KABANATA 13- Her Worth, His Life

Start from the beginning
                                    

“Siyempre… pasensya ka na Juanna, ah. Maganda ka naman talaga… nadala lang ako ng emosyon, hehe.” Tinanguan ko si Doy. Binaling ko ang tingin kay Juanna at napansing nagpatuloy na itong kumain. Binalik ko ang tingin kay Doy na nakapalumbaba na sa bintana at tila nananaginip habang nakatitig sa akin.

“Maganda ba si Juanna?” I asked. Tumango ito nang paulit-ulit.

“How about me?” tanong ko ulit kaya napaayos siya nang tayo.

“Aba’y siyempre ikaw ang Diyosa ng kagandahan. Nung nagpaagaw nga siguro ng kagandahan ang langit. Malamang ay nagkulong ka sa kuwarto mo para bigyan ng tiyansa ang iba!” Napahagikhik ako sa narinig.

“Mahangin pa rin talaga.” Rinig ko pang bulong ni Juanna bago ako nagpatuloy sa pagkain.

Ilang beses na akong nagpaikot-ikot sa higaan ko. Ilang beses ko naring nailipat ang paso ng halaman, iniisip kung saan mas bagay itong ilagay. Pero ang totoo ay wala lang akong magawa. Hindi ako makalabas dahil wala si Wren. I'm afraid I'll get lost if I go outdoors to ease my boredom because I'm unfamiliar with the area.

Nagpapadyak ako sa higaan ko. This is why I love the internet! Without it, I feel like I'm already losing my mind! Arrrghhhh!

Napabalikwas ako nang bangon nang marinig kong may umubo sa gilid. Agad kong hinarap ang busangot na mukha ni Juanna.

What is she doing here? Don't tell me one slap isn't enough for her?

Pinaningkitan ko siya ng mga mata na biglaang nanlaki nang irapan niya lang ako. “Copycat!” turo ko sa kanya.

“Kung bored ka na, may alam akong lugar na pwede kang malibang,” aniya nang nakahalukipkip. Bumaba na agad ako ng bed ko at nilapitan siya.

“May internet?” tanong ko habang nagsusuklay ng buhok.

“Ewan ko sayo,” sabi nalang niya at agad na lumabas ng kuwarto. Nagmadali ako sa pag-aayos at agad ko rin siyang sinundan sa paglalakad.

Ilang burol na ang naakyat namin pero hindi parin humihinto si Juanna sa paglalakad. Ilang beses ko na siyang natanong kung malapit na ba kami na ikinainis narin niya kaya nung huli ko siyang tinanong ay hindi na siya sumasagot.

“Are we there yet?” tanong ko muli, walang pakialam sa pagkainis niya. She turned to me, and her lips were pursed in a thin line, annoyed. Gigil siyang napahilot sa noo niya.

“Mahabagin! Wala pang sampung minuto tayong naglalakad!” aniya na may tono ng pagtitimpi. Nagkibit-balikat nalang ako pero sumunod parin nang magpatuloy siya sa paglalakad. Sa wakas ay tumigil na kami sa tapat ng isang gate na gawa sa kahoy at mga sanga ng puno.

Isang matandang lalaki na puros puti na ang buhok at napapanot na ang ulo na nakasuot ng isang red longsleeve ang lumapit sa amin. Pinagbuksan niya kami nang may malaking ngiti kaya naman nahahalata na ang kulang-kulang nitong ngipin.

“Nakahanda na ang mga bata, Juanna,” ani nito at lumipat ang tingin sa akin. Pinunas niya ang kamay niya sa damit niya at inilapit sa akin para makipagkamay.

“Maraming salamat sa napaka-laking tulong mo madam.” Napakunot ang noo ko at nag-aalangang inabot ang kamay niya. Pagkaraa'y iminuwestra niya kami papasok. Nagtatanong akong tumingin kay Juanna pero nanatiling tikom ang bibig nito.

Tumambad sa amin ang isang may kalakihang bahay. Isang parihaba lang ito at kulay pink ang dingding habang ang bubong ay kulay yellow green, kakulay ng mga burol na nadaanan namin kanina.

“Mga bataaaaa!” sigaw ni Juanna at biglaang naglabasan ang mga bata sa maliit na pintuan ng bahay. Napatago ako sa likod ni Juanna nang makitang papasugod na ang mga ito.

Maybe I'm Lying [COMPLETED]Where stories live. Discover now