31

242 9 1
                                    

Stell's POV

             "Love.."
Pagtawag ko pagkatapos kong makakuha ng sampung libong pera sa wallet ko.

"Oh?" sagot naman niya.

Pumunta ako sa sala kung saan siya nagtratrabaho at umupo sa tabi. She quickly look at me and went back to her online work.


"Love.." pagtawag kong muli.


"Ano nga?" medyo naiinis na tanong niya.



"Iinom kami nila Jah mamayang gabi.."
Mabilis na pagpapa-alam ko at ngumiti ng malawak. Malay mo umobra tapos payagan ako, diba?


"Hindi pwede, low tolerance ka sa alcohol tapos mag isa kang pupunta? NO"
Sagot niya naman agad at sinamaan ako ng tingin.



Sabi ko na nga ba hindi toh agad papayag eh.


"Ehh, kasama ko naman sila Ken eh. Hindi yun maglalasing kasi magagalit asawa niya, ihahatid niya kami. Payagan mo na ako, please"

I begged again. Pinaksaklop ko pa ang mga palad ko at nag puppy eyes para mas lalong effective.
Actually hindi naman talaga kami iinom eh, palusot ko lang yun. Basta may gagawin lang ako, hindi ko sasabihin syempre.




Kay Rose my loves nga hindi ko sinabi, sa inyo pa kaya? Bleeeeh!




"I said n—"

Natigilan siya nung ilabas ko sa harap niya yung kanina ko pang hawak na ten thousand at ngumisi ng nakakaloko sa kanya.



I was expecting some different answer from her but it didn't happened. Lalo lang nga niya akong tinaasan ng kilay.



" Oh, anong gagawin ko dyan? May pera rin ako, Stell. Tsk"
Sabi niya at umirap na parang na-offend.


Kumunot ang noo ko at bumuntong hininga. Bakit hindi gumana? Hayst, sabagay tama naman siya. Halos parehas na ang amount ng nakikita naming dalawa so this will never work, aish bakit hindi ko narealize yun kanina?!



"Bakit ayaw gumana?" bulong ko sa sarili ko at napakamot sa batok.




"Gumana ang alin?"
Rose asked and cross her arms against her chest.


Napakurap kurap ako ng ilang beses pero sinabi ko rin lang.
"Hindi mo ba napapanood yung sa tiktok love? Yung magpapa-alam sila sa mga asawa nila tapos maglalabas ng pera kapag hindi pinayagan.." paliwanag ko. "Scam ata yun.. Bakit hindi gumana sayo?"




Natawa siya bigla sa sinabi ko at napahampas hampas sa braso ko na akala mo'y nagsabi ako ng joke. Kumunot ang noo ko pero napangiti rin lang sa huli habang pinapakinggan ang tawa niya.





"Kung ano ano pumapasok sa utak mo, Stellvester Ajero. HAHAHAHAHAHA"


Patago na rin akong natawa at napakamot ng batok, ano ba toh? Kinikilig ba ako? Wews, teenager lang ang peg?

"Kumain kana lang doon sa kusina. Walang iinom, period"
Sabi pa niya bago ako iniwan sa sala at dumiretso sa balcony.


"Ikaw, kumain kana?" pasigaw na tanong ko para marinig niya.


"Tapos na!" sigaw rin niya pabalik.



"Ang daya! Bakit hindi mo'ko hinintay?!"
Reklamo ko at ngumuso. Nagdabog-dabog akong pumasok ng kusina at nagsimulang kumain.


Plan A: failed.






Pagkatapos kong kumain ay pinilit ko na siyang matulog dahil medyo late na rin at masama iyon para sa mga buntis... JOKE, HAHAHAHA.



I've Been Here (Syclups #3)Where stories live. Discover now