"Tumingin ka sakin love...Intindihin mo tong sasabihin ko, walang maghihiwalay, walang matatapos. Uulitin ko walang maghihiwalay, hindi mo ko hihiwalayan-" 

"Renz sorry, sorry. Sorry" 

"love!" tawag nya sakin tinalikuran ko na sya at pinagsarhan na ng pinto. Wala ako sa tamang katinuan para magdesisiyon , para pakinggan sya ngayon, soory. Narinig ko pa yung pagkatok nya ng paulit ulit hanggan sa tumigila na. Pinunasan ko yung mga luha ko sa muka ko at dumeretso na sa kwarto. 

_

Gaya kahapon, naabutan ko si Kuya Josh dito sa labas na hinihintay ako. Hindi ko pa din nakakausap si papa, kanina sana kaso gumising ako wala na sya pumasok na. 

Pagdating ko sa school, dumeretso na ko sa room na dapat hindi muna. Andito na yung iba kong kaklase, kahit hindi ko naman kaklase andito, si Renz na nakikipagdaldalan kay David at sa isa kong kaklase. 

"Morning Nadia!" bati sakin ni David , papansin e . Dahil sa ginawa nya napatingin sakin si Renz bakit ba kasi andito pa sya , sabihin ko kaya kay maam na pagbawalan na yung hindi naman talaga dito sa room.

"San ka pupunta?" tanong ni David ng tumalikod na ko sa kanila par asana lumabas

"Sa cr lang" sagot ko at tuluyan nang lumabas. Bumaba na ulit ako para pumunta sa cr, hindi ako nagdadahilan lang para makaiwas kay Renz, naiihi talaga ako 

"Oh tingnan mo nga naman, pag talaga sinuswerte tayo hahahha" sabi ng isang babae na may kasamang isa pa. Hindi ako pamilyar sa kanila. paglabas ko sa cubicle nakalingon sila sakin 

"Teka, wag mo kaming lagpasan" sabi sakin habang hinawakan ako sa braso, napakagat ako sa labi dahil sa hapdi, habang tumatagal dumdiin yung kuko nya.

"Isa pang diin, palad ko ang didiin dyan sa muka mo-"

"Ganto ba hahahaa-Ah!" 

"Sabi sayo palad ko ang didiin sa muka mo e, bitawan mo ko kung ayaw mong kabilang pisngi mo ang sampalin ko" sabi ko sa kanya, hawak hawak nya yung muka nyang sinampal ko, hindi ako nakikipagbiruan anong akala nya. 

"Aray! sabing bitawan mo ko e!" sigaw ko sa kanya, lalo lang nya diniinan yung pagkakahawak sakin. Pati yung kasama nya hinwakan na din ako

"Pano kung ayaw namin ha? Kala mo kung sino ka, lakas ng loob mong saktan si Renz a...Buti na lang wala na kayo, hindi kayo bagay hmm nakakagigil ka! Ano sa tingin mo, na lagi kang malakas ha! di ka uubra samin!" hawak ng isa nyang kamay ang muka ko at pinipisil ito. 

"Bitawan nyo sabi ako e! Ano isa pa rin ba kayo sa may gusto kay Renz na mainit ang dugo sakin? Kaylan ba kayo titigil? Tangina lalakas ng kulto nyo a " matapang na sabi ko sa kanila kahit na iniinda ko yung sakit sa braso ko. Kahit anong gawin kong magpupumiglas hindi nila binibitawan mas lalo lang ako nasasaktan. Kaylan ba ko mawawalan ng kaaway, bwisit talaga.

"Alam mo nakaka imbyern ayang muka mo, hindi ko alam kung bakit ka pinatulan ni Renz e. Iba talaga nagagawa ng malalandi noh-" 

"Tangina , mamatay na malandi! RIP agad sa inyo! Ako malandi? Sige kahit tanungin nyo pa si Renz kung nilandi ko sya. Bored talaga kayo noh? Hindi naman kayo ex ni Renz pero bakit napaka papansin nyo? Sino bang leader nyo? Si Angela? si Andrea? o si Dette? Lantang lanta na ba na kayo at si Renz yung napili nyo para madiligan kayo? Tangina ikalma nyo nga yang sarili nyo!" 

"Tangina manahimik ka-"

"Kayo ang manahimik! Ano bang akala nyo na kapag wala ako papatulan kayong lahat ni Renz? Tingin nyo ba kung sila pa din Angela papayag si Angela na ipahiram sa inyo si Renz? Anong utak meron kayo, teka may utak ba talaga kayo? Wala noh? O kung meron man hindi nyo alam kung pano gamitin ng tama . Tangina mang-aaway kayo ng babae dahil lang ayaw kayong pag tuunan ng pansin ni Renz? Mga bobo!-Ah tangina!" hindi ko naiwasan yung sampal nya. Kung hindi lang talaga ako kapit kanina ko pa pinag sasampal. 

Sana lahatWhere stories live. Discover now