Chapter 77

3.4K 132 8
                                    

ADDY

"Bhie pupunta muna kami sa Police Station, you stay here okay. Tatawagan na lang kita for the news." Paalam ni Jace and kissed my forehead.

Lahat sila patuloy parin hinahanap si Cassy. Wala silang alam na alam ko na ang lahat.

Flashback

"Sasama ka sakin Addy."

Sabi ni Darwin sa telepono.

"Darwin nag usap na tayo at alam mo ng hindi ko iiwan si Jace." I said.

"Then you choose. Jace or Cassy."

Tumulo ang mga luha ko. He wants me to choose.

"Please Darwin ibalik mo na lang si Cassy samin please..." i pleaded.

"No Addy, its either sasama ka sakin or say gooddbye to your beloved Cassy."

End of Flashback

Hindi ko lubusang maisip ang gagawin. Wala akong magawa. Im so weak to protect my family.

Nang makaalis si Jace i decided to meet Darwin. Kailangan ako lang mismo ang pupunta sa kanila ni Cassy dahil hindi siya magdadalawang isip na idamay si Jace. Isa din yun sa dahilan kung bakit hindi ko masabi kay Jace.

Pasimple akong lumabas ng bahay namin and took a cab. Habang papunta sa lugar na sinabi ni Darwin mas lalo akong kinakabahan. He might do something dangerous. Natatakot ako para kay Cassy.

Bumaba ako sa tapat ng isang lumang building. Pumasok ako sa gusali at hinanap si Cassy.

"Cassy!!!!!"

Medyo madilim ang paligid. Walang tao at maalikabok.

"Cassy!!! Darwin!!!" Tawag ko ulit.

"Mommy!!!!!"

Lumingon ako kung saan nanggaling ang sigaw.

Pumunta ako sa isang lumang kwarto at doon ko nakita si Cassy na nakaupo sa isang lumang upuan.

Agad ko siyang niyakap.

"My ghad! Cassy!!!" I cried.

Cassy cried in my shoulders.

"Are you okay baby? Did he hurt you?" I asked worriedly.

Umiking lang si Cassy.

"Mi... im scared *hik*."

"Shh... nandito na si Mommy okay, dont cry." I said.

Hindi ko nakita si Darwin sa paligid kaya naisipan kong tumakas na kami ni Cassy.

Hinila ko si Cassy palabas ng kwarto at tumakbo.

"And were do you think youre going?"

Bungad samin ni Darwin.

Nangilabot ako. His face is so dark. Tumubo na rin ang balbas sa baba niya. Mukha siyang demonyo.

"Darwin please pakawalan mo na kami." Pakiusap ko.

He showed his evil grin.

"Ano ako tanga? Bakit pa kita pakakawalan Addy?? Para ano, magkasama ulit kayo ni Jace?! Hibdi ko yun hahayaan!" He shouted.

Tinago ko si Cassy sa likuran ko.

Pilit kong nilalakasan ang loob ko.

"Darwin please... if you really love me pababayaan mo na akong sumaya kasama si Jace at ang pamilya ko kaya please." I begged.

"Bakit Addy masaya ka naman noon sa piling ko ah, i did everything to make you and Cassy happy. Naramdaman kong mahal mo ko Addy!"

His eyes turned red. He wants to cry pero pinipigilan niya.

"Im sorry Darwin... pero hindi kita minahal. Si Jace lang ang mahal ko!"

His jaw flinched. Kinuyom niya rin ang mga kamao niya.

Nilapitan niya ako at hinawakan ang wrist ko ng sobrang higpit.

"Mahal Addy?! Hindi mo siya mahal! Ako lang ang mamahalin mo dahil akin ka lang!!!"

Blaaaaag!!!!!

Nagulat na lang ako ng biglang bumagsak si Darwin sa sahig.

"Vienne."

Napatakip ako ng bibig ko ang makita ko si Jace sa harap ko.

"J-ace."

Agad niya akong niyakap.

"Nasaktan ba kayo?" He asked.

Umiling ako at niyakap siya pabalik.

"M-ommy, D-ad." Tawag ni Cassy.

Hawak siya ni Darwin na may hawak na baril.

"C-assy."

Nanlambot ang mga tuhod ko. He's going to kill my daughter!

"Mamili ka Addy, sasama ka sakin o puputok ang ulo ni Cassy sa harap ninyo?"

He's crazy!!!

"Darwin wag mong idamay dito si Cassy bitawan mo siya." Sabi ni Jace.

"Manahimik ka Jace! Palagi na lang ikaw ang magaling, palagi na lang ikaw ang tama! Buong buhay ko ikaw palagi ang kinukumpara sakin!"

"Una si Daddy ang inagaw mo tapos tinalo mo ang negosyo ngayon naman si Addy! Hindi ko na hahayaang mangyari yon!" Galit na sabi ni Darwin.

I know he's experiencing a lot of problems pero bakit kailangang humantong sa ganito.

"Darwin please pag usapan natin toh. Maawa ka." I begged.

"Addy minahal kita. Binigay ko lahat pero anong sinukli mo huh. Puro sakit at paasa!" Baling niya sakin.

Napapikit ako.

Masakit din sakin dahil ako ang dahilan ng lahat ng ito.

"Aray!!!"

Napitlag kami ni Jace nang nakita namin kinagat ni Cassy ang kamay ni Darwin at tumakbo siya samin.

Sinugod naman ni Jace si Darwin at pilit na inagaw ang baril na hawak niya.

"Jace!"

Sinuntok siya ni Darwin sa tiyan pero agad din sumuntok si Jace pabalik. Pareho nilang ayaw bitawan ang baril. Yakap yakap ko si Cassy at ang tiyann ko.  I know anytime pwedeng malaglag ang baby ko.

"Jace! Darwin please tumigil na kayo!" Pigil ko sakanila.

Bang!!!!!!!!!

Bigla akong natigilan...

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig.

************

Sino kaya ang tinamaan???

Just vote, comment and share...

ENJOY READING!!!!!


Status: Its COMPLICATED (Completed)Where stories live. Discover now