11

192 10 1
                                    

Rose's POV

             "Mommy, nakarating na ako.. Bakit wala pa yung sinasabi mong sasalubong sa akin? Bukas pa yung gate, pano kung manakawan tayo nito?"


Bungad ko sa telepono pagkasagot na pagkasagot ko sa tawag ni mommy habang hawak ang isang maleta.


[Wala pa? Impossible naman yan.. Ang alam ko kanina pa sila handa?]


"Anong handa 'my? Eh ang tahimik nga dito.." i sighed. "Nevermind nalang, baka busy sila.. I can manage my beautiful self, maya na ako tatawag 'my, byee!"




Pinatay ko agad ang tawag at hindi na hinintay pa ang sagot ni mommy. Ngayon, nasa probinsya ako, hometown nila mommy at daddy, dito sila nagkakilala nung kabataan nila.. At dito ko rin icecelebrate ang Christmas Eve..




Tradition kasi namin... Ang weird nuh? Ang tradition namin is magspend ng isang araw (na dapat ay special or holiday) sa bahay/base ng Quenirry's.



May caretaker dito na dapat ngang sasalubong sa akin kaso wala..


Hahatakin ko na sana paalis ang maleta ko nang bigla akong makarinig ng yabag sa likod.




"WELCOME MISS ROSE QUENIRRY!!!"

Napalundag ako sa gulat at napatili pa dahil sa biglaang sigaw ng mga kung sinong tao sa likod at ko at napahawak ng mahigpit sa dibdib.


Agad akong lumingon doon at nakitang ang nagtatawanang trabahador ng bahay kasama na si Auntie Cli na siyang nagiisang kilala ko lang dito.



"Omyghod guys.." i said while breathing heavily out of shock.


"My heart almost left me!" i exaggerated that made them laugh their heads off again. Jusko, ang loka loka rin pala ng mga tao dito..



Ganito pala ang way ng pangwe-welcome nila.. Ngayon, alam ko na yung nararamdaman ni Rain kapag kasama niya ako..



"AHHAHA, kanina ka pa namin hinihintay ijha, akala nami'y napano kana sa daan.." sabi ni Auntie habang tumatawa pa rin.



"Jusko naman.."

Yung isang kasama nila ang kumuha ng maleta ko kaya ngumiti lang ako at inakbayan si auntie.


Sabay kaming naglakad palapit sa bahay na nasa 20 meters pa ang layo mula gate..


"Wazzup auntie, miss mo ba ako?"
Nakangising tanong ko kay auntie na pinagmamasdan na pala ako.


"Nako, oo naman! Ang ganda ganda mo pa rin ah... Parehas kayo ng pinsan mong si Rain.. Bagay kayong mag model, ijha.."
Komento niya.


Omygosh, I'm flattered. HAHAHAH.


Though, alam ko naman na ang mga yun dati pa..


Pagkarating namin sa bahay, idineretso agad ako ni Auntie sa magiging kwarto ko..

"Magpahinga kana ijha, ilang oras din ang binyahe mo.. Nasa labas lang kami ha?"



Antique ang style ng bahay namin pero may ibang modern furnitures katulad ng ref, aircon, at iba pa kaya komportable at hommy pa rin ang dating sa akin.


Hindi naman na ako umangal at nagpalit na ng pantulog dahil 6pm na din naman na.

" Auntie, wag niyo na po akong gisingin para sa hapunan mamaya ah.. Kumain naman na po ako.." sabi ko kay auntie Cli nung lumabas ako saglit ng kwarto.


I've Been Here (Syclups #3)Where stories live. Discover now