Chapter 10 - Begging To Move On

Start from the beginning
                                    

Nakatitig lang ako sa kisame habang iniisip ko ang mga preaching ni Paul Washer, hinding-hindi ko talaga makakalimutan. Parang na-shock rin ang kaluluwa ko sa mga narinig. Pero natigil ang paglalaro ng kung anu-ano sa isip ko nang tumunog ang cellphone ko. Naisip ko ay si Maureen lang ‘yon. Hindi ko muna kinuha ang cellphone at pumikit ako. Inaantok na talaga ako at sumagi pa sa isip ko na bukas nalang replyan si Maureen.

Biglang bumukas ang dalawa kong mata sa gulat dahil narinig ko ang Messenger na parang may tumawag. Nakakainis ‘to si Mau, ano bang kailangan nito na tumawag pa. Kinuha ko na ang cellphone sa lamesa at nagulat ako kung sino ang nag-message.

Si Kristoff.

Agad namang nanlamig ang mga kamay ko at hindi mawari ng naramdaman. Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Nagdadalawang-isip pa ako kung babasahin ko ba ang messages niya. Tumawag pa talaga.

“Ano ka ngayon, Kristoff. Aalis-alis ka tapos magpaparamdam ka ulit? Awit sa ‘yo,” may galit kong sabi sa isip pero hindi pa rin nawala ang lamig at kaba ko.

Kinuha ko na ang cellphone saka binuksan ang mga messages niya.

“Lex, kumusta ka?”

“Lex, I’m sorry talaga. Pinapatawad mo na ba ako?”

“Lex, sa totoo lang, na-miss kita.”

“I miss you.”

Sunod-sunod niyang sabi kaya hindi ko mawari kung ano ang dapat kong maramdaman, galit ba o kilig. Hindi ko pa siya napatawad kasi after no’n, wala na akong pakialam. Hindi rin naman ako nagtanim ng galit sa kanya, kaunti lang.

Nag-inhale exhale muna ako para pakalmahin ang sarili. Baka kasi ano pa ang masasabi ko sa kanya na hindi ko control.

“Napa-chat ka?”

Napangiti ako matapos kong i-send ‘yon, ramdam ko ang pagkamaldita ko. Natatawa ako sa sarili.

“Salamat at nagreply ka. Kumusta ka na?” aniya.

“Luh? Parang walang kasalanan, ah? Akala mo madadaan mo pa ‘ko sa ganyan?” sabi ko sa kawalan.

“Ok lang,” maikling sagot ko.

‘Yon lang at hindi ko na siya hinintay na mag-reply. Wala na akong paki sa kanya. Tumalikod ako sa paghiga at pumikit.

***

“Tulala ka na naman dahil?” biglang tanong ni Jen. Recess time namin pero hindi na kami lumabas. Wala rin akong gana.

“Dalawa lang iniisip niyan, si Kristoff or ang church nila," wika ni Mau.

Tiningnan ko siya. Kilala talaga ako ng bruhang ‘to.

“It’s Kristoff,” I plainly said.

“Yown! Apir!” bulalas ni Mau saka nag-apir pa sila.

“Bakit? Nami-miss mo na naman?”

“No, no, it's not that. It’s ahm..he messaged me.”

Walang oras ay nakita ko ang kanilang bibig na nabilog sa gulat.

“Tapos?! Kayo na ulit?” tanong ni Mau.

“Sira, hindi! I am just confused.”

“Confused saan?”

“Kung may feelings pa ba siya sa akin.”

“Aba’y kung nag-message sa ‘yo uli, may feelings pa ‘yan!” bulalas ni Marga mula sa likod ko. Nakikinig pala siya.

“Eh, paano kung trip lang?” ani Jen.

“Hindi mo naman sure, Jen.”

“At hindi mo rin naman sure, Marga.”

Pinigilan ko silang dalawa sa pagtatalo at saktong pumasok si Madam Love sa classroom kaya natigilan kaming lahat sa mga ginagawa namin.

***

Nang makauwi ako sa bahay, nagmano agad ako kay Mama at inilagay ko ang bag ko sa couch couch namin.

“Kumain ka na,” aniya.

“Opo, Ma.”

Nakatalikod siya sa akin at parang may tinitimpla. Umupo na ‘ko at natatakam na dahil masarap ang niluto niyang ulam. Lumpia lang naman iyon at ang paboritong ulam ko.

Maya-maya ay humarap na siya at may dalang pitsel na may lamang juice.

“Juice,” aniya.

Masarap magluto si Mama at maalaga pa. Kaya loss talaga ng Papa ko na iniwan kami nung 2 years old pa lang ako. Sumama siya sa bago niyang babae. Ako lang ang naging bunga ng kanilang pagmamahalan dahil iniwan din kami ni Papa. Pero ngayong 18 years old na ‘ko, napagtanto ko rin na hindi rin deserve ni Papa si Mama.

His loss, not hers.

“Ba’t matamlay ka?” biglang tanong niya.

“Po? Ah, wala, Ma. Naisip ko lang ‘yong assignment namin.”

“Kumusta ba pag-aaral mo, ‘nak?”

“Okay naman, Ma, medyo stressed pero kaya naman.”

Natahimik na kami after no’n kaya may naisip akong itanong sa kanya.

“Ma, nasaktan po ba kayo nung iniwan tayo ni Papa?” tanong ko sa kanya bago sumubo. Nagpatuloy lang siya sa pagkain, halatang hindi na siya apektado. Malakas talaga si Mama.

“Oo naman. Alam mo ang pagmamahal, minsan ‘yan ang
nagpapasaya sa atin, minsan din ‘yan ang nagdudulot ng ating pagkawasak.”

Napatulala lang ako sa sinabi niya dahil naalala ko si Ken at si Kristoff.

“Hindi na ako nag-asawa ulit, ‘nak, kasi hindi ko alam kung sasaktan o pasisiyahin pa ba ako ng pag-ibig. Pero dahil iniiwasan kong masaktan, sinakripisyo ko na ang saya na maaari kong maramdaman kasi kailangan kong maging matatag.”

I felt like it was very deep. Sa pagkakaintindi ko, kahit may chance na sasaya ulit si Mama, mas pinili nalang niyang hindi umibig kasi may possibility rin naman na masasaktan ulit siya at ‘yon ang hindi niya gustong mangyari dahil gusto niyang maging matatag. I guess it was for me, sa anak niya.

Sana ganoon din ang mindset ko. Before I met Ken, aaminin ko sa sarili kong gusto kong makaranas ng pagmamahal ng isang lalaki. Siguro dahil na rin siguro na hindi ko naranasang mahalin ng isang ama. Kaya siguro ganun-ganun lang din ang pagpapasok ko kay Kristoff sa buhay ko pero nasaktan pala ulit ako. Tama nga si Mama, ang pag-ibig minsan ang wawasak sa tao.

***

Humiga na ‘ko at bigla kong naisip si Kristoff. May kaunting feelings pa ako sa kanya at gusto ko nang mawala ito. Maya-may ay tumunog ang cellphone ko.

And it was Kristoff, giving me a little hope.

Bumangon ako at inilayo ang cellphone, ipinatong ko sa isa kong lamesa na malayo sa kama ko.

Pumikit ako at ilang segundo, nagsilabasan ang mga luha ko.

“Lord, please help me take this feelings of mine for Kristoff. Ayoko na, po.”

Victim Of EvangeligawWhere stories live. Discover now