"Sa paglilibot po? Opo Tito. Gabi kasi nung nakapunta po ako dito. Di ko na kita yung Taal Volcano masyado." It was not the prime view at that time but the rising sun at syempre si Alpha. Kaya kanina habang naglilibot sila ay naappreciate niya ang ganda ng lugar lalo na at maganda din ang restaurant na napili ni Alpha.

"Well okay, sige na. You two are forgiven." Tumayo na ang ginang at naglakad patungo sa pintuan. "We'll look around the area then we'll decide. Nasa likod na ang mga sasakyan. Let's go."

Nawala na yung kaba nila ni Alpha nang mag-aya na finally ang ginang na lumabas na sila patungo sa likod ng villa para matuloy at matapos na ang paglilibot sa napakalawak na lupain na ito. Paglabas nila ay may isang malaking sasakyan at tatlong kabayo. Maganda daw na ikutin ang lugar habang nakasakay sa kabayo.

She was truly excited kasi ang tagal na nung huli niyang nagawa ito. Agad siyang nag-volunteer sa kabayo at sinundan naman siya agad ni Alpha. Sa tagal niyang nawala sa Masbate ay akala niya hindi na niya ito uli magagawa. This reminds her of home somehow. Inalalayan siya ni Alpha na sumakay sa kabayo. Sinigurado pa nito sa mga caretaker na maamo ang kabayo na sinasakyan niya.

Halos isang oras na silang naglilibot nang huminto muna sila sa isang pahingahan para naman makainom ng tubig at makapag-usap din. They were casually relaxing nang bigla na lang nagsimulang mag-iingay ang kabayo na sinasakyan pa din ni Alpha. Hindi kasi ito bumaba kanina at nagpaabot lang ng tubig sa kanya. He looked tired at gusto na niyang ayain ito na sa sasakyan na lang. He seemed uncomfortable while horseback riding.

Nagulat nalang sila ng biglang tumakbo ng mabilis ang kabayo na sinasakyan ni Alpha. Kahit yung mga guide nila ay nagulat dahil doon. Hindi na siya nag-isip pa at sumampa muli sa kabayo at pinatakbo iyon ng mabilis. Delikado at baka kung saan pa mapunta si Alpha eh halata namang hindi ito sanay sa pagpapatakbo ng kabayo.

"Marci! Bumalik ka! Delikado!" Rinig niya ang tinig ng nanay ni Alpha pero hindi niya naman pupwedeng pabayaan ang lalaki. Sanay siya sa ganito at ilang beses na din naman niyang nagawang pigilan ang mga nagwawala o nagagalit na kabayo sa kanila.

Wala pang ilang minuto ay halos kasabayan na niya ang kabayong sinasakyan ni Alpha. He looked confused pero nakahawak lang ito ng mahigpit sa renda. As usual he was sporting a calm look.

"Boss!" Tawag niya dito. Mabuti na lang ay nasa malawak pa silang lupain at hindi pa sa bandang gubat.

"What the heck Marci, bakit ka andito? Delikado. Ang bilis bg takbo ng mga kabayo. You might hurt yourself." Ito na nga ang nasa alangan pero siya pa din ang iniintindi.

"Mas sanay ako sa ganito boss," pero hindi na siya nilingon nito. He must feel bad na makitang kinakabahan ito in front of her. He always likes to act tough. "Alpha, makinig ka. Malapit na tayo sa gubat, baka mas matakot yung kabayo dun kaya dapat pakalmahin na atin siya ngayon. Okay?"

"Okay, what do I do?" He asked pero hindi pa din lumuluwag ang hawak nito sa renda.

"Kumalma ka lang. Nararamdaman niya din na kabado ka. Ilipat mo yung hawak ng isang kamay mo diyan sa saddle, diyan sa may kahoy na parte na parang handle." Pinanood niyang gawin nga nito ang iniutos niya. "Tapos, luwagan mo ang hawak sa renda, baka masyado mo nahihila at nasasaktan siya."

She watched as Alpha carefully did what she asked of him. Medyo bumabagal na din ang takbo ng kabayo at kita niyang may papalapit ng ibang tao sa kanila.

"Kalma ka lang, okay? Tapos mahina lang, hatakin mo yung renda. Isang beses lang. Sign yan na bumagal o tumigil yung kabayo." Nakalma na din siya dahil nakita niyang nag-iiba na ang timpla ng kabayo mismo. "Subukan mo din na medyo haplusin yung sa may gilid ng leeg niya."

San Vicente 3: Illustrious Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang