Kabanata 61

26 2 0
                                    

~~~~~

Alam ko yun ang gustong marinig ni Renz pero sorry hindi yun mangyayari. Hindi ganun kadali yun, at hindi lahat ng gusto nyang mangyari ay mangyayari, aagd. 

"Dioshua sige na balik ka na dun baka kailangan ka na ng papa mo" sabi ko kay Dioshua at binaliwala yung sinabi ni Aj 

"Busy sila. Actually magkausap sila ng papa mo ngayon" 

"Ni papa?  Andito si papa? " Gulat n atanong ko. Yari na, pero hindi naman siguro ako pagagalitan dito lang naman ako pumunta kila Dioshua

"Oo- yan na sila katatapos lang ata mag- usap" sabi ni Dioshua , tumingin ako sa hagdan, pababa na sila papa at deretsong nakatingin dito sa pwesto namin . Lalo akong kinabahan dahil papunta sila dito , si papa dahil may kailangan pa atang asikasuhin yung papa ni Dioshua

"Nadia wag mo ko susumbong" narinig kong bulong ni Eman 

Nakalapit na sila samin, binati nila Val si papa,  pero sa isang tao lang nakatingin si papa, kay Renz 

"P-pa" 

"Pahatid ka na kay Josh pagkatapos nyo dyan. Ikaw , may kailangan tayo pag-usapan" tinuro pa ni papa si Renz 

"Pa sama ako-"

"Sya lang ang gusto kong kausapin, mamaya sa bahay tayo mag- uusap" maotoridad na sabi ni papa wala na kong magawa kundi tumahimik na lang at pagmasadan silang dalawa ni Renz na umalis 

"Sa tingin ko sya ang boyfriend mo-" 

"Hindi, hindi ko sya boyfriend!" sabi ko kay Dioshua at tumayo na ko 

"San ka pupunta?" tanong ni Val 

"Kay Renz-"

"Na boyfriend mo?"

"Argghh Dioshua hindi ko nga sya boyfriend-" 

"Kung hindi Nad bakit mo pupuntahan? Nag-aalala ka?" tanong naman sakin ni David 

" Oo Davi nag-aalala ako pero hindi ko na nga sya boyfriend!" 

Iniwan ko na sila at lumabas na ko, hinanap ko baka nasa gilid gilid lang sila pero hindi ko makita 

"Nadia uuwi ka na ba-"

"Kuya Josh nakita mo po sila papa na lumabas?" 

"Hindi e" 

Lumingon lingon ako nagbabakasaling makita ko sila, pero wala. Hindi ko alam kung san ba sila nag-uusap, hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila. Gusto kong malaman, alam kong may kinalaman sakin yun pero gusto ko talagang malama pero mukang malabong mangyari 

"Kuya Josh uwi na po ako" 

Habang papauwi wala akong iniisip kundi kung ano ang pinag-uusapan nila papa at Renz. Kahit tanungin ko kay papa alam kong hindi nya sasabihin sakin, sana lang pag tinanong ko si Renz sabihin nya sakin 

"Bakit hindi mo sinabi sakin yung totoo na pinbayaan ka lang ng lalaking yun?Pinagkatiwala kita sa kanya tapos susuwayin nya lang ako" 

Pagkauwi ni papa dito sya dumeretso sa kwarto ko at kanina pa ko tinatanong. Pero sa mga sinasabi ni papa sakin alam kong meron pa silang pinag-usapan.Bakit ba ayaw sabihin sakin.

Mas lalo lang ata ako napagalitan dahil sa pag-uusap nila. Gusto ko na ako sana ang magsasabi kay papa kung hindi lang nya kami nakita na nandoon, hindi ko naman kasi alam na andun din si papa. 

Kanina ko pa gustong pindutin yung call button sa tabi ng pangalan  ni Renz, gusto ko syang tanungin, pero hindi ko magawa. 

Bahala na nga bukas. 

Sana lahatWhere stories live. Discover now