we're not real in the first place. We just set an agreement lang naman for my family."

"Karina..."

"Don't worry, hindi naman ako nasaktan. Actually, bagay na bagay pala talaga kayo no?"

"Karina, sumama ako sakanya para tapusin ang kung ano mang hindi niya matapos."

"Kaya hinayaan mo muna siyang insultuhin ako? Ganun ba yun, Minjeong?"

Hindi siya nakapagsalita.

"Can we stop?"

"Karina..."

"Please?"

"I like you." Napatigil ako sa sinabi niya.

"Ano?"

"I said I like you and no wala tayong ititigil. I lost in the first place after all."

Unwanted Marriage Where stories live. Discover now