That word 'Nagkataon' Starting right now I'll gonna hate you!

Lumingon ako kay Tristan at tinapunan siya ng masamang tingin.

“You know what Mega phone?you're wasting my precious time so be faster?”iritang sabi sakin ni Tristan and Zander's forehead creased.

“Mega phone?Why did he call you Mega Phone?”Zander suddenly asked.Nag-aalangan ako kung anong isasagot ko kay Zander.Buti nalang tumunog ang phone niya dahilan para bumalik siya sa taas.Linapitan ko si Tristan at binatukan siya.

“Bakit mo ako tinawag na mega phone!Bwiset kang abnormal ka!”singhal ko sa kaniya.Himas-himas niya ang batok niya at tinignan ako ng masama.

“Bakit mo ako binatukan?”irita niyang tanong.I just smirk at him.

First time kong nabatukan si Tristan at hindi ko talaga mapigilang tumawa sa utak ko dahil sa rekasyon niya.

So ganun pala mainis at mairita ang isang Tristan Jake huh?

“Hintayin mo ako dito.May kukunin lang ako sa kusina.”tugon ko kay Tristan.Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya.Umalis na ako sa harapan niya at naglakad papuntang Kusina.

Humanda ka sakin Ivan...

Dahan-dahan akong naglakad papasok sa kusina at nakita ko agad si Ivan na namimili ng pagkain sa ref.Lumapit ako kay Ivan at pinatid siya kaya siya natumba.

“Aray!what the hell!Shianna Bakit mo yun ginawa!”takang tanong niya.Pero inirapan ko lang siya at kumuha na ako ng tubig.Uminom muna ako bago siya hinarap.

“H'wag kang magpapakita sakin Ivan Lee sa loob ng dalawang linggo!”seryoso kong tugon kay Ivan at dinuro siya.Agad naman siyang tumayo at lumapit sakin.

“What?No!I won't do what you say!”he replied.I left a heavy sigh and continue.

“Dalawa na ang atraso mo sakin kaya bahala ka dyan Ivan!”sagot ko kay Ivan.

“No!”pagmamatigas niya,pero syempre hindi ako marupok eh.Tinalikuran ko nalang siya at bumalik sa may Sala.

Grabe sobrang stress ko na talaga sa araw na'to.Imbis na buong hapon sana akong manood ng SpongeBob pero naudlot pa talaga....

Binalikan ko si Tristan sa may sala.Para pang señorito ang mokong.Kung makaasta parang bahay niya'to.

Lumapit ako sa kaniya at tinapik sa balikat.

“Hoy sir tara na...”aya ko kay Tristan.Dahan-dahan siyang tumayo at humarap sakin.Sa sobrang bigla ko ay muntik na akong natumba,buti nalang nahawakan ni Tristan ang bewang ko.Sobrang lapit niya kasi kaya ako na out of balance.Napakurap-kurap nalang ako at nakatingin sa mukha ni Tristan.Tumayo ako ng maayos at lumayo sa kaniya ng kunti.

“You're so clumsy Mega phone.Kong hindi kita nasalo malamang pilay ka na ngayon.”pagmamayabang niya.

Wow ah!dapat pa pala ako thankful kasi nasalo niya ako.At ano?pilay?hindi naman ako ganun ka OA para mapilay agad.Pssh...

“B-bakit k-kasi sobrang lapit mo!kaya ako na out of balance dahil sayo eh!”

He just smirk at nauna nang lumakad sakin palabas ng bahay.Hindi na rin ako nag-ayos pa dahil satingin ko ok na naman 'tong suot ko siguro.Sumunod na ako kay Tristan papalapit sa sasakyan niya.Nauna na siyang pumasok sa loob nang hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto.

Kita mo 'tong lalaking 'to?magiging gentleman raw siya para sakin pero nauna nang sumakay sa kotse niya.

Imbis na naghintay pang baka magbago ang isip niya na lalabas siya ng kotse niya at maisipang pagbuksan ako ng pinto.Pumasok nalang ako at nabigla ako dahil lumabas siya ng kotse niya.

“T-teka hoy saan ka—”nagulat ako dahil binuksan niya ang pintuan ng kotse.

“Baba...”he ordered.

Nagtaka ako sa sinabi ni Tristan na papalabasin niya ako ng kotse niya.Ano bang trip nito sa buhay?Kesa naman sa magkasagutan pa kami.Bumaba nalang ako ng kotse.Pagkababa ko ay sinarado niya ang pintuan ng kotse at lumapit sakin.

Wait lang—palalakarin niya ba ako?

“H-hoy ano bang ginagawa mo!”naguguluhan kong tanong.Pero mas nagulat ako nang bigla nalang niyang buksan ulit ang pinto ng kotse.

What the—?ano bang trip nito sa buhay?naisipan niya pa talagang maglaro?

“Diba sabi ko sayo Shianna?kaya kong maging gentleman para sayo?”he suddenly said without emotion and that made my heart beats so fast.

What the hell is going on?

Oo may sakit ako!kaya siguro biglang bumilis yung heartbeat ko.Oo tama baka sa sakit ko lang 'to—pero hindi eh!tanga ka ba Shianna Madrigal!wala kang sakit!

Gagi wala nga pala akong sakit...

“A-ah?Ah oo sorry nakalimutan ko.”sagot ko kay Tristan.Napakamot nalang ako sa ulo ko at pumasok na sa sasakyan.Sinarado na niya yung pinto at umikot papunta sa may drivers seat.Pagkapasok ko ay isusuot ko na sana ang seatbelt ko pero bigla nalang lumapit si Tristan at siya ang nag-ayos nun.

Pangalawang beses na'tong nangyari eh...

Umayos na siya ng upo at sinuot ang seatbelt niya tsaka binuhay ang makina ng kotse...

|A Q U A V I A M O U R|
[TOGOSZ]

S1:The Only Girl of Section Z | COMPLETEDWhere stories live. Discover now