James is a good looking guy. Sikat siya sa University na pinapasukan ko. Parehas kaming freshmen ngunit magkaiba ang course. Galing kami sa parehas na school noong highschool at sikat din siya doon dahil basketball player siya. May business ang pamilya nya at kilala ang apelyido niya sa lugar namin. He's perfect. What's not to like, right?

"Bakit ako? Ayoko nga! Mapagkamalan pa akong may gusto doon." pag iinarte ni Summer.

Inayos ko ang kwelyo ng aking polo shirt at pinasadahan ang madulas kong pantalon. Inikot ko ang aking mata sa paligid. Kaunti palang ang estudyante sa engineering department kung nasaan ng klase ni James.

"Please? Ikaw na lang?" pamimilit ko.

Malakas ang takbo ng tibok ng puso ko na halos hatakin na ako pabalik sa aming bahay. Gusto ng tumiklop ng mga tuhod ko at humiga nalang sa kama. I never thought this would be hard. Paano pa kung nagtapat ako ng personal sakanya?

"Ayoko!"

Naglalakad kami patungo sa locker ni James. Ilang distansya pabang lalakadin bago makapunta doon pero tanaw na ito dito sa nilalakaran namin.

Hinarap ko si Summer na nakacross ang mga braso habang hawak ang accountancy book niya. "Ihuhulog mo lang naman.." pagmamakaawa ko.

She knows how nervous I am. The way I see myself from the windows justified it. My lips were getting pale then my ears were turning red. My hands were cold as I touched her arms. Her eyes was about to give up as I gave her my puppy eyed effect.

I lost her sight as I bumped into a man holding a box and rushing himself reason to loose my balance and made me fall to the ground.

"Aray!" we both complaint.

Hinaplos ko ang pwet ko dahil sa sakit ng pagbagsak ko sa sahig. Mabuti nalang ay lumapit agad si Summer para tulungan akong makatayo.

"Ayos ka lang?" tanong ni Summer sa akin habang pinapagpag ko ang aking pantalon.

Hindi ko siya sinagot dahil nilingon ko ang lalaki na ngayon ay mabilis na naghahakot ng mga natapong papel. Tumulong ako para mapabilis ang gawain.

Pagkatapos maayos ay tumuwid sya sa pagkakatayo at tumingin sa akin bago ayusin ang may basag niyang salamin.

"Ayos ka lang? May basag na ang salamin mo, baka mabubog ka. Here, let me..." tatanggalin ko sana ito ngunit umiwas siya.

He's tall kaya nahirapan ako para makuha agad iyon. He have this broad shoulders that made him look more manly but his thick eye glasses ruined his stand. He's a weird nerdy guy.

Naglakad sya palayo ng wala man lang sinasabi sa akin. May kaunting muscles syang nagflex nang binuhat nya ang box ng dalawang kamay at kumaripas ulit ng takbo.

"Kupal yon ah! Hindi man nagsorry o nagpasalamat man lang!" pagrereklamo ko kay Summer habang inaabot niya ang envelope sa akin na nahulog din sa sahig.

"Hayaan mo na iyon, let's go!" hinila nya ako papalapit sa mga lockers.

Kabado akong tumingin at hinanap ang pangalan niya. Habang ginagawa ko iyon ay naghaharumentado ang puso ko at pinagpapawisan na ang aking noo.

"Eto o, James Patrick Lee." turo niya sa locker 019.

Lumunok ako at tumango, "Ihulog mo na." inilahad ko sakanya ang sulat.

When Ms. Geek meets Mr. NerdWhere stories live. Discover now