CHAPTER 1

8 0 0
                                    

"Oy Noah, look at this HAHAHA" tawag saken ni Primo, kamiyembro ko. Tamad akong lumapit dito atsaka umupo sa sofa.

"Ano? Pag yan kagaguhan na naman Primo tatamaan ka talaga saken" inis kong sabi dito.

"Grabe ka naman boss, tignan mo HAHAHA" saad nito saka pinakita saken ang kung ano mang gusto niyang ipakita sa cellphone niya. Agad naman akong napakunot ng noo, its my picture with Leonel and Zen.

'LeoZen with their baby Noah T_T' that was what captioned. It's a post from one of our fans or maybe one of Primo's mutual in his secret fan account. Lalong nangunot ang noo ko.

"Baby naman pala ang damulag naming bunso" sinamaan ko na lang ng tingin si Primo atsaka umalis sa tabi nito.

"oy san ka pupunta?" dinig ko pang tanong nito pero di ko na yun pinansin.

I hate it. I fucking hate it. I hate how the fans treat me like a child, i hate how they treat me as Leonel and Zenith's child. Putangina. For petes sake im a grown up now! And just so they all know im fucking inlove to the man they called my father. Im fucking inlove with Leonel.

Oo tama kayo ng nababasa, im inlove with our oldest member and it fucking suck. Paanong hindi, bukod sa mga fans namin ay tila isang bata lang din ang tingin saken ni Leonel and i fucking hate it.

Nasa kusina ako ng bigla kaming tinawag ni Santi, ang leader namin. He's only
2 yrs older than me pero siya ang napili ng kompanya namin na tumayong leader despite of his age. Ng makapunta ako sa salas ay andon na ang lahat ng miyembro, including Leonel who smiled at me.

Tsk

Agad akong naupo sa sahig kahit may space pa sa sofa, Leonel and Zen are taking the sofa at alam kong sa tipo ng tingin ni Primo ay handa na ako ulit nitong asarin.

"I called all of you here because i have some announcement. The management talked to me kanina and according to them they've discussed that we will be the new face of Santiller's new product. So tomorrow 10 pm sharp dapat ay nasa shoot na tayo so ready yourselves dapat 8 am ay handa na tayo, make up team will be at the shoot so its okay to just wear some mask. Clear?"

"Yes boss" agad na sagot ni Primo na siyang inirapan ko.

Akmang tatayo na sana ako ng biglang may humila saken dahilan para mapaupo ako sa hita nito. Ramdam ko ang mga tingin ng iba kong kamiyembro ngunti saglit lamang iyon, walang mga malisya ang tingin. Sabagay natural na naman sa amin ang mga ganitong skinship tutal halos 3 na taon na din ng mabuo kami at manirahan sa iisang bahay.

"Mad at me?" yes ya'll know who it is, its Leonel sino pa ba. Napairap na lang ako.

Another thing i hate about Leonel is the fact that he knows when im mad at him and the fact at how can he make my mood better.

"Kuya bitaw" saad ko dito saka pilit na inaalis ang nakapulupot nitong mga braso pero sa halip na bumitaw ay mas lalo nitong hinigpitan ang yakap saken.

Tangina naman.

"Sabihin mo muna kung bakit ka galit" ramdam ko ang mainit na hininga nito sa aking batok ngunit di ko iyon pinansin at sa halip ay inirapan ito at pinilit na inaalis ang mga brasong nakapulupot saken na parang sawa sa higpit.

"Hindi ako galit Kuya kaya pwede ba bitawan mo ko" inis kong sabi dito.

"Noah Elijah is that how you talk to someone older than you?" agad namang nanindig ang mga balahibo ko ng tawagin ako nito sa buo kong pangalan.

Leonel doesnt like it when someone disrespects him, mula sa pananalita, sa pagkilos o sa kung anumang paraan na pakiramdam niya ay di siya nirerespeto.

Agad naman akong humarap dito at kitang kita ko na seryoso itong nakatingin saken, hindi mo masasabing galit ito dahil sa itsura niya ngunit sa aura niya na mararamdaman mo ay masasabi mong hindi mo dapat ito ginagalit pa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 18 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HIRAYAWhere stories live. Discover now