“So..kayo pala ni Shianna ang magkasama kanina?yung batang yung kasi hindi man lang nagpaalam samin na aalis pala siya.”ani ni Tita Emilie.

“Pasensya na po talaga kung hindi nakapagpaalam ng maayos sainyo si Shianna.Nagmamadali rin po kasi kami para makabili kami agad ng mga gamit na gagamitin namin sa project namin.”sagot ko sa ginang and I smiled at her.

Shianna's P.O.V

Pag-akyat ko kanina ay dumiretso agad ako sa kwarto ko at nilock iyon.Lumapit ako sa kama ko at pabagsag na nahiga.Napaisip ako kung bakit nandito si Tristan.Imposible naman kasing dahil lang sa nakokonsyensya siya.Tsaka kelan naman sya tutubuan ng konsensya?siguro sa next life pa.

I'm also confuse kung bakit pumasok siya bahay.Narinig kaya niya yung sigaw ni Zander kanina?Hindi rin eh, imposibleng mangyari yun dahil malayo naman yung gate ng bahay namin.I'm sure may nagsabi sa kaniya.At kanina rin,nagtaka rin ako kung bakit hawak ni Zander yung cellphone ko kanina at kung sino rin ang kausap niya sa phone ko.

Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ng shorts na suot ko.Buti nalang talaga nakuha ko kanina yung Cellphone ko na nilapag kanina ni Zander sa gilid ng flower vase.

I opened my messenger at tumingin kong may chat ba sakin si Ivan pero nag assume lang pala ako sa wala dahil kahit anino ng active status niya ay wala man lang lumitaw.If I know naka online talaga siya pero off status lang.Tssk..

I'm about to turn of my phone nang bigla nalang may nag pop-up sa screen ng phone ko na notification.I-iignore ko sana pero napagdesisyonan kong tignan nalang.Nagulat ako dahil GC ito.At hindi lang basta isang GC.Group Chat ito ng Section namin.

Ng Section Z

Sa sobrang saya na naramdaman ko ay napa-upo ako sa kama at sumandal sa headboard ng kama ko.

Sheeettt totoo ba talaga 'to?or namamalik-mata lang ako?Gagi sobrang saya ko na kasali na ako sa GC ng Section Z!Mag dalawang linggo na kasi akong naghihintay na may mag-add sakin pero wala.Magpapa-add nga sana ako kay Rian pero nakakahiya naman.Tsaka feeling ko kasi hindi pa ako welcome sa Section nila.Pero ngayon?gusto kong sumigaw sa sobrang Saya na nararamdaman ko ngayon.

SECTION Z

Rian:Good evening people of the earth!buhay pa ba kayo?may huminga pa ba dito?^_^

Vince:Eh kung sakalin kaya kita Rian para tumigil na paghinga mo ngayon?◉‿◉

Rian:Ikaw naman babe hindi ka mabiro(◠‿◕)

Adrian:T*ngina ang landi mo Rian!!!lumayo ka nasusuka ako sayo!

Lyxe:Shhh h'wag kang mainngit sa kanila @Adrian.Ikaw naman love.Napatagal lang pag-online ko mainit na ulo agad ulo mo.

Adrian:T*ngina HUMIMLAY ka nalang Lyxe please lang.Maawa ka sa sarili mo.

Rian:Tigilan mo nga pagmumura mo Adrian!may bata dito!

Adrian:Bata?

Lyxe:The who?

Vince:Wala naman siguro kayong inadd dito na bata Diba?

Rylle:May Bata ba dito?

Rian:Nakakapagtampo...Nakakapanghina...Nakakasama ng loob...Ganyan na ba talaga kayo?nalimutan niyo bang 15 years old palang ako?ouch kayo eh noh?

Natawa ako sa mga conversations nila.I didn't expect na ganito pala sila ka isip bata.Nawala tuloy yung sama ng loob ko ngayon.

Shianna:Baka kamo isip bata?
Seen by Rian,Vince,Rylle,Stanley,Lyxe,Adrian,Tristan and 2 others...

Tsaka ko lang narealized na na click ko pala yung send button.Tanga ko talaga!tapos ayaw pa ma unsent message dahil useless na naman eh.Naseen na nila Lahat.Isang malaking katangahan na naman ang nangyari sa buong buhay ko.

Adrian:(2)

Rylle:(3)

Vince:(4)

Lyxe:(5)

Stanley:(6)

Stephen:(7)

Steve:(8)

Tristan:(9)

Rian:Wow ang galing niyo na magbilang🙄salamat nalang sa Lahat hah?sumang-ayon pa talaga kayong lahat😊

Shianna:Hala pasensya ka na Rian!Hindi talaga para sayo ang message na yun sorry wrong send hehe.

Sana pang talaga maniwala si Rian sa alibi ko.Baka hindi na naman ako papansinin non bukas.

Tristan:Hmm?so that message is not for Rian?I guess may iba ka pang kachat?

Steve:Luh?may kachat si Shia!

Rian:Hoi Shia Akala ko ba ako lang kaibigan mo?may kachat ka palang iba eh!

Magrereply na sana ako kaso bigla nalang dumilim ang paligid charrizz!Este dumilim yung screen ng phone ko.Signal na Patay na talaga.Shouta hindi ko man lang napansin na lowbat na palowbat na pala 'to kanina.

Bwiset na cellphone yan!walang ambag sa earth!

Inis kong tinapon ang cellphone ko sa kama.Tumayo nalang ako at pumasok sa Bathroom para maglinis ng katawan at para na rin makapagpahiga ako.

|A Q U A V I A M O U R|
[TOGOSZ]

S1:The Only Girl of Section Z | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon