Chapter 13 - Realizations

Start from the beginning
                                    

"Oo, nakahingi ako ng tulong. Sabi ni Pastor John siya na daw bahala kung paano. Sabi niya lang I can leave it to him daw," wika niya. Ako nama'y napatitig sa kanya dahil sa sinabi. Hindi ko alam ang mararamdaman.

"Pero teka, sorry pala hindi ako nakapunta nung sabi kong pupunta ako, " aniya sabay tapik sa braso ko.

"Okay lang, Han. Pumunta si Kristoff."

"I know. Sabi nga niya sa 'kin you don't want to believe in God anymore. Is it true?" tanong niya at kinuha niya ang tingin ng mga mata ko.

"I-I don't know, Han. Hindi ko alam...I think I was...I think I was just overthinking and overwhelmed sa situation namin..." mahina kong sabi at yumuko. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa 'kin at hindi ko na mapigilan ang mga luha sa pag-uunahan na mahulog sa pisngi ko.

"Magandang umaga, mga kapatid," dinig kong bati galing sa pulpit kaya nag-angat ako ng tingin, ganoon din si Hannah. Nakita ko si Pastor John. Mahinang tinapik ulit ni Hannah ang likod ko at humarap na kami sa pulpit.

***

"Mga kapatid, our biggest problem was already solved 2000 years ago. Our sin and the destruction of it was upon the death of Christ Jesus. Remember the day you rebelled against God, remember the day when you said things contrary to His Word, remember the day when you loved playing in the mud, remember the day when you loved sin and you hated God, remember the day when you enjoyed sin and neglected God, nakikita mo ba ang worth mo for everything God has done to you even your breath right now? Syempre hindi, kasi unang-una, we are unworthy of everything.

"Everything! You see your parents smiling, or your dog plays with you, or your teacher told you that you're very good, or you see the beautiful sunset, stars, and the moon, that is all because of God's grace! And kapag sinabi nating 'grace', you don't earn it. Kusa itong ibinigay only because of His abounding mercy and grace!

"How much more Jesus Christ dying for your sin and punishment? He owned your sin. He received your punishment as if it was His, as if He lived like you - a vile and wicked one who rebelled the God of the universe! Why would God save you from His own punishment? You deserve it! We deserve it! And Jesus does not deserve it!

"But God sent Him anyway. And He clothed you with His righteousness! Do you see how grace abounds? Do you measure God's mercy ang goodness? It is indeed immeasureable!" wika ni Pastor John. Hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako sa narinig.

I am so ashamed of my sin..

"Now, repent of your sins and trust and believe in Jesus Christ. Christ did that all, so all trust must be unto Him. Come to Him. Just come, sinner," patuloy niya.

Lumingon ako sa kanan ko, umiiyak na rin pala si Hannah.

"Lord, I thank You for today's preaching..." I prayed in mind.

***

Papasok na sana ako ng hospital nang sakto ring lumabas si Kuya Christian. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang kasama niya. Si Mama, the most precious woman in my life na hindi ko deserve. Inaalalayan siya ni Manong Rolex! Agad naman akong tumakbo upang salubungin sila.

"Mama! Kuya!"

"Uy, Lex. Sakto lang ang dating mo. Tara na," ani kuya Christian. Nagtaka ako bakit para na silang aalis sa ospital kaya nagtanong ako. "Manong, may bayarin pa po tayo, 'di ba?"

"Nako! Akala ko ba alam mo? Binayaran na nitong Kuya Christian mo, galing daw sa simbahan ninyo. Hindi ko alam na Christian ka pala, Lexi." Tumingin siya sa 'kin at ganoon din si Mama. Baka pagalitan niya ako pag-uwi, pero bahala na, ang importante makakauwi na siya.

I suddenly hugged Kuya Christian. Masayang-masaya ako. Naiyak pa akong kaunti habang yakap-yakap siya.

"Salamat po, Kuya.. Salamat po talaga.."

"Nako, hangarin din ng CGC na makatulong, Lexi. May mga brethren tayo sa labas na nag-ambag din."

"Maraming salamat, hijo. Pagpalain nawa kayo ng Diyos."

***

"Kumusta na si Mama mo, Lex?" tanong ni Maureen nang lumabas si Miss Sunshine.

"Ayon, nakalabas na. Pero kailangan pa rin naming mag-ingat."

"Lex, nagtino na pala si Papa. Hindi na niya sinasaktan si Mama," biglang wika niya. Bakas sa kanyang mukha ang kaginhawaan.

"Mabuti naman. Alam mo, dapat lang talaga. 'Wag siya kamo gagaya sa Papa ko na wala nang pakialam sa 'min kahit sa oras ng kahirapan."

"Totoo. Dapat talaga maging ama siya sa 'min at maging mabuting asawa siya kay Mama."

***

"Alam mo, Han, napagtanto kong mali pala ako ng response nang nadala si Mama sa hospital. Kasi instead of praying to God, I end up blaming Him. I realized that when in agony, I should pray or I'll end up talking blasphemous things to God.

"I talked to God, Han, pero in rebellious way. I didn't pray. I questioned and blamed Him," saad ko kay Hannah at binigyan siya ng isang basong tubig. Nandito siya sa 'min. She helped me in sharing the Gospel to Mama.

"At least, may na-realize ka. Na dapat ang unang tugon kung nasa kahirapan o pagbagsak, e, hindi ang magprotesta agad sa Diyos kun'di ang magdasal..."

Victim Of EvangeligawWhere stories live. Discover now