"Nagiging masaya lang siya kapag nakakakita ng pink roses."

Nagdrive na ako palabas ng Mansyon para maagang dumating dun.



Shianna's P.O.V

"Yanna ,ilang burger na ba ang naubos mo?" nagtatakang tanong ni Ivan habang naglalakad kami dito sa loob ng Mall.

"Pangatlo na'to." inosente kong sagot habang ngumunguya-nguya pero bigla nalang siyang  napatigil siya sa paglalakad.

"Bakit?" nagtataka kong tanong.

"P-pangatlo na yan?" tanong niya and I just nodded.

"Tapos hindi ka parin busog? ano ba yang tiyan mo, Yanna?Tanke ba 'yan?" natatawang sabi ni Ivan sakin.Humarap ako sa kaniya at tinapunan siya ng masamang tingin.

"Alam mo Ivan minsan hindi talaga nakakatawa yang biro mo. Kainis nito pssh." inirapan ko siya at saktong paglingon ko sa harap ay may nakabangga sakin dahilan para mahulog ang mga pinamili niya.

"Oh my gosh I'm sorry, Im really sorry..." hingi ko ng pasensya at inabot kay Ivan ang burger na hawak ko.Tinulungan kong pulutin yung mga nahulog niyang pinamili at pagkatapos ay tumayo na ako.

"I'm really sorry. Ito kasing kaibigan ko eh." lumingon ako kay Ivan at tinignan siya ng masama.

"It's ok po ate, ako rin naman hindi rin tumitingin sa dinadaanan ko.Hinahanap ko kasi yung cellphone ko para tawagan yung kuya ko na sunduin ako dito sa Mall." inosenteng sagot nito sakin at doon ko lang nakita yung buong mukha niya. Napangiti nalang ako. Ang ganda kasi niya,ngayon lang ako nakakita ng ganitong mukha.

She looks like an angel from above...

"Pasensya na po ate." hingi niya ng pasensya.

"No, ako yung dapat sisisihin. Hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko.By the way, I'm Shianna." I stretched my arm para makipagshake hands sa kaniya.

"I'm Trisha naman po." tinanggap niya ang kamay ko. Halatang anak mayaman,ang lambot kasi ng kamay.Bumitaw na siya sa kamay ko at tumingin siya kay Ivan.

"Hey, you seems so familiar to me.Nagkita na po ba tayo?" nagtaka ako sa tanong ni Trisha kay Ivan pero imbis na sagutin ni Ivan si Trisha ay hinawakan nito ang kamay ko at ngumiti siya kay Trisha.

"Oum I think we haven't met before.By the way, mauna na kami sayo Trisha hah? nagmamadali kasi kami?" sabi ni Ivan kay Trisha.Nagtaka ako sa kinikilos niya kasi hindi naman kami nagmamadali, ang totoo nga niyan halos magdadalawang oras na kaming naglalakad dito sa loob ng mall.

Hindi pa nakakasagot si Trisha pero kinaladkad nalang ako bigla ni Ivan paalis sa harap ni Trisha. Dirediretso lang siya sa pagkaladkad sakin at tumigil lang kami sa may tapat ng School Supplies Corner na habol ang hininga.

"Hoy! may problema ka ba? bigla-bigla ka nalang nanghahatak eh."nagtataka kong sabi kay Ivan habang nagpupunas siya ng pawis niya sa noo at ganun rin ako. Lumingon siya sakin tumayo ng maayos.

"Wala naman, trip ko lang tumakbo." nakangiti niyang sagot.

Aba-gago 'to. Kakatapos ko lang kumain ng burger tapos bigla nalang akong hinatak para tumakbo kasi Trip niya?

“Paano kong magka Appendicitis ako dahil sa trip mo?”

Lumapit ako sa kaniya at agad siyang binatukan dahilan para mapahawak siya sa batok niya at nakasimangot na nakatingin sakin.

"Bakit mo ako binatukan? Masakit kaya." reklamo niya at nagpout pa.

"Aba tinatanong mo pa talaga eh noh? Eh kung magkasakit ako ng apendix hah!sige nga! Bigla ka nalang nanghahatak tapos tatakbo pero trip mo lang pala!" binigyan ko siya ng masamng tingin at tinalikuran siya.

"Hey, where are you going? don't leave me here alone." sabi ni Ivan habang hinahabol ako.

"Mag c-cr lang ako. Bakit? sasama ka? "sagot ko sa kaniya at dumiretso na ako sa paglalakad. Habang hinahanap ko kung saan ang C.R dito sa Mall ay may nahagilap akong familiar form ng tao.

"Stanley?" si Stanley ang nakita ko at may kasama itong babae. Hindi ko lang mamukhaan kung sino yung babae dahil nakatalikod ito sakin at hawak-hawak niya ang magkabilang kamay ni Stanley.

Imbis na makichismis pa ako ay dumiretso nalang ako sa paglalakad.Maybe it's his Girlfriend tapos makita pa ako na nakatingin sa kanilang dalawa.

Tristan's P.O.V

I'm standing right now in front of the person na pinagbigyan ko ng Pink Roses.

"Hey, how are you? it's been 3 years and I hope you're happy right now. I miss you so much and as well as Trisha too."

Naramdaman kong mga tubig na nag-iisahang lumabas sa mga mata ko at pinahiran ko iyon.

"I'll make sure that they'll pay sa ginawa nila sayo. I'm now starting to take revenge."

|A Q U A V I A M O U R|
[TOGOSZ]

S1:The Only Girl of Section Z | COMPLETEDTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang