Marami pa ang bumati pero hindi na ako huminto pa. I just said my thanks and continued walking. Binitawan ko na rin si Kyner pero nakasunod naman ito sa akin. Kasabayan ko rin sa paglalakad.

"Here comes the birthday girl!" Naomi said loudly when she saw me.

Nagtilian ang mga kaibigan ko at sabay-sabay pang kumanta ng happy birthday. I just smiled and greet some of my co-actresses, actors and managers that are here tonight.

"Hi, Kyner. It's so nice to see you again," I heard Veronica said sweetly.

Nilingon ko ito at inirapan. Hindi na nagbago. Mas inuna pa talagang batiin si Kyner kaysa sa akin na may kaarawan ngayon!

Biglang kumapit sa braso ko si Joela at parang tanga na nanginginig dahil sa gigil. "Snorri! Grabe para kaming nasa paradise! Ang daming gwapo!"

"Pinakilala kami ni Candice kanina. Nakipag-shake hands kami! Ang lalambot ng kamay! Pwedeng-pwede gawin na unan!" sabi ni Pinky.

I searched for Lucy because she wasn't here which is unusual. I saw her talking to a new rising actor. Malaki ang ngiti at halatang kinikilig habang kausap iyong lalaki. Busy pala ang bruha kaya hindi kasama nitong dalawa.

"Napakalandi niyang si Lucy! Nakipag-shake hands lang sa kanya iyang lalaki, hindi na binitawan!" sabi ni Joela.

Napailing na lang ako. Inabala ko muna ang sarili sa pakikipag-usap sa mga bumabati sa akin. Si Kyner ay kinakausap ng ibang manager pero lagi kong natatagpuan ang mga mata nito bawat lingon ko na nakatingin sa akin.

"Boyfriend mo si Kyner Kertia?" tanong ng isang babaeng artista sa akin.

"No," I answered.

"Fling?" the other one probed.

"He is my husband," I answered truthfully.

Their mouth formed a little o. Alam ko naman na hindi nila ito ipagkakalat kahit kanino. At kung ipagkalat man nila, I don't care. I'm not planning to hide my marriage with him forever anyway.

The party began. Sobrang ingay sa aming lamesa dahil sa mga sigawan nila habang nagsasayawan. May nakabantay rin na mga bouncer and some bodyguards around us. Pinipigilan ang mga lumalapit dahil binilin din ni Veronica na walang papalapitin dito na hindi imbitado. Kaya naman nakatingin at pinapanood na lang kami ng ibang tao rito.

"I transferred my gift, a cash, to your bank account. Bahala ka na kung ano ang gusto mong bilhin," Candice said.

I smirked at her. She knows that I'm not a material girl. I'm more focus on attention that my Mommy can give before. Kahit wala na akong matanggap na kung anong regalo sa birthday ko, basta nasa akin ang atensyon ni Mommy, sapat na sapat na iyon sa akin. Just like right now.

I took a glance at Kyner. I caught him looking at me. He's sitting beside me. We were the only two sitting here. Wala naman nagreklamo at hinayaan lang kami. Mukhang mas sikat pa nga siya kaysa sa mga artista na narito dahil pinagtitinginan siya at marami ang gustong kumausap.

Lumapit sa akin si Kyner kaya napaayos ako ng upo. "Are you happy?" bulong nito sa akin.

I'm not expecting anything from him. Just like before, with my mother, I only want his attention. I only want him as a gift.

"Can I have you tonight?" I said instead.

Natigilan si Kyner. Malapit pa rin ang mukha niya sa akin. I can feel his breath. Umiwas ako ng tingin at napanguso dahil sa sinabi. Kalaunan ay pinag-initan ako ng pisngi. Para naman akong sabik na sabik sa kanya dahil sa sinabi ko!

"Snorri, let's dance! You guys can have each other later!" Naomi said while laughing. Hinila ako nito patayo kaya nagpatianod na lang ako.

Inabala ko na lang ang sarili sa pagsasaya. Kabi-kabilaan din ang pag-abot nila ng cocktails sa akin. Kaya naman hilo-hilo ako at naisipan na umupo na lang at tumigil na sa pagsasayaw. My feet hurts anyway. Because of dancing and because they keeo on stepping on it. Na hindi ko alam paano nangyayari since I'm wearing a heels! Palibhasa mga lasing na rin ang iba. Lalo na iyong tatlong bruha.

Flames Of Deception (Levrés Series #6)Where stories live. Discover now