Prologue

7 1 0
                                    

"It's been two weeks Vince didn't even bother to call me." Saad ko kay Elaine best friend ko.

She's sitting in the sofa here in my office. "Baka naman busy lang. Alam mo na work work work.

I pouted my lips. "Impossible naman na hindi niya ako matawagan kahit ilang minuto or seconds lang. Grabe naman siya ka busy kung ganon." Sagot ko.

"Tawagan mo nalang kaya siya para matahimik ka."

Napatingin muna ako kay Elaine, kinuha ko yung phone ko sa bag ko then I dialed his number. "He didn't answer. He's been like this for two weeks na!"

Tumayo ako, kinuha ko ang bag ko at naglakad palabas ng office. Hinabol naman ako ni Elaine.

"Wait. Jade! San ka Pupunta?"

"I'm going to see him. Titingnan ko kung buhay pa ba siya." Pinindot ko ang button ng elevator. Nang bumukas iyon ay agad akong pumasok, sumunod naman si Elaine sa'kin.

"Sasama ka ba?" Tanong ko kay Elaine.

Sinamaan niya muna ako ng tingin bago sumagot. "Yeah, sasama ako. Besides nandon si Ian yayain ko siya mag lunch."

Pagkabukas ng elevator dumiretso na kami sa parking lot kung nasan naka park ang kotse ko. Agad kong pinaandar 'yon at pumunta sa office nila Vince.

"Kung makapagsabi ka na titingnan mo kung buhay pa si Vince parang patay na siya ah." Saad ni Elaine habang naglalagay ng powder sa mukha.

"Malay mo di'ba? Kaya hindi niya sinasagot yung tawag ko. At never siyang tumawag sa'kin kasi nalunod na siya sa dami ng paperworks niya."

"Wow sarcastic."

"Pero malay mo iba yung dahilan." Dagdag pa niya.

Napakunot ang noon ko. "What do you mean?" Tanong ko sakanya.

"Well..."

"Well?"

"Well, maybe may iba na siya."

Bigla kong naapakan ang preno dahil sa sinabi niya.

"What?!"

"Ohh relax Jade. I'm just kidding."

"Well hindi nakakatuwa yung joke mo."

Pinaandar ko ulit yung kotse. "Hindi kaya magandang biro 'yon Elaine."

"Joke lang. Wag mong seryosohin." Nag smile pa siya sa'kin. Nakakairita talaga 'to minsan. Di ko alam kung bakit naging magkaibigan kami.

Napailing nalang ako pero napaisip 'rin ako. What if may iba na nga siya?! My gosh am I being paranoid?

Hininto ko yung kotse ko sa tapat ng building ng company nila Vince. Tiningnan ko si Elaine na naka earphones pa at nakapikit pa habang nakikinig.

"Wala kang balak na bumama?"

Napatingin naman siya sa paligid. Tinanggal niya ang earphones niya nang ma realize niya na nandito na kami.

SECOND TIMEWhere stories live. Discover now