"Go ahead,"

"Thank you mommy!" masayang tugon ni Bella sa akin.

Tumayo sa kinauupuan si Bella at lumapit sa kanyang ama. Hinawakan siya sa kamay ni Lucio at bigla itong napabitaw sa kanya.

"What happen sweet heart?" nag aalalang tanong ni Lucio sa kanya.

Nakatingin lang ako sa kanila nito at binabantayan ko ang bawat galaw na gagawin ni Lucio kay Bella.

"There's an electricity!" Gulat na sabi ni Bella.

"Really?" gulat na tanong ni Lucio. "Try to hold my hand again sweet heart," nakangiting sabi ni Lucio kay Bella.

"Tsss... Sweet heart ka pa nang sweet heart diyan!" sabi ko na lang sa sarili ko habang nakataray na nakatingin sa kanya.

Matagumpay na nahawakan ni Lucio ang kamay ni Bella at naglakad sila sa harapan namin. Tumingin sa akin si Lucio na parang nang-aakit kaya napalunok ako ng bahagya ng laway ko.

"Where do you want to go anak?" tanong ni Lucio kay Bella.

"Outside!" masayang tugon ni Bella.

"Ok!" nakangiting tugon ni Lucio kay Bella.

Nakatingin lang ako sa dalawa habang papalabas sila ng mansyon medyo napapalagay na ng kaunti ang pakiramdam ko ngayon na alam ni Lucio ang lahat pero hindi pa siguro kaya ng puso ko na buksan muli ito sa kanya kahit pa nakakaramdam pa ako nang pagmamahal sa kanya.

Habang nakatingin ako sa dalawa ay dumating sina Inay at Itay na galing sa kusina.

"Ooh? Nasaan ang mag-ama?" tanong ni Inay sa akin.

"Lumabas sila,"

"Bakit hindi ka sumama at makapag bonding naman kayong mag pamilya?"

"For what Inay? Hindi na ako umaasang magkakabalikan pa kaming dalawa,"

"Bakit hindi niyo ulit subukan na dalawa tutal mahal mo pa naman si Lucio,"

"He took me for granted so ngayon kung mahal niya talaga ako papahirapan ko siya,"

"Paano si Bella?"

"Hindi ko siya tatanggalan ng karapatan sa bata,"

"Ano pa bang bumabagabag sayo?"

"Wala naman Inay. Gusto ko lang talaga ng payapang pamumuhay dahil kapag nakipag balikan pa ako kay Lucio siguradong gulo na naman ang mangyayari sa buhay ko,"

"Paano mo naman nasabi?"

"Jusko naman Inay! Nakita mo naman kung anong nangyari sa buhay ko nung panahong baliw na baliw ako sa kanya 'di ba? Lahat naging kaaway ko ultimo best friend ko nagtangkang akitin si Lucio ko," nakasimangot na sabi ko kay Inay.

"Lucio ko? Anak ang inyong mata ay nag kokorteng puso nung nakita mo si Lucio kanina," Pang aasar ni Itay sa akin.

"Itay naman palabiro masyado!"

"Gusto namin si Lucio para sayo anak. Subukan mo ulit buksan ang puso mo sa kanya 'di ba nga sabi nila love is sweeter the time around," nakangiting sabi ni Itay.

"At talagang gumaganyan ka pa Itay aah? Anong pinakain sa inyo ni Lucio noong panahong wala ako?" Pang aasar ko sa kanya.

"Marami! Baka akala mo nalugmok kami ng Inay mo noong nawala ka? Wala nga kaming kaalam-alam sa mga nangyayari sayo noon eeh. Basta bigla na lang siyang sumulpot sa bahay natin na maraming dala-dalang pagkain tapos nabawi namin si Ronald kay Rosya,"

"Aaahhh oo nakwento niyo na 'yan sa akin,"

"Akala talaga namin patay ka na pero nagulat na lang kami na bigla kang nagpadala ng liham sa amin ng Inay mo na nasa Paris ka nga," lahad ni Itay.

"Sssshhh... Quiet lang baka marinig kayo ni Lucio malaman pa niya na kasabwat sina Don at Tita Olivia sa pagtira ko sa Paris,"

"Ano? May alam sila Don at Tita Olivia sa pagkawala mo?" tanong mula sa likuran ko.

Dahan-dahan akong napatingin sa likuran ko at nakita ko si Lucio na nakatingin sa amin.

"I didn't expect na they will betrayed me!" galit na sabat niya.

"It's not a betrayal Luci! They help me para mabuhay ako!" Sigaw ko sa kanya.

Nanlisik ang mga mata kong nakatingin kay Lucio nito kaya natakot si Bella sa akin at napakapit  sa laylayan ng damit ni Lucio habang nagtatago.

"It's ok honey! Nagulat lang si mommy," malambing na sabi ko kay Bella habang inilalapat ang kamay ko sa kanya.

"Why are you fighting?" tanong niya sa aming dalawa.

Hinawakan siya ni Lucio sa kamay at lumuhod si Lucio sa harapan niya para magtapat ang kanilang mga mata.

"Nagulat lang si daddy sa sinabi ni mommy hindi kami nag aaway na dalawa," nakangiting sabi ni Lucio kay Bella.

"Daddy? Are you going to live with us now?"

"Ahmm... Yeah?" tanong ni Lucio habang nakatingin sa akin.

"Really!" masayang sabi ni Bella sa kanya.

"He's not going to live with us honey. May bahay ang dad mo at doon siya titira," seryosong sabi ko kay Bella.

"Pero?" malungkot na tanong niya.

"It's ok Bell daddy will visit you everyday," nakangiting sabi ni Lucio.

"Can you sleep over tonight?"

"No," sabat ko.

"No daw sabi ni mommy,"

"No! I want daddy!" Sigaw ni Bella sa aming lahat sabay takbo ng mabilis paalis sa amin habang umiiyak.

"Bell!" Sigaw ko sa kanya. "Kasalanan mo 'to!" galit na sabi ko kay Lucio sabay tulak sa kanya.

Paalis na ako sa harapan ni Lucio nito ng bigla akong hinawakan ni Itay ng mahigpit sa aking kamay.

"Dito ka lang at kami na ang kakausap sa bata! Ayusin mo 'yang ugali mo Gia at hindi kami natutuwa ng Inay mo na ganyan ka makitungo sa ama ng anak mo sa harapan niya mismo. Nakakahiya ka!" Galit na sigaw ni Itay sa akin sabay alis sa harapan namin.

Napaupo ako sa malaking vase sa tabi ko kasabay ng pagpatak ng luha sa mga mata ko. Hinawakan ko ang mukha ko habang pinupunasan ang luha ko sabay inis na sinabunutan ang buhok ko.

"Nakakainis ka Lucio! Sana hindi na lang talaga ako bumalik dito sa Pilipinas! Sana hindi na lang kita nakita pa! At sana hindi ka sumunod dito sa tirahan ko! Ginugulo mo kami ng anak mo!" Galit na sabi ko sa kanya.

Hinawakan ni Lucio ang mga kamay ko at niyakap ako ng sobrang higpit.

"Please Gianna! Hayaan mo akong itama ang mga kamalian ko sayo at sa anak ko. Bigyan mo pa ako ng second chance pakiusap!" pasusumamo niya sa akin.

Binuhat ako ni Lucio patayo at niyakap niya ako ng sobrang higpit. Ramdam na ramdam ko ang nginig sa kanyang katawan habang nakayakap siya sa akin sinubukan kong pumalag sa kanyang yakap ngunit mas lalo niyang hinihigpitan ang yakap niya sa akin.

Umiiyak lang ako ng mga oras na 'to hindi dahil sa nararamdaman kong galit ngayon bagkus ay nagugulo na naman ang utak at puso ko. 

Mahal na mahal ko pa si Lucio at mamahalin ko siya hanggang sa dulo ng hininga ko.

Probinsyana Series: BOOK 2 - WHEN YOUR LOVE IS GONEWhere stories live. Discover now