Ito na...

Isa...

Dalawa....

Tatlo...

*Knock...knock...knock

Agad namang bumukas ang pinto, magsasalita na sana ako ng malaglag ang panga ko sa nakikita ko, si pogi....

Wait nanginginig ako, yawa.....

Wala siyang suot na damit kundi short lang, shuta yung abs niya, wait yung abs niya mga 8 packs, hoy adeline wag kang papahalata. Grabe ang hot, ang macho talaga ni pogi, nawawala na ako sa sarili ko.

"  What? " Cold nitong tanong kaya napatingin ako sa mukha niya habang pinupunasan ang bibig ko, naglaway ako yawa.

" Ahh–uhmm–aaaa–  ....... " Ano bang sasabihin ko ha, nakalimutan kona, bakit naman kasing walang suot na pang itaas tong si pogi tuloy naglalaway ako, god oh my god ngayon  lang kaya ako nakakita ng 8 packs face to face at nakakapanghina talaga.

" What? " Mas madiin ang pagkakasambit niya napatingin ako sa mata niya hindi na sa 8 packs.

" Yung pool malinis na, pwede ka ng maligo, swim all you want "

" Okay, dalhan mo'ko ng juice later " cold niyang sabi kaya napangiti ako sabay baba ng hagdan jusko kung kayo kaya yung nasa kalagayan ko tingnan natin kung di mamawis yang singit mo, char lang ano ba.

Papunta na ako sa kusina para magtimpla ng juice kay pogi, syempre dapat masarap kasing sarap ko, .....nakita ko naman sina Berta at Chin sa may kusina kumakain di man lang ako niyaya.

Pero okay lang busog narin ako sa 8 packs ni pogi, kung sainyo kaya tumambad yun tingnan natin kung kakayanin mo.

" Oh adeline sinabi mo naba kay Sir? " Tanong naman ni Berta habang nagsasandok ng ulam

" Ah oo kanina lang.." mautal-utal ko namang sagot rason para magtaka saken si Berta

" Nangyari sayo, pinapawisan ka yata? "

" Di ah, mainit lang noh " palusot ko naman napansin ko namang bumaba si pogi galing sa kawarto niya nakasuot ng white tshirt eh kanina walang suot, nahihiya siguro saken.

Napatingin naman kaming tatlo kay pogi at nabigla ako ng lumingon sa amin si pogi habang nakaduro.......sa'ken, wala naman akong ginawang masama ah bat ganito to makatingin saken.

Tuluyan ng dumiretso si pogi sa pool kaya nakahinga na ako ng maluwag sabay timpla na ng juice.

" Berta may tanong ako "

" Ano yun Adeline? "

" Wala bang girlfriend si sir?? "

Napatingin naman saken si Berta na parang binabasa niya yung iniisip ko, ngayon lang naman ako nagtanong ah, habang itong si Chin naman tahimik na kumakain, bait yarn.

" Sa tingin mo ba sa ganyang ugali ni sir magkakaroon siya ng girlfriend? " Lumiwanag naman ang mga mata ko nang marinig iyon,..ibig sabihin singe si pogi wahhhh.

" Eh bakit gwapo naman siya ah, mayaman, mabango, macho at higit sa lahat malaki "

" Anong malaki? " Tanong naman nilang dalawa

" Malaki ang puso, ehheh " yown astig talaga ako magpalusot

" AHHHHHHH..." Sumangayun naman sila sa sinabi ko sabay tapos na akong magtimpla ng juice..nilagyan ko ng maraming yelo, wala lang trip ko lang..

" Pero adeline, wag ka munang maging masaya dahil sa totoo lang may fiancee na si sir " halos maghalo ang balat sa tinalupan na marinig ko iyon, nanghihina ako yawa bakit bakit..char

" Okay lang di naman masakit "

" Bakit ate adeline may gusto kaba kay Sir Bray? " Nabigla naman ako ng tawagin akong ate ni Chin eh mukhang mas matanda pa nga siya saken eh, joke lang.

" Ako? Wala ha!!! "

" Ayiee ate adeline " pangloloko naman netoh saken

" Diyan na nga kayo, dadalhin ko pa ito kay pogi "

" Goodluck sana hindi tumulo ang laway mo ' napaduros naman ako kay Berta.

Papunta na ako sa pool kung saan nandun si pogi, halos ang tahimik ng paligid at tanging tubig lang ang naririnig ko habang lumalangoy si pogi, namangha naman ako dahil ang galing pala ni pogi sa paglangoy, eh ako hindi eh when kaya??

Natapos naman sa paglalangoy si pogi at umalsa na sa tubig habang sinuklay niya ang  basa niyang buhok gamit ang kamay niya, omg yung abs again and again nakikita ko ulit malapitan, nakaboxer lang siya.....WTF IS THIS REAL???! BAKAT POGI  ITAGO  MO YAN!

Umupo si pogi habang nakaboxer parin siya, ikaw ha alam mo pala ang kahinaan ko.

Lumakad ako papalapit kay pogi para iabot ang tinimpla kong juice...pineapple juice favorite niya yan.

" Ito na po sir " pinipigilan ko namang ngumiti dahil ang lapit ng abs niya,

Ininom niya naman agad ito habang ako gusto ko ng umalis pero sabi ng paa ko stay lang muna daw ako, ede stay.

" What are you waiting for huh?"

" Uhm– " magsasalita na sana ko nang tumayo si Pogi sa kianauupuan niya habang ang baso naman ng juice nilagay niya sa may lamesa, papalapit saken si pogi kaya rason para umatras ako sa kinatatayuan ko..gago anong gagawin ko mas lumalapit siya, umatras naman ako ulit hangaang sa........bigla akong bumagsak sa pool, hindi pa naman ako marunong lumangoy.

Nakainom pa ako ng tubig...ang lalim pala netoh, pinipilit kong lumangoy pero di talaga keri hanggang sa nakita ko si pogi sa ilalim ng swimming pool, ililigtas niya ba ako?.

Nagkatitigan naman muna kami ni pogi, ito na yata ang chance...bago niya pa ako maitaas kailangan ko'tong gawin.

Agad ko naman hinalikan si pogi, napahawak ng mahigpit sa mga braso ko si pogi pero wala na akong pakealam, he didn't kiss me back siguro nabigla siya sa paghalik ko, halatang nabigla nga siya pero ang lambot ng labi niya, at tuluyan ng nagdidilim ang paningin ko...

BRAY POV

Dahil sa paglapit ko sa babaeng baliw na ito bigla na siyang  nahulog sa swimming pool, and fuck she don't know how to swim so that's why i don't have choice  na iligtas siya at baka makasuhan pa ako dahil sa baliw na babae na'to.

Tumalon na din ako sa pool at pumunta sa kinaroroonan ng babaeng iyon, nasa ilalim talaga siya ng pool, hinawakan ko ng magkabilaan ang braso niya para itaas siya pero....inilapat niya ang labi niya sa labi ko, nanlaki ang mata ko sa ginawa niya rason para mas higpitan ko ang pagkapit sa kanya,

WHAT THE FUCK? HE STOLE MY FIRST KISS? THIS CRAZY WOMAN??! DARN!.

Inialis ko ang labi ko sa labi niya pero bigla nalang itong nawalan ng malay kaya kahit naiinis ako sa kanya, iniligtas ko parin siya.

Spy Of TomorrowWhere stories live. Discover now