Wakas

2.7K 112 25
                                    

Hindi ko lubos akalain na iyong napapanood ko lang sa telebisyon na storya kung saan nagkakaroon ng amnesia ang isang bida, ay mangyayari sa akin. Mangyayari sa totoong buhay.

I was always on guard. I had never let my guard down. Even if I'm inside my own house, sleeping or doing something. Even if I'm with my family or with my friends. Heck, kahit pa nga may sakit ako at sobrang sama ng pakiramdam ko, I'm always alert.

But not when I'm with her. She's my weakness. She's my fire. The light into my life. The flames that dance in my soul. She just don't keep me warm, she sometimes burn me alive and consumed me whole.

"May girlfriend ka raw ba, Kyner?" a colleague asked me. Umiling naman ako bilang sagot. "Eh iyong babae na lagi mong kasama?"

"A childhood friend," I answered.

I don't know when it started. Sa totoo lang, wala talaga sa isip ko ang magkaroon ng girlfriend. Since I can have some girls without a label. Kaya para saan pa ang paggi-girlfriend? And besides, busy rin ako sa pag-aaral at trabaho kaya wala rin akong oras sa mga ganyan.

"I want to be your girlfriend," she said.

I chuckled inwardly. Ilang beses na ba akong natanong ng ganyan? But to be asked by her, is really amusing me.

I refused her. Not because I don't want to but because she's not serious. Hindi ko alam kung anong trip niya at ako pa ang napili niyang paglaruan. Ni hindi niya pa nga ako lubusang kilala tapos gusto niya ako maging boyfriend?

She doesn't know me but I know her. My mother always talked about her. She was always praising her. Praising her talent and her looks. Walang palya. Sa tuwing magkasama kami, lagi niyang nababanggit si Snorri.

Alam ko rin na dati niyang kasintahan ang ama nito. At minahal niya iyon ng lubusan. Kung bakit nabuntis siya ng ama ko ay hindi ko alam. Ang alam ko lang, hinding-hindi ko aanakan ang babaeng hindi ko naman mahal. Lalo na kung may mahal akong iba. Ayokong maging kawawa iyong bata dahil hindi ko siya mabibigyan ng buong pamilya.

"Alam mo, kung siya ang magiging asawa mo, hindi ako tututol," sabi ni Mama.

"Bata pa siya."

"Syempre kapag nasa legal age na siya! Pero dapat ligawan mo siya ng maayos ah! Magpaalam ka sa mga magulang niya! At huwag na huwag mo siyang lolokohin at sasaktan!" banta niya.

Napailing na lang ako. Hindi niya pa nga tinatanong kung tipo ko ba iyon. At malabong mangyari iyang sinasabi niya dahil hindi naman kami magtatagpo. At ayoko sa mga artista.

"Kyner may bagong palabas si Snorri! Showing na ito sa Martes! Samahan mo ako manood ah?"

At dahil busy ako at minsan lang makauwi rito sa amin, pinagbibigyan ko siya sa lahat ng gusto niya. Kahit pa panoorin namin ang lahat ng movie ni Snorri.

But I must say, she's really good at acting. Really really good. I had no interest in watching some movies. Especially a romance genre. But every time she's on screen, I can't help but watch her. She's that good. Talagang mapapatutok ka. Isa na rin siguro sa dahilan kung bakit siya gusto ni Mama. Dahil sa husay niya sa pag-arte.

Kaya naman noong unang beses ko siyang makita sa personal, I was shocked and mesmerized. She's more beautiful in person. And I was stupid for not recognizing her firsthand! I even accused her of being a holdaper! Well, she was using a disguise at hindi ko akalain na makikita ko siyang mag-isa na wala man lang kahit isang bodyguard na kasama!

At syempre para hindi mahalata na kilalang-kilala ko siya at halos lahat ng palabas niya ay napanood ko na, nagpanggap akong hindi siya kilala.

"I'm already eighteen! We are only four years apart!"

Flames Of Deception (Levrés Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon