RH1 - Jander

28.7K 514 71
                                    

Rinig na rinig ko ang tawa ni Jander mula sa labas ng room ko. Pati na rin ang hindi matapos-tapos na pagmumura niya kapag kasama ang mga kaibigan.

"Uy chicks! Hi miss! Ganda ah!" kitang kita ko ang kaharutan ni Jander sa labas. Kitang kita ko mula sa kinauupuan ko dito sa loob ng classroom. Pinapataas ni Jander ang palda ng babae. He's a pervert. Ibang-iba na siya ngayon. Dati-rati ay tahimik lang 'yan at masungit. Hindi tulad ngayon na madaldal at mapang-asar.

"Ohh, Ikaw talaga, Jander! Ang naughty mo talaga!" At eto naman si babae, todo landi. Hay nako! Gwapo si Jander I get it. But I want him mine only..

"Sus alam ko na 'yun. Isang kiss lang okay na 'yon ha? Alis ka na pagkatapos." Tinawanan ni Jander ang malanding babae at hinalikan saglit. Napapikit ako at ininda ang sakit na nararamdaman ko mula sa dibdib ko. Seryoso ako. Masakit kahit alam kong walang nararamdaman si Jander sa babaeng 'yun. Paano naging masakit? Eh sino ba naman gugustuhin makita ang mahal niya nakikipaghalikan sa iba? Diba wala?

Wala akong kahit anong karapatan sa kaniya pero nasasaktan ako. Sanay na sanay na ang puso ko sa sakit. Ilang taon ba naman niya ako sinasaktan..

Umalis na ang babae't hindi pa rin umaalis si Jander sa tapat ng room namin. Classmate ko ang mga kaibigan niya kaya dito siya tumatambay. I've finally decided. Ang tagal niyang nawala't miss na miss ko na siya. Hindi na rin naco-contact sa facebook dahil binlock niya ako. He's annoyed at me.

Lumabas ako ng room. Sinalubong ko siya ng mahihigpit kong yakap. Hindi ko na tiningnan ang reaksyon pa ni Jander. Wala akong pake. "Jander! I missed you!" Tumigil sa pagtatawanan ang tropa niya't inalis niya ang yakap ko. The rudest guy I've known. Damn why do I love this guy?

Lahat ng tao dito alam na alam kung gaano ako ka-obsess kay Jander. Yes, the term is obsess not inlove. Mad love it is.

"Kinsley, ano nanaman ba?" singhal ni Jander sa akin. Nagtawanan ang tropa niya't umalis. Nagpaalam na ang mga kaibigan ni Jander bago pumasok sa room namin.

Sanay na ako. Okay lang. Reject naman ako lagi eh.

I always pretend that I'm okay. Hindi ako mahina.. Nagpout ako at tumawa na lang. Umalis ako sa harap nila't bumalik sa classroom ko. 2nd year na ng college life namin. Kauuwi lang ni Jander galing Paris kasama ang buong pamilya niya. Pati nung high school pabalik-balik siya sa Paris. Kakataka nga eh, tapos makikita ko na lang nakikipagkita siya sa anak ni Mrs. Ashford -- isang teacher dito sa Meredith University.

First day ng school ngayon ko lang ulit siya nakita. Balita ko nga may bago siyang kapatid na cute rin! Lakas ko talaga makakuha ng balita. Pero natutuwa ako na nagbago kahit papaano si Jander kasi dati ang snobber niya at ang sungit sungit na akala mong babae pero patuloy ko paring kinukulit. Sinasabihan na nga ako ng iba na desperada daw ako kay Jander. Oo na desperada na! Ako na! Mahal ko naman eh.

"Improving na si Jander!" tili ko kay Seraphina. Ang kaibigan ko at may isa pa! Si Yvette. Silang dalawa lang ang kaibigan ko dito sa school.. the rest kakilala ko na.

"Nako naman 'te! Move on! Wala na yatang balak si Jander na magseryoso. Halos lahat ng babae dito sa school nahalikan na eh."

"Sus! Magbasa kayo ng wattpad! Marami doon na stories tungkol sa badboy tapos may isang girl na magbabago para kaniya! At ako yun!" Confident na sabi ko kahit walang wala na akong pag-asa... alam ko naman 'yun. Binubulag ko ang sarili ko sa isang pangyayari na malabong mangyari.

"Sabi lang 'yan." comment ni Yvette sa akin. Nagpout ako nagpatuloy sa pagkain ko. Napaka-negative ng mga kaibigan ko pagdating sa lovelife ko.

Silang dalawa ang nakakaalam ng kadesperadahan ko simula pagkabata namin. Masisisi n'yo ba akong mahal na mahal ko si Jander? No. Puso ko 'to.

Rubiks Heart [Completed]Where stories live. Discover now