Chapter 1

108 2 1
                                    

“Get out! Inubos mo na basag mga plato ko. Lugi negosyo ko sa 'yo,” pagtutungayaw ng Intsik na may-ari ng restaurant na pinapasukan ko bilang waitress at tagahugas na din ng mga plato. Paano, bigla itong pumasok at nagtutungayaw sa hindi ko alam na dahilan kaya nagulat ako at nahulog ang ibang plato na hawak ko para sana patuyuin.
Pinagtitinginan ako ng iba kong kasamahan. Iiling-iling silang pinanood ako habang hinuhubad ang suot kong apron.

“Oh kayo? Ano titingin niyo diyan? Magsitrabaho kayo, para di lugi negosyo ko,” pagtutungayaw din nito sa iba. Agad namang nagpulasan ang lahat at nagsibalik sa kani-kanilang trabaho.

“Oh ikaw, ibabawas ko sa sahod mo ang halaga ng mga plato,” baling nito sa 'kin.

I just heaved a deep sigh. I have no choice,eh siya ang may-ari ng pinagtatrabahuan ko and I am not a regular employee nor contractual, I am just a part-time waitress na tuwing weekend lang or walang pasok nagtatrabaho. Tinanggap ko ang natirang sahod ko sa dalawang araw na pagpasok. It's Sunday and inaasahan ko sanang ang kikitain ko ay pambili ng projects sa school. I'm a scholar, taking up Business Asministration major in Marketing Management or BSBA- MM and graduating kaya ang daming gastusin. Labandera ang nanay ko at may dalawa pa akong kapatid, nasa high school na din sila. Kasalukuyang nasa bahay si Mama dahil pinatigil ko sa paglalaba. Mag-isa niya kaming itinataguyod since nawala si Papa. As the eldest among the three, I took the responsibility to provide for our family's needs since Mama is no longer working. The reason why I juggled myself in different types of jobs as long as it is decent and I can earn enough to sustain our needs.

“Ally, ayan, idagdag mo sa ibinigay ng chikwa na 'yon,” sabi ni Nadia sabay abot sa akin ng pera pagkatapos akong habulin dito sa labas. Nadia is one of the regular employees in the restaurant. Mababait silang lahat sa akin and they openly expressed their admiration towards me sa pagiging masipag ko daw. Everyone knows why ganito na lang ang pagsusumikap kong magtrabaho na sana'y nasa bahay ako nagpapahinga after a week of stress from school.
I'm twenty-four years old at graduating pa lamang sa susunod na semester. Ilang taon akong nahinto sa pag-aaral dahil sa kahirapan. Medyo matalino naman ako kaya nakapasa ako sa scholarship na inaplayan ko noon at iyon ang nagtawid sa akin hanggang ngayong malapit na akong magtapos. Ang paglalabandera ni Mama ay para alalayan din ako sa iba pang gastusin at ang mga kapatid ko. Pero dahil nga pinahinto ko siya ako itong todo kayod para mapunan lahat ng pangangailangan namin.

“Tanggapin mo na 'to, Ally. Alam naming kailangang-kailangan mo ng pera ngayon. Nag-ambagan kaming lahat para malikom 'yan,” wika pa ni Nadia.

I fell into tears. 'Di ko na napigilang maluha sa magkahalong tuwa at awa, hindi ko alam. Pakiramdam ko kasi ang bigat na ng dinadala ko at idinaan na lang sa pagluha.

“Maraming salamat, Nadia. Napakabuti ninyong lahat sa 'kin. Balang-araw makakaganti rin ako sa kabutihan niyo,” tugon ko sa kanya at tinanggap ang bigay niyang pera.

“Sus! 'Yaan mo na! Kusa naming ibinibigay 'yan. Oh s'ya! Babalik na ako sa loob at baka ako na naman ang pag-initan ng intsik na 'yon." Paalam nito sabay mabilis na umalis.

Agad na rin akong umalis. Dumaan muna ako ng palengke para bumili ng bigas at uulamin namin bago dumaan pa ng botika para mabili ang gamot ni Mama.

I'm striding back home when I met our neighbor Mang Bernardo. Isa siyang messenger sa pinakamalaking kompanya dito sa Cebu na pag-aari ng mga Morcuendez.

“Oh Ally, napaaga yata ang uwi mo ngayon?” Tanong ni Mang Bernardo nang pumantay na kami sa daanan.

“Opo! Kasi po nasisante na naman ako doon sa pinapasukan ko na part-time job. Nabasag ko po kasi ang mga plato sa sobrang gulat sa boses no'ng boss,” nahihiya kong tugon. Napangiti lamang ito.

The Candy-StriperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon