CHAPTER 1

11 2 0
                                    

Gabriel POV

Gabi na ng umuwi ako, sobrang pagod masyado dahil bukod sa nagtatrabaho ako ay nag-aaral ako

Nagpahinga lang ako saglit at ginawa ang mga gawain na dapat gawin sa eskwelahan, nakaramdam naman ako ng pagkaantok kaya naman ay itinigil ko na muna ang gawain

siguro naman pwede ako mamahinga eh 'no

Dumiretso ako sa kwarto at agad ng nahiga. Sa pagod ay agad ako nakatulog

Sa pagkakataon na 'to ay animong nasa panaginip ako

Naglalakad ako sa isang daan kung saan hindi ako pamilyar, pagtingin ko sa kanang kamay ko ay may dala akong tubigan at parang malapit sa mineral station.. dineretso ko na lang ang dala kong tubigan dun, iniwan at umalis na

Luminga ako sa paligid at nakita ko ang isang court, agad akong naglakad papunta roon upang magtanong dahil di ako pamilyar sa lugar na ito

Nagtanong ako sa mga taong nasa paligid ngunit iba-iba ang kanilang mga pinagsasabi kaya hindi ko alam kung saan at kanino ako maniniwala

Sa pagkakataon na yun, habang ako ay nakatayo ay may isang lalake na lumapit sakin. Pagtingin ko sa kaniya ay nakangiti ito, naging pamilyar ang mukha na nakita ko

Naging lalake siya?

Kahawig ng lalakeng ito yung taong nakarelasyon ko rati..

Pagkakataon nga naman..

"Kanina pa kita napapansin dito at kanina ko pa nakikita na lumalapit ka sa mga tao, may kailangan ka ba?" Nakangiting tanong niya

"Oo, hindi kasi ako pamilyar sa lugar na 'to.. gusto ko lang malaman kung nasan ako"

"Nasa katipunan ka tol" nakangiti pa ring ani niya

Loko 'to kanina pa nakangiti, di ba siya nangangawit?

Nakakapagtaka lang kung pano ako napadpad dito

"Ano bang pangalan mo? baka sakaling makatulong ako" sambit niya na nanatili pa ring nakangiti sa akin

"Gabriel Ashton" direktang sagot ko sa kaniya

"Hindi ako pamilyar sa pangalan mo" ani niya "Pero may kahawig ka.." mahinang sabi niya pa

"Ano?"

"Wala, gusto mo i-tour na lang kita dito?" magiliw na tanong niya, tumango na lang ako sa kaniya

Nagsimula na kaming maglakad, nangunguna siya samantalang ako ay nakasunod lang. Maraming mga tindahan at matatayug na bahay ang mga nandito kaya maganda tignan

Sa pagkalinga ko sa paligid ay di ko na namalayan na may nabangga na pala ako

"Sorry miss di ko sinasad-" di ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong sampalin, natulala lang ako sa kaniya ng makita ko ang mukha niya..

Angelica?

Kahawig niya yung dati kong nakasintahan

"Bakit mo ko binangga?" tanong niya sa akin

"Hindi ko sinasadya" sagot ko, lumipat naman ang tingin niya sa kasama ko tinignan niya ito mula paa hanggang ulo

"Kilala mo ba 'to?" tanong niya sa kasama ko pero wala siyang nakuhang sagot "Kilala mo ba ito?" pag-uulit niya ng tanong pero wala pa ring lumalabas na sagot sa bibig ng kasama ko

Agad naman niya dinampot ang magkabilang kwelyo ng kasama ko at akma niya sana itong susuntokin ngunti nagsalita ako

"Bitawan mo siya" ani ko

"Sino ka para utosan ako?" nanlilisik ang mga mata niya ng sabihin niya iyon, di nagtagal ay ibinaba niya yung lalaking kasama ko

Hindi na ako nakasagot pa sa kaniya ng hatakin naman ako palayo ng kasama ko

"Bakit mo ako hinatak?" tanong ko sa kaniya

"Pabayaan mo na" seryosong sagot niya

"Bakit?"

"Wala ka namang mapapala pa dun kung papatulan mo" nanatiling seryosong sambit niya

"Bakit? Sino ba yun?"

"Sigurado ka bang gusto mong malaman?" paninigurado niya, tanging tango na lang ang naisagot ko sa kaniya

"Siya si Angel Rei" paninimula niya "Siya ang leader ng pinakamalakas na gang dito" ani niya pa

Âme sœurWhere stories live. Discover now