"You are becoming your mother!"

Biglang pumasok sa isip ko iyong sinabi ni Dwayne. My poor mother who was stupidly madly in love with a guy who can't love her back. Until now, she's still chasing that love.

I am becoming her?

Tinitigan ko iyong number nang judge. I'm contemplating if I should call her or what. Natatakot ako malaman na totoo ang sinasabi ni Dwayne. Pero kung hindi ko naman ito aalamin, hindi ako nito papatahimikin. Again, why did he need to meddle with my marriage? At bakit niya ba ito nalaman? Did he investigate our marriage? For what? I thought we are okay? I thought we are better off friends?

Huminga ako ng malalim at tinawagan na lang iyong number. Malakas ang tibok ng dibdib ko at pinagpapawisan din ako kahit malamig naman. Kabadong-kabado ako.

Nakatatlong ring ito bago may sumagot. Since it's the judge personal number that Candice gave me, siya na agad ang nakausap ko.

"Hello, good morning. This is Snorri Kravei. I just want to ask if my marriage with Kyner Kertia has grounds?" I asked straight to the point.

"Oh, Snorri, hello. Ah, yes."

Tuluyan akong nanghina at nadurog sa nalaman. Para akong isang apoy na unti-unting natutupok. Wala ibang magawa kung hindi panoorin na lang itong mamatay.

Bakit kailangan pa namin ma-divorce? Is it because he's not serious with me? Is it because he's in love with someone else? Is it because after he get his revenge, he'll dump me without remorse? Oo. Ayan lahat ng dahilan. Para madali lang siya makabalik sa taong mahal niya. Kaya pala parang ayos lang ito kay Imogen. Because at the end of the day, Kyner will still choose her.

Napatalon ako sa gulat nang may biglang kumatok sa aking pintuan. Tinitigan ko ito at nahulaan agad kung sino ito.

"Snorri?" it's Kyner.

I didn't answer. I don't know what to feel as of the moment. I'll admit, I had hope. After our making love last night, hope ignite inside me. Iyong pag-asa na baka may nararamdaman na siya sa akin kahit kaunti lang.

But how can I call it making love when I was the only one in love?

"Can I come in?"

I cleared my throat and stood up. "Maliligo ako."

"Are we okay?" he asked softly.

Are we? No. We are not okay. Definitely not.

Gusto ko tanungin kung ano ba ang nararamdaman niya para sa akin. Pero hindi nawawala sa akin iyong takot sa maririnig na isasagot niya sa akin. Mas nangingibabaw iyong takot sa akin kaysa sa kagustuhan kong malaman ang nararamdaman niya. Mas nangingibabaw iyong takot na ma-reject ako. Dahil hindi ko matatanggap ang katotohanan na hindi niya ako kayang mahalin ibigay ko man ang lahat.

"Yes, of course. Bababa rin ako. Maliligo lang ako," I said.

A moment of silence before he speak. "Magluluto lang ako ng agahan natin. Hihintayin kita sa baba."

Ilang minuto muna akong hindi gumalaw kahit pa nakaalis na siya. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko ngayon. Hindi ako makapag-isip ng maayos lalo na't nandito siya.

Bigla pumasok sa isip ko ang alok ni Candice. I immediately texted her that I'll accept her offer. Wala sana ako balak kuhain ang project na iyon dahil matagal akong mawawala rito at malayo pa ang lugar na pagsho-shooting-an. Hindi dahil sa hindi ako ang bida, ayoko lang malayo kay Kyner lalo na't nandito si Imogen.

Pero ano bang karapatan kong bantayan siya? Ano bang karapatan kong matakot na lokohin niya kung una pa lang ay ganoon na ang ginagawa niya? Kung mahal niya ako, kahit hindi ko siya bantayan o nakikita, hindi siya magloloko. Pero ibang usapan kapag walang nararamdaman sa iyo iyong tao.

Flames Of Deception (Levrés Series #6)Where stories live. Discover now