Chapter 28

4K 130 3
                                    

MHADDISON

Abala kong inaayos ang mga gamit ko at nilalagay sa maleta ang mga damit ko.

Wag kayong mag alala dahil hindi naman ako maglalayas.... XD

Ngayon kasi kami pupunta ni Jace sa hacienda nila. Isang linggo muna daw kami dun para makasama namin sina Papa kaya nakaleave din siya ng isang linggo. Atleast masosolo ko pa siya dahil alam kong pagbalik namin ay kay Micaela na sasang ayon ang tadhana...

Matapos kong mag empake ay agad akong lumabas ng kwarto dala ang maleta pababa. Kanina pa kasi nakahanda si Jace at ako na lang ang hinihintay.

Ang totoo niyan hindi ko nga feel na sumama kasi hindi pa rin kami nag uusap simula nung nakaraang gabi kaya mailap kaming dalawa.

Minsan napapansin ko ngang nakatingin siya sakin, para bang gusto niya akong kausapin pero hindi niya naman nagagawa kaya hinayaan ko na lang siya at hindi pinapansin... Siguro hindi lang siya sanay na cold treatment ako kaya ganun.

Nang makalabas ako sa bahay ay agad kong nakita si Jace na nakasandal sa kotse niya na nakasuot ng shades. Aminin ko man o hindi pero super HOT talaga ng asawa ko!

Agad akong lumapit sa kotse na buhat buhat ang maleta ko. Para naman akong maglalayas dahil sa dami ng dalako damit!.

"Let me." Casual niyang sabi.

Akmang kukunin niya sakin ang maleta ko pero agad ko itong nilayo.

"Its okay, i can manage." Malamig at simply kong sabi.

Narinig ko siyang humingang malalim at nilagay ko na sa back seat ang maleta ko.

Tahimik lang kami bumabyahe ni Jace papuntang Zambales. Nandun kasi ang hacienda nila Jace and based on what ive heard dito daw si Jace lumaki. Malawak ang lupain ng pamilya nina Jace, mayroon daw silang ekta-ektarya palayan, pinya at mga fruit bearing trees. Balita ko ngang meron na din silang flower farm at yun ang gusto kong puntahan. Kasi naman matagal na kong hindi nakakapunta dun sa country house namin sa States kaya namimiss ko ang fresh air... hayyy

Sa haba ng byahe hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.

---------

Nagising ako na nakahiga sa isang malambot na kama. Teka---

Pano yun nangyari?!?!

Agad akong bumangon at dumeretso sa veranda ng kwarto.

Nakita ko ang malawak na taniman ng palay, pinya at mga puno...

Napapikit ako dahil sa masarap na simoy ng hangin na hindi ko naramdaman sa city. Ang sarap talagang tumira sa provinces. Napakarelaxing...

Natigil ang pagmumuni-muni ko ng biglang may pumasok sa kwarto.

"Gising ka na pala."

Agad ko siyang nilingon.

"Pano pala ako napunta dito?" Tanong ko sakanya.

"I carried you." Sabi niya at umupo't sumandal sa headboard ng kama.

"Sana ginising mo na lang ako." Nahihiya kong sabi kaya napayuko na lang ako at bumalik sa tinitingnan kong view.

Naramdaman kong tumabi sakin si Jace.

"You want to explore the place?" Tanong niya na nakatitig sa malayo.

"Mamaya na lang siguro. Nasaan pala sina Mama?"

"Mom's in the kitchen, sina Dad at lolo naman sa ranch."

"Ah sige puntahan ko na lang si Mama." Paalam ko.

Habang tumatagal kasi na nag uusap at magkalapig kami nagiging awkward ang sitwasyon...

Palabas na sana ako ng bigla nniya akong tawagin.

"Vienne."

"Bakit?"

"C-can... we talk?" Mahina niyang tugon.

Napangiwi naman ako sa tanong. Alam ko kasing about sa ball yung pag uusapan namin. Seriously im not ready to talk to him yet.

"J-jace." Umiwas na lang ako ng tingin.

Naramdaman ko lumapit siya sakin.

"Im sorry for what ive said i didnt mean it." He apologize.

Parang wala lang akong narinig dahil hindi ko siya kinikibo. Palagi na lang bang sorry ang maririnig ko sa kanya.

"Bhie..." hinawakan niya ang kamay ko.

"I promise... babawi ako, please give me a chance." He pleaded.

Ewan ko ba kung dapat kong paniwalaan ang mga sinasabi niya, ang alam ko lang ay nasasaktan ako sa lahat ng ginagawa niya.

"Bhie please." He again pleaded and this tiningnan ko na siya sa mata.

I sighed.

"Wag mong sabihin, gawin mo." Malamig sabi at ngumiti ng mapait.

Nakita ko namang nagliwanag ang mga mata niya at agad akong niyakap.

"I promise ill really make it up to you this time." He said at mas hinigpitan ang yakap niya saken.

***********

Sorry kung medyo sabaw na chapter...

Just vote, comment and share...

ENJOY READING!!!!!


Status: Its COMPLICATED (Completed)Where stories live. Discover now