It's all because he thought that I'm Cat!




Kinagabihan

Mag-isa akong kumain ng hapunan sa mahabang mesa kanina. Sobrang dami ng pagkain parang may okasyon lang. Ang awkward pa kasi andaming nakapalibot na kasambahay habang kumakain ako. Niyayaya ko nga sila na samahan ako kumain pero tumanggi naman sila kasi bawal daw. Hindi ko nakita si Thaigo, hindi ko alam kung san nagpunta yun.

Mag iisang oras na akong hindi makatulog dahil sa lakas ng ulan at kidlat. Bumaba na nga ako sa kama ko, umupo ako sa sahig at sumiksik sa gilid ng kama ko kasi natatakot ako sa kidlat. Napapahawak nalang ako sa aking tenga tuwing naririnig ko ito. Mula pagkabata ay takot na ako rito.


Hindi ako makakatulog ng ganto. Gusto ko ng kasama. Natatakot ako.


Nang huminto ang pagkidlat ay dali dali akong lumabas ng kwarto habang takip ang dalawa kong tenga. Ewan ko kung san ako tutungo basta gusto ko lang ng may kasama.

Laking pasasalamat ko ng makita na bukas ang ilaw sa may hagdanan pababa sa sala. May mga tauhan parin pala.

Hindi ba sila natutulog?

Nagtataka naman nila akong tiningnan ng naglakad ako palapit sa kanila. Bale tatlo sila ngayung nakatayo sa may sala.

"Hi po-" babatiin ko sana sila ng bigla ulit kumidlat. Napapikit ako habang nakatakip sa aking tenga.

"Ma'am, ano pong ginagawa niyo rito?" Tanong ng isang tauhan. Medyo may mga edad na sila, naka itim sila at may hawak na baril.

"Pwede po bang, dito po muna ako? Wala po kasi akong kasama sa kwarto. Hindi po ako makatulog eh, natatakot po ako sa kidlat"

Nagsitinignan naman silang tatlo bago dahan dahang tumango ang isa sa harap ko.

"Sige Ma'am" wika nito. Agad ko namang ginawaran siya ng ngiti.

"Salamat po" sabi ko at umupo sa sofa sa gilid niya ang dalawa ay nakatayo sa kabilang sofa

Medyo nawala ang takot ko kasi may kasama na ako.

Tiningala ko naman si kuya na nasa gilid ko "Ilang taon na po kayo kuya?"

Napakurap kurap pa siya bago magsalita " 45 Ma'am" sagot nito ng hindi ako tinitingnan

"Ah..." Napatango ako " May asawa't mga anak na po kayo?"

Ilang segundo ulit bago siya magsalita "Opo Ma'am"

Napatingin naman ako sa baril na hawak niya.

Mabigat kaya yan? Siguro nangangalay na mga kamay nila sa kakahawak niyan


Sabi ko sa isip ko at tumayo. Napaatras si kuya ng lumapit ako sa kanya. Para siyang robot, straight na straight ang katawan niya habang nakatayo, ni halos ayaw kumurap.

"Kuya mabigat ba-" Napasigaw ako ng malakas ng biglang kumidlat ng malakas. Wala din sa sarili akong napayakap kay kuya. Ramdam ko ang paninigas ng katawan niya habang ang lakas naman ng tibok ng puso ko sa sobrang nerbyos.

"P-Pasensya na po. Nagulat lang ako" paghingi ko ng paumanhin sa kanya at unti unting lumayo. Nagtaka naman ako ng hindi man lang siya nagsalita. Mukha itong namumutla habang may tinitingnan sa likod ko.

Napaatras ako ng makita si Thaigo na na nakatayo sa likod ko. Medyo magulo pa ang buhok nito.

"The hell are you doing here?" He coldly said.

"Bu-"

"At ba't ka sumisigaw ng ganitong oras? Don't you know that I'm already asleep?"

"P-Pasensya ka na... Hindi kasi ako makatulog k-kaya bumaba ako at-" bigla ulit kumidlat kaya napayakap ako ulit kay kuya na nasa gilid ko.

Napamulat ako ng mata ng biglang may humila sa akin.


"Will you stop hugging him?!" Iritado nitong sabi. Walang imik naman si kuya sa gilid ko pero halatang kinakabahan rin ito.

"Nabigla lang. Takot kasi ako sa kidlat" wika ko. "s-sige, aakyat na ako" at nagdali dali akong umakyat ng hagdan habang nakahawak parin sa dalawang tenga ko. Ramdam ko namang nakasunod siya sa akin.

Nakita kong lumiwanag sa labas hudyat na kikidlat na naman kaya binilisan ko ang lakad ko sa hagdan and as if on cue nadapa ako ng kumidlat.

Narinig kong napamura si Thaigo habang binilisan ang mga hakbang nito patungo sa akin. Agad niya akong inalalayan sa braso patayo.

"Mag-ingat ka naman" galit nitong wika habang nakahawak sa braso ko. Inayos ko ang damit ko at nakita kong dumapo ang mga mata niya sa tiyan ko. Iisipin ko sanang nag-aalala siya sa akin pero bigla kong naalala ang pinag-usapan nila kanina ni Dion

Nag-aalala siya sa baby, hindi para sayo Eris!

Inalis ko naman ang braso ko mula sa pagkakahawak niya at naglakad patungo sa aking kwarto. Agad kong hinawakan ang aking tenga ng makitang biglang lumiwanag. Bubuksan ko na sana ang pinto ng magsalita si Thaigo

"Are you gonna be fine?"

Napakagat naman ako sa aking labi bago tumango ng hindi siya hinaharap at tuluyan na akong pumasok sa aking kwarto.

Napabuntong hininga ako ng umupo ako sa aking kama at pinalibot ang kumot sa aking katawan.


Hindi talaga ako makakatulog nito


Hihiga na sana ako ng marinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko.

Nakalimutan ko pala iyong i-lock!

"A-Anong ginagawa mo rito?"

Hindi naman siya sumagot agad. Sinarado niya ang pinto at ni lock iyon bago umupo sa sofa. May dala siyang kumot at unan.

"I'm sleeping here" at nilagay niya ang unan sa sofa.

Dito siya matutulog???

"Bakit naman?"

Humiga naman siya at nilagyan ng kumot ang katawan bago ako binalingan "Bawal ba?"

Nakalimutan ko yata na bahay niya pala to!

"H-Hindi naman.."nauutal kong sagot

Huminga naman siya ng malalim bago pumikit

"Sleep" he said.

Tumango naman ako kahit hindi niya iyon nakikita kasi nakapikit na siya. Agad akong humiga.

Pipikit na sana ako ng bigla ulit siyang nagsalita.

"And please always lock your door when you sleep"

"Okay" sagot ko bago pumikit


___

Please don'g forget to vote:)

Beautiful Mistake (Mafia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon