XXIV

140 13 0
                                    

XXIV

Tahimik ang lahat at wala ni isang nagsalita. Busy sa pag-aabsorb sa isip kung ano ang nangyari.

Ako nga rin e', 'di makapaniwala. Ilang taon na simula nung first encounter ko sa mga nilalang na iyon at ngayon ko lang nalaman kung ano ang kaya nilang gawin. Inisip ko pang harmless sila at nagkamali ako sa ginawa kong pagpaslang sa kanila.

I suddenly felt guilty that I felt guilty when I killed them. Gets n'yo? Minsan lang ako mag-english kaya dapat naiintindihan n'yo.

Though wala naman silang sinabi na yun yung kumagat kay Ike pero base na rin sa pag-akto ni Jayford nung alam niyang may alam kame sa mga nilalang na iyon ng makita ang kagat kay Ike.

Tinignan ko si Jayford na ngayon ay nag-iisa at nasa harap ng dalampasigan. Naka-upo sa buhangin at nakatulala sa kawalan. Matapos niyang umiyak ay lumayo siya, para bang sinasabi na gusto niyang mapag-isa na pinagbigyan naman namin. Pero binabantayan pa rin siya ng mga ka-grupo niya. Baka kung ano ang gawin.

Wala sa sariling nailagay ko ang sarili sa kanyang sitwasyon. Kung ako ang mawawalan ng kaibigan, ano ang gagawin ko? Paano ako aakto? Lalo na't alam kong isa ako sa dahilan kung bakit siya nawala.

If you can hear me right now, humihingi ako ng tulong. Paalisin mo kame dito. Gagawin ko lahat ng gusto mong gawin ko.

Binigyan ako ng pagkain ni Tim pero binalewala ko lang iyon. Nang makita niya ang ginawa ko ay umupo siya sa tabi ko at nilagay ang pag-kain sa lap ko.

Napatingin ako sa kanya, nakita kong medyo namumula siya at namumutla ang labi niya. May maliit na butil sa noo niya.

Inabot ng kamay ko ang noo niya at naramdamang medyo mainit siya.

"Nilalagnat ka." Nag-aalala kong sabi.

Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at binaba ang aking kamay.

"Mawawala rin to."

Kinuha ko ang pagkain sa lap ko at binigay sa kanya.

"Kumain ka rin."

"I'll eat once you eat" Sabi niya sabay balik sa 'kin ang pagkain. "I know you're hungry."

Oo, gutom na ako. Pero wala akong ganang kumain at, pakiramdam ko wala akong karapatang kumain dahil may isang nawalan ng kaibigan. Dahil may isang nawala.

Bumuntong hininga ako at sinandal ang ulo sa balikat ni Tim. Nang-bblackmail ang kasama ko.

"C'mon. Kahit isang kagat lang. It's not good to have an empty stomach." Pagpupumilit niya sa 'kin.

'Di pa rin ako kumibo.

"How can you have energy when you won't eat, Veronishianinica?" Dagdag pa niya.

Umangat ang kamay niya para hawiin ang mga buhok na nakatabon sa muka ko at inipit 'yon sa likod ng aking taenga.

Bumaba ang tingin ko sa pag-kain bago siya tinignan.

Tama, kung 'di ako kakain, wala akong energy. Pa'no ako lalaban sa mga nilalang na iyon pag wala akong enerhiya? Kung 'di rin ako kakain ay 'di rin siya kakain.

Kumagat ako at dahan-dahan iyong nginuya. Nanunuyo ang lalamunan ko at parang may bumabara dun ng sinubukan ko iyong lunukin kaya nahirapan ako.

Mga tatlong kagat lang ang kinaya ko at 'di na ako kumain. I feel like cheating, I ate while someone's mourning.

"Kain ka na rin." Sabi ko kay Tim.

Tumango siya at tumayo.

"There are many..." Naagaw ng atensiyon ko si Emilia ng umupo siya sa tabi ko.

ReincarnatedWhere stories live. Discover now