CHAPTER 2

8 2 0
                                    

Gabriel POV

Gang? hahaha kalokohan

"Anong gang naman yan?" di makapaniwalang tanong ko

"Ang Black Spade. Pinamumunuan ni Angel Rei yung nakabanggaan mo kanina at yung mga kasama niya ay mga myembro dun.. wala pa sila sa kalahati nun" sagot niya

"HAHAHAHA korni naman nila" natatawang ani ko pero siya ay nananatili pa ring seryoso

Seryoso ba talaga siya?

Ilang minuto siyang nanahimik, namayani ag katahimkan sa pagitan naming dalawa kung kaya ay binasag ko na

"May problema ba?" tanong ko dahil sa seryoso niyang pagkakatahimik

"May naalala lang" sagot niya

"Ano ba yun?"

"Isa ako sa mga myembro nila.." paninimula niya "Dati, dati akong myembro nila" mapait na pagkakasabi niya

Hindi naman ako makapaniwala sa sinabi niya dahil kung titignan ito ay napakae inosenteng binatilyo lamang na gusto magbasketball

"Naging myembro ako ng BS, isa ako sa mga pinagkakatiwalaan ni Madam pero may ginawa akong mali pero hindi ko naman ginustong gawin yun.." halata sa mukha niya ang pagkadismaya niya sa sarili niya

"At ano naman yun?" tanong ko

"Nagnakaw ako" pag-amin niya na ikinagulat ko "Nagnakaw ako ng napakalaking pera na ipinahawak sa akin ni Madam. Nasilaw ako dun dahil kinakailangan sa pagpapagamot ng kapatid ko" nangingiyak na kwento niya "Sinubokan kong ipaliwanag lahat kay Madam pero napangunahan siya ng galit kaya wala na akong nagawa kapalit nun ay ang pagkabugbog sa akin, dumating pa sa punto na halos mamatay na ako"

Naiyak ako sa ikinwento niya pero hindi ko ipinahalata

Wala lang talaga siya choice hays

"Umiyak ka ba?" tanong niya sabay silip sa mukha ko natatawa

loko talaga 'to

"Tara punta na lang tayo sa bahay" Anyaya niya, napatango na lang ako at sumunod sa kaniya

Di kalayuan mula sa pinagmulan namin ay nakarating agad kami sa bahay nila, malaki naman. Pagpasok ay bumungad dito ang Mama niya na nakangiti, binati ko yun at ipinaupo naman niya ako. Nagkaroon ng kwentohan at kainan

"Tapos ma alam mo ba gu-" hindi na natapos ang sasabihin ng aking kaibigan ng may kumatok

Agad naman tumayo ang Mama niya at tinignan kung sino ang mga yun

"Tita, nandiyan po ba si Aiden?" naririnig kong tanong ng isang pamilyar ng boses na babae

Aiden pala ha

"Anak, hinahanap ka ni Rei" ani ng kaniyang mama

Nagtaka at nagkatinginan naman kami ni Aiden. Agad naman kaming tumayo pareho naunang lumakad si Aiden papunta sa labas at samantalang ako ay nakasunod lamang. Bumungad sa amin ang isang grupo.

"Ano pong kailangan niyo?" nakangiting tanong ni Aiden

"Siya" sagot ni Rei habang nakaturo sa akin

Ako? Bakit ako?

Napatingin naman ako kay Aiden at tinignan naman ako nito na may makahulogang tingin.

Nang mapalapit pa ako ng unti sa kaniya ay agad naman akong sinampal ng napakalakas na agad kung ikinagulat ko

"Para saan yun?" nagtatakang tanong ko sa kaniya, hindi naman ito sumagot at nakatingin lang sa akin



Aiden POV

Anong problema ng mga 'to?

Napansin ko namang nakatingin ng masama si James kay Ashton samantalang si Mark naman ay nananatiling nakatingin sa dalawa at nananahimik

"See you when you see me" ani ni Rei kay Ashton sabay kinindatan

Ay may paganon? Ashton ahh

Napatingin naman ako kay Ashton at halata sa mukha niya ang pagkamula at pagkagulat. Samantalang umalis naman na sila Rei pero si James naman ay tinaponan kami ng masamang tingin sabay umalis



Gabriel POV

Natulala ako ng mga ilang minuto dahil sa ginawa nung babaeng yun

Anong meron?

Umalis na nga sila at bago pa man tuloyang umalis lahat ay may isang lalaking nakatingin pa rin ng masama sa amin ni Aiden sabay sumunod na paalis mula sa amin

"Tol bakit sama ng tingin ng mga yun sa akin?" tanong ko kay Aiden

"Di ka kasi taga dito kaya ganon" sagot niya

Arte naman ng mga tao dito

Bumalik na kami sa loob ng bahay nila Aiden at pinagpatuloy yung mga kwentohan

Kinagabihan ay dun na ako kumain, sabi rin ni Aiden at Mama niya dito na lang daw muna ako tumuloy sa bahay nila dahil wala naman daw akong mapuntahan

Magdamag na di maalis sa isip ko yung sinabi at ginawang pagkindat sa akin ng babaeng yun

"Tingin mo, bakit niya ako kinindatan?" tanong ko kay Aiden na katabi ko lang na nakahiga na rin

"Baka type ka HAHAHAHAHA" tawang-tawang sabi ni Aiden, binatokan ko naman siya at pinakyuhan

Âme sœurWhere stories live. Discover now