I decided to eat at the restaurant nearby because I'm craving for a certain cuisine. At isa pa, nagsasawa na rin ako kaka-order. Since next next week pa ang balik ko for my ultrasound, puro prutas at gulay na lang muna ang mga kinakain ko. Hindi kasi ako pwede basta-basta mag-take ng vitamins unless it's recommended by an OB.

I was scrolling through my Facebook last night when I saw that Filipino cuisine. It's called sinigang. Hindi ko pa iyan natitikman pero hindi ko alam kung bakit ako nag-crave habang binabasa ang ingredients nito. Maybe my baby wants to eat it. Nag-try ako maghanap kagabi pero anong oras na iyon at wala na akong mahanap. Hindi naman ako sumubok na magluto dahil baka hindi ko magustuhan ang kalalabasan.

Kumain na lang ako ng orange para maibsan kahit paano ang pangangasim ko. And now, I'll definitely eat that sinigang.

Umayos ako ng pagkakatayo nang lumapit sa akin si Kyner. "Bakit ba lagi ka nandito?" tanong ko.

"To check on you," he answered again. "And I want to make sure that you're safe."

"I'm safe here," I said. "At isa pa, nandyan naman ang mga bodyguard mo nakabantay, hindi ba?"

He looked at me straight into my eyes. "Gusto rin kita makita."

I scoffed. When I was at his house, he's always away! Laging late umuuwi, kapag day off naman, wala rin sa bahay! Kung kailan wala na ako sa bahay niya, 'tsaka siya magsasalita ng ganyan?! Ewan ko sa iyo, Kyner!

"At mas mapapanatag ako kung nasa bahay ka natin."

I bit my tongue. Bahay natin, huh?

"Saan ka pupunta?" he asked again.

"Kakain," I simply said.

"Gusto mo ipagluto na lang kita?"

Sinipat ko siya. May inis pa rin ako sa kanya kahit na pinaliwanag na niya ang side niya tungkol kay Imogen. Because there's still a small part of me na hindi naniniwala sa paliwanag niya! Hindi basta mawala iyong sakit na naramdaman ko tuwing makikita siya roon! Lalo na kapag lumalabas ito ng kwarto niya!

Bakit hindi niya sinabihan ang mga bodyguard niya na huwag ng papasukin si Imogen sa bahay niya?! Diyan ako naiinis! Masyado ata siyang tiwala sa babaeng iyon. Akala niya ata makikinig ito sa kanya!

"I want sinigang," sabi ko kalaunan.

"Can you wait for an hour?"

"Why an hour? Hindi naman ata inaabot iyon ng isang oras?" nasa thirty to forty-five minutes lang ata iyon lutuin?

"Uuwi ako sa bahay."

"Bakit doon ka pa magluluto?" nagtataka kong tanong. "Sa unit ko na lang."

"Am I allowed?" he said slowly.

"Let's go. I already have the ingredients."

Tinalikuran ko na siya at nagtungo na sa elevator. Sumunod naman siya agad sa akin. Nang nag-grocery kasi ako nang nakaraan, tinulungan niya rin ako pero hindi ko na siya pinapasok pa sa loob ng unit ko. When he had the chance to help me, I didn't let him in. Isang beses pa lang talaga siya nakapasok sa unit ko.

It's because there's a war inside of me. Hindi ko alam kung papapasukin ko ba siya ulit sa buhay ko. Hindi ko alam. Iba't-ibang emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Walang manalo o matalo. Walang nangunguna. Iyong sakit na naramdaman ko dahil sa mga pinaggagagawa ni Imogen ay hindi pa rin nawawala kahit nagpaliwanag na siya.

But then him being here everyday without asking for anything, without receiving anything says a lot too.

You know that I have been longing for a wildfire to destroy the parts of me that have become lost to the wilderness. And that's him.

Flames Of Deception (Levrés Series #6)Where stories live. Discover now