Prologue

379 7 0
                                    

"Ano ba! ang ingay mo ha! kanina kapa may pasok pa ako bukas!" sigaw nang babae sa isang sanggol na iyak nang iyak.

"Jusko! Allison ano ba iyan" pasok nang isang babaeng nasa edad 40 pataas siya ang ina ni allison.

"Ma,iyak kasi nang iyak may exam pa ako bukas" reklamo nang dalaga sa ina.

"Matulog kana ako na bahala dito kay Mara" tumango siya at humiga sa kama, Rinig niya ang pag sara nang pinto sigurado siyang naka labas na ang ina niya kasama ang anak niyang babae na tatlong buwan palang.

'buysit na bata' iyan ang nasa isip nang dalaga habang pinupunasan ang luha na tumulo sa pisnge niya.

Si Allison ay labing apat na taon palang pero may anak na hindi niya ma tanggap ang sanggol na bata na nang galing mismo sa kanya.

Ang lagi niyang iniisip ay kasalanan at wala sa plano nang buhay niya ang pag dating nang sanggol.

Hindi niya ma sikmura na tingnan ang bata oh kahit hawakan manlang.

Kaya tanging ang ina na lamang niya ang nag aalaga at tumatayong ina sa anak niya.

Sino ba naman kasi ang mag aakala na sa murang edad ay may anak na siya dapat nasa gimik at labas siya para ma sulit ang pag ka dalaga niya pero dahil sa anak niya ay hindi niya ma gawa.

Natatakot siyang husgahan at sabihan nang masasakit na salita kaya mas pinili niyang pumirmi sa bahay kahit na iirita siya sa prensensya nang bata.

Im A Mother At The Age Of FourteenWhere stories live. Discover now