Chapter 11 - Truth Found Me

27 3 3
                                    


“Lex, attend ka ba this Sunday?” message ni Hannah sa akin. Sabado pala ngayon at may service sa church bukas. Napag-isip-isip ko na kagabi kung babalik pa ‘ko do’n, total hindi pa naman ako nakaalis officially.

“Yes, Han. See you!”

May isang rason lang ako bakit pupunta ako sa church bukas. ‘Yon ay para makinig sa sermon ng Pastor namin do’n and I’ll see if Christ is really being preached. Nabasa ko somewhere on Facebook na kapag ang isang church ay hindi nagpi-preach ng Gospel of Jesus Christ at ang response to it sa kadahilanang, “Alam naman na ng members ang Gospel, kaya huwag na ulit-ulitin”, that church is dead.

Well, tomorrow, I’ll know.

***

Class dismissal na pero hindi pa kami umuwi ni Mau. Nagtambay muna kami sa Plaza na malapit lang din sa school namin. May sasabihin daw muna siya.

“Kasi, Lex, si Mama ayaw na niya, e.”

“Bakit naman?”

“Kasi masyadong nang abusive si Papa. Dati nasaktan rin siya physically pero tinanggap niya pa rin si Papa. Tapos ngayon, ulit na naman.”

“Edi, mas mabuti palang maghiwalay nalang sila?”

“Iyon nga rin ang iniisip ko. Mas nakakabuti iyon kay Mama para hindi na siya masaktan. Kaso, sino tutulong kay Mama sa pagpo-provide sa ‘min?”

“‘Yon lang. Ano ba plano n’yo?”

“Ewan ko nga, e. Bahala na. Kung kaya ko nga lang pagsabayin ang pag-aaral at pagta-trabaho, e, ginawa ko na.”

Tinapik ko lang ang balikat niya na nagpapahiwatig na malalagpasan din ang problema. “Ganoon talaga ang buhay dito sa mundo, Mau, ano? Ang hirap. Pero alam mo, tiwala lang tayo sa Diyos.”

Tumango-tango lang siya. Maya-maya ay nag-decide na kaming umuwi.

***

“Anak, nagka-boyfriend ka na ba?”

Nagulat nalang ako sa tanong ni Mama habang nanunuod siya ng TV. Paano kayang natanong niya iyon gayong nasa TV naman ang atensyon niya.

“Po?”

“Narinig mo ang tanong ko,” seryoso niyang sabi.

Kinabahan agad ako baka nakita niya kami dati ni Kristoff sa Mall kung saan kami gumala. Or baka may nagsumbong.

“Ma—” hindi ko natapos ang sinabi ko dahil tumunog ang cellphone niya at sinagot niya ito.

“O, hello, Hulya? Salamat sa pagtawag! Nako, ayos lang kami dito! Kayo ba riyan?” tiningnan ako ni Mama at tinuro ang remote control sa TV, pahinaan ko raw ang volume nito.

Sa isip ay nagdasal ako na sana nakalimutan ni Mama ang tanong niya sa ‘kin kanina para hindi ako makapagsinungaling. Umakyat na ‘ko sa 2nd floor namin at dali-daling nagbihis.

Pero kung talagang pipilitin ako ni Mama na sagutin ang tanong niya, aamin ko nalang siguro pero sasabihin ko rin na wala na kami ni Kristoff, matagal-tagal na. Paniguradong mapapagalitan niya ako dahil nagkaroon ako ng boyfriend nang hindi man lang niya nalaman.

***

“Uy, Lex, good to see you!” wika ni Hannah sa ‘kin nang makarating ako sa church namin. Ngumiti siya sa ‘kin nang matamis na parang may pinapahiwatig na hindi ko matukoy kung ano ‘yon. I just smiled back at her.

Maya-maya ay nagsimula na ang praise and worship at handa na rin akong makinig sa preaching to see if Christ is there.

Thirty minutes after singing, natahimik na ang lahat.

Victim Of EvangeligawWhere stories live. Discover now