𝐄𝐒𝐂𝐀𝐏𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐒𝐓

Start from the beginning
                                    

"Good morning, hija." she heard Elizabeth's cheerful voice as she entered the kitchen. Elizabeth is preparing breakfast as she usually do. Silang tatlo lang kasi ni Ezekiel ang magkakasamang nakatira sa maliit na apartment na inuupahan nila kaya walang ibang gagawa ng mga gawain kung hindi si Elizabeth lang at kapag day off naman ni Eunice ay s'ya na ang mismong gumagawa.

"Good morning Tita," nilibot ng dalaga nang tingin ang paligid bahay. "si, Ezekiel po?" tanong nito ng hindi masipat ang binata.

"Kanina pa nakaalis, nagmamadali at marami pa raw aasikasuhin," bahagya si Elizabeth na napalingon sa wall clock.

"Tsk, kailangan ko nang pumunta sa Coffee shop." She sighed as she realized that she was running late. Nagpapatakbo si Elizabeth ng isang maliit na coffee shop malapit sa highschool, kahit pa madalang may bumili ay tina-tyaga n'ya dahil dagdag rin ito sa pambayad ng renta kahit paano.

"Ikaw na ang bahala dito ha, nariyan 'yong susi sa aparador. Isarado mo to'ng bahay bago ka umalis, 'wag mo kalimutang mag-agahan. Ilagay mo na lang sa fridge 'yong matitirang pagkain." nagmamadaling paalala nito habang palabas ng pinto.

"Opo, ingat po kayo!" Sigaw ni Eunice saka muling nilingon ang mga pagkain na inihain ni Elizabeth.

Elizabeth and Eunice's mother were bestfriend since highschool, katulad niland dalawa ni Ezekiel. Kaya naman nang mamatay ang parents ni Eunice ay sila na ang kumupkop sa dalaga. They treat her na parang tunay nilang pamilya, pinag-aral, they took care of her until she recovered. Gusto ni Eunice na makaipon para makapagpatuloy sa kolehiyo, gusto n'yang tuparin lahat ng pangarap n'ya at alam n'yang ganoon din ang gusto ni Elizabeth para sa kan'ya kaya pinipilit nitong bumalik ang dalaga sa pag-aaral. Pero sa tuwing nakikita n'yang nahihirapan si Elizabeth sa pagpapaaral sa kanilang dalawa ni Ezekiel, tinatablan ito ng hiya kaya mas pinili n'yang magtrabaho muna.

Ezekiel's Family had been struggling financially for the past several years. Lalo pa ng namatay ang ama ni Ezekiel, isang buwan pagtapos mamatay ng parents ni Eunice. Sabi nila, natagpuan na lang daw sa isang bodega, at pinaghihinalaang ninakawan. . . Pero hindi sila kumbensido sa naging investigation nila. Kahit pa hindi lingid sa kaalaman nila Ezekiel na maraming kaaway ang ama nitong si Arthur dahil sa pagiging prosecutor nito, malakas pa rin ang kutob ng dalaga na may kinalaman ang nangyari kay Arthur sa pagkamatay ng mga magulang n'ya.

Ilang minuto na itong naglalakad-lakad sa loob ng isang Flower Shop habang nakatuon ang pansin sa mga nakahelerang naggagandahang bulaklak. Iba-ibang kulay, uri at sinisimbulo, pero iisang bulaklak lang ang nais niyang mahanap.

"Good morning ma'am, how may I help you?" Bati ng staff ng Flower Shop kau Eunice habang palapit sa dereksyon ng dalaga.

"Oh hi, I was looking for Carnation Flowers, Do you have any stock?" Tanong ni Eunice dito, sandali pa itong napaisip at nilingon ang kahera na sumenyas pa bago muling magsalita.

"Ah yes ma'am mayroon po kami no'n. This way Ma'am." mabilis n'yang sagot saka nilahad ang kamay sa pupuntahan n'yang dereksyon.

"Ito po ang mga carnation naming." Panimula n'ya habang nakalahad ang kamay sa mga naggagandahang bulaklak "We have pink, red and pale red, iyan na lang po ang natitira naming stock since almost 2 weeks na mula nang makakuha kami ng final batch." Paliwanag pa n'ya. "Which one do you want?"

"How much does it cost?" baling na tanong ni Eunice.

"Usually 1,339 po per bouquet, but since may promo po kami ngayon. Ibibigay ko na lang po sa inyo ng isang libo." paliwanag ng tindera. Napangiti si Eunice sa itinuran ng tindera gayong ito na lang din naman ang natitira sa kan'yang pera.

"Sige, kukunin ko 'yong pink." Tumango ang staff ng flower shop saka inabot ang pink na Carnation.

"Here po, pakibayaran n'yo na lang po sa counter," wika ng babae sabay turo sa counter. Agad naman iyong sinunod ng dalaga.

𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐁𝐄𝐘𝐎𝐍𝐃 𝐒𝐄𝐂𝐑𝐄𝐓𝐒Where stories live. Discover now