Chapter 28: Second Chance

135 2 0
                                    

Chapter 28

Kinabukasan......

Callisha Pov

Oh Calli, akala ko dediretso ka na sa company ni boss?,,,, salubong na tanong ni ate Aicel, napakunot noo naman ako

Bakit pinapapunta ba ako roon?,,,, tanong ko

Remember po, dapat kahapon kayo pupunta doon, pero pinacancel ni boss at pinapareschedule niya ngayon, huwag mong sabihing nakalimutan mo?,,,,, tanong niya

Ah... eh..... may kukunin lang ako,,,, palusot ko

Patay nakalimutan ko na ngayon pala yon, nakakainis kasi masyado akong nag-enjoy kahapon, hst....

At kunwaring may kinuha ako sa locker ko, buti nalang pala may notebook akong naitago rito, at tsaka ko inilagay sa bag ko

Sige, ate Aicel ikaw na ang bahala dito,,,, sabi ko

Suweldo ko ha,,,,, sabi niya

Don't worry,,,, sagot ko, tsaka na ako lumabas ng restaurant

Hst... sana naman hindi niya ituloy yong binabalak niyang ipakilala ako bilang official girlfriend niya dahil patay ako kapag nagkataon

Dahil tinatamad akong pumunta sa paradahan ng jeep, saktong paglabas ko ay may napadaang taxi kaya hito ako ngayon nakasakay sa taxi

Ma'am saan po tayo?,,,, tanong ni manong driver

Sa black jack building po,,,, sagot ko

Okay ma'am,,,,, sagot ni kuya driver

vzzzttt..... vzzzttt....

Kaya agad kung kinuha yong phone ko sa loob ng bag ko

From: Jack

Where are you, babe?

........

Ayoko siyang replyan, dahil ayokong umasa at maniwala na totoo ang ipinapakita niya at kung nagbago na ba talaga siya, kaya ibinalik ko nalang ang phone ko sa loob ng bag ko

Ma'am nandito na po tayo,,, sabi ni kuya

Ito po yong bayad kuya,,,, sabi ko at inabot ko yong 350 pesos

Thank you po ma'am,,,, sagot naman ni manong at nginitian ko nalang si manong at tsaka ako lumabas ng kotse

Napatingin ako sa signage nang building

Ang yabang mo talaga Jack,,,,, bulong ko, tsaka na ako pumasok ng building, dahil medyo nakikilala naman ako ng security guard dito ay hindi na niya ako tinanong

Siguro kung may balak akong masama sa boss nila, hindi nila siguro ako paghihinalaan, hst....

Dirediretso lang ako hanggang sa may elevator, at buti nalang wala akong kasabay

vzzzttt..... vzzzttt.....

Baka siya na naman, kaya hinayaan ko lang na tumunog ang phone ko sa loob ng bag ko

Hindi ba talaga siya marunong maghintay,,,,, bulalas ko

ting......

Pagbukas ng elevetor ay lumabas na ako at nagtungo sa office ni boss Jack, pero bago pa ako makarating doon ay nakasalubong ko si secretary Jayson

I'm glad that you are already here, because your boyfriend is going like a dragon again because you didn't reply him,,,,, sabi niya

Yang boss natin masyadong mainipin ang ulo,,,, sabi ko

Her Ex and Boss ReturnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon