Hindi pa ako nakakalapit ng husto sa kanya ay nag unahan na ang apat sa paglapit sa kanya. Anak ng puta!  Hinayaan ko muna sila at namaywang.

"Hi! Ikaw ba si Nika?" Pangunguna ni Seb. At talagang tanda pa nya ang pangalan ni Nika ha.

"O-oo." Maiksing sagot ni Nika at alanganing ngumiti. Kita sa mukha nya ang pagkailang sa apat kong kaibigan.

"I'm Seb. Kaibigan ni Pierre." Inilahad pa nya ang kamay. Nahihiyang inabot naman ni Nika ang isa nyang kamay at nag shakes hands sila. Tinulak naman ni Dan si Seb at kinuha ang kamay ni Nika.

"Dan nga pala baby, kaibigan din ako ng jowa mo." Sabay kindat kay Nika.

"Hoy! Hindi mo baby yan! Baby ko yan animal ka!" Singhal ko sa kanya na ikinatawa lang nya at namakyu pa.

"I'm Lex. Nice to finally meet you Nika." Tumango at ngumiti lang si Nika sa kanya at nakipag kamay.

"Austin is the name you can trust sweetie. Kaibigan din ako ng kantuterong to." Sabay turo nya sa akin, ngumiwi lang si Nika at namula ang mga pisngi. Tumawa lang ang tatlo sa sinabi ni Austin. Putangina talaga nitong mga to! Dapat hindi ko na pinapasok tong mga to eh!

Lumapit na ako at pinaghahawi silang lahat sa harap ni Nika.

"May mga bisita ka pala, babalik na lang ako mamaya." Nakatingin sa akin na sabi nya.

"Hindi, uuwi na sila." Hinawakan ko naman sya sa siko at nginitian.

"Kararating pa lang namin pauuwiin mo agad kami. Anlupet mo naman brad. Pagsabihan mo nga tong jowa mo baby, palibhasa tumatanda na eh." Sabat ni Dan. Tumawa naman ng mahina si Nika kaya napasimangot ako.

"Wag mo ngang matawag tawag na baby si Nika. Ako lang may karapatan tawagin sya nun."

"At kelan ka pa naging seloso pare?" Tudyo pa ni Lex na ngingisi ngising ng umupo.

"Simula nung makilala nya si Nika." Dugtong pa ni Seb. Nagkantyawan pa silang apat. Tatawa tawa lang si Nika sa tabi ko.

"Isabay na lang kaya natin mga kaibigan mo sa pananghalian. Nakakahiya naman binisita ka nila tapos pauuwian mo agad. Marami naman akong nailutong ulam sa bahay." Nakangiting suhestiyon nya.

"Yown! Buti pa tong baby mo inalala pa kami samantalang ikaw na kaibigan namin pinalalayas kami." Lumapit si Austin at kinuha ang tupperware na hawak ni Nika at binuksan. "Wow! Sinigang sa miso! Ikaw nag luto nito?" Tanong pa ng makapal ang mukha. Tumango naman si Nika. "Salamat ha, makakakain na kami." Ngiting ngiting wika nya at dinala sa lamesita ang tupperware at pinagkagulugan nilang apat.

Kakamot kamot na lang ako sa ulo at bumuntong hininga. Wala na akong nagawa ng pumasok na si Nika at dumiretso sa kusina. Nakapag saing naman na ako, yun nga lang para sa aming dalawa lang. Dahil usapan na namin na sabay kakain dito sa bahay. Sinundan ko sya sa kusina. Nag salang pala uli sya ng sinaing sa kalan. May laman kase yung rice cooker dun ako nagsaing. Nakahalukipkip lang ako at sumandal sa gilid ng pinto at pinagmamasdan sya. Napangiti ako, para na syang asawa ko kung kumilos. Kumportable sya sa kusina ko at aligaga sa ginagawa para sa mga bisita ko. Hindi na ako makapaghintay na masolo sya pag alis ng mga kaibigan ko. Hinayaan ko na lang sya sa ginagawa at alam ko namang ayaw nya magpa istorbo kapag nasa kusina. Kinuha ko na lang ang cellphone ko sa ibabaw ng lamesa at nagpa deliver na lang ng dadag na ulam para sa mga kaibigan ko.

Maingay ang hapag dahil sa mga makakating bunganga ng mga kaibigan ko habang kumakain kami. At walang ibang bukambibig kundi ako. Mabuti ba sana kung puro magaganda ang sinasabi eh hindi, puro mga nakakatawa at nakakahiyang pangyayari sa mga nakaraan ko ang kinukwento. Tawa naman ng tawa si Nika, malamang pag alis ng mga ito aasarin nya ako. Nung tungkol na sa mga nakaraang relasyon ko at mga sexcapades ang topic, sinipa ko na sa ilalim ng mesa si Austin at sinamaan ng tingin. Tinawanan lang nila ako, tinaasan naman ako ng kilay ni Nika at may matang nagbabanta. Tinanong din nila ng kung ano ano si Nika.
Game naman syang sumagot at mukhang komportable na sya sa mga kaibigan ko. Naisip ko naman si Mama, sana magustuhan din nya si Nika oras na magkita sila.

[ The Bachelors Downfall Series #1] Ang Hot Na MekanikoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon