Chapter 10 (Knives)

Start from the beginning
                                    

Hindi ito pala-ngiti pero mas lalo lang iyong nakadagdag sa kaguwapuhan ng binata. Mas lalo itong nagiging matikas lalo na sa tuwing nakikita niyang naka-kunot ang noo nito o kaya naman sa tuwing salubong ang mga kilay ng binata.

Nang magmulat ng mga mata ang binata ay natigilan siya. Diretso itong tumitig sa mga mata niya.

"I couldn't sleep because someone is staring at me," anito habang nakatitig pa rin sa mga mata niya.

"Bawal ka bang titigan?" wala sa sariling tanong niya.

"Why are you staring at me?"

"Dahil guwapo ka," diretsong tugon niya.

"Alam ko," anito at kinabig ang ulo niya.

Awtomatikong naglapat ang mga labi nilang dalawa. Nang maghiwalay ang mga labi nila ay awtomatiko nitong kinabig ang ulo niya patungo sa malapad nitong dibdib.

"Matulog ka muna," anito habang hinahagod ang buhok niya.

Napapansin niyang madalas na nitong hinahagod ang buhok niya. Naging paborito at normal na gawain na iyon ng binata. Unti-unti siyang pumikit at nakatulog sa malapad na dibdib ng binata.

Nagising na lang siya sa masuyong hagod sa buhok niya. Nang magmulat siya ng mga mata ay sumalubong sa kaniya ang guwapong mukha ni Hunter.

Napakurap siya. Masarap palang gumising na ito kaagad ang nakikita niya.

Nang mapagtanto ang iniisip ay kaagad siyang umayos ng upo. Si Hunter ay hindi humihiwalay ang tingin sa kaniya.

"We're here," anito at tinuro sa labas.

Awtomatiko siyang tumingin sa labas. Mukhang matagal siyang nakatulog.

"Kanina pa tayo nandito," patuloy nito.

Nanlaki ang mga mata niya.

"Ibig mong sabihin ay—"

"Yeah. I waited for you to wake up," anito.

Nakagat niya ang ibabang labi.

"Pasensya na," kaagad niyang hinging-paumanhin.

"No worries," anito at muling tumingin sa labas.

Bumaba ito at inalalayan siya. Sinalubong sila ng matangkad at matikas na lalaki.

"The car is ready, Sir," pormal na sabi ng lalaki.

Hinawakan siya ni Hunter sa kamay at naglakad. Kaagad siyang sumunod. Ang lalaking sumalubong sa kanila kanina ay nauna na sa sasakyan at mabilis silang pinagbuksan ng pinto.

"Salamat," aniya sa lalaki.

Yumuko lang ito na tila ba iyon ang paraan nito ng paggalang. Hindi rin ito ngumingiti. Mukhang nagmana sa amo nito. Ito na rin ang nagmaneho ng kotse.

"Jaxon," tawag ni Hunter sa lalaki.

Jaxon pala ang pangalan nito.

"Yes, Sir?"

"Have you checked the room? Make sure that she will be safe there."

"Yes, Sir. I checked and everything is ready since you said that Miss Seiranel will coming with you," tugon ni Jaxon.

Alam din nito ang pangalan niya. Tumingin siya kay Hunter, nagtatanong ang mga mata.

"He's my personal bodyguard and personal assistant. Kilala ka niya, of course," anito na nakuha ang gusto niyang itanong.

Tumango siya at hindi na umimik pa. Parang bigla siyang naasiwa dahil masyadong pormal ang dalawa. Hindi lang siguro siya sanay. At isa pa ay unti-unti niyang nakikita ang Hunter na hindi pa niya nakikita noong nasa isla sila. Ibang-iba ito ngayon.

Isla Fontana Series #4: Ruthless Slave (COMPLETED)Where stories live. Discover now