"Yulli, come here."




Napa awang ang bibig ko ng magsalita ito. Sa loob ng one week na palagi ko siyang nakikita diyan, ngayon ko lang narinig na magsalita ito. Except nong tungkol sa ID parang medyo matagal na 'yon. Shwit ka, Shan!




Huminga ako ng malalim at lumunok. Lumingon ako sa likod ko pero hindi ako tumingin sa likod dahio sa kanya kundi kau Yulli na nasa likod ko pa at  nakatalikod sa'kin, nakatangay siya kay Ike. Sumasayaw pa ang buntot nito. Hinayaan ko nalang ito at bumalik na paglalakad. Bakit ba ako lumingon? Hindi naman ako si Yulli at  hindi naman si Ike ang nilingon ko.




"Yulli, come here." Gamit ang matigas at malalim niyang ay inulit niya pagtawag kay Yulli. Kahit sino ay mapatigil sa ginagawa dahil sa boses niya.




Ramdam ko na nanginginig ang mga paa ko ng dahil sa kanya. Palagi nalang ganito!  Hindi paman ako nakalayo ay may naramdaman ako sa paa ko na malabalhibo. Tumigil ako at lumingon sa likod  at natagpuan ko si Yulli na naka buntot pa rin sa'kin, kahit na tinatawag na siya ni Ike.. Akala ko lumapit na ang aso na'to kay Ike. Tinignan ko si Ike at laking gulat ko na nakatingin na siya sa'kin, gamit ang seryoso niyang mga mata pero may iba sa mata niya na hindi ko alam. Hindi ko mababasa 'yong mga mata niya pero mariin niya ako tinignan. Umiwas ako ng tingin at lumunok na parang bato ang lunok dahil nahirapan ako sa paglunok. Lumuhod ako kay Yulli at magsasalita sana.

"Can you bring, Yulli here for me."

Napatanga ako kay Yulli na nakalabas pa ang dila at nakaangat ang tingin sa'kin. Subrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang inaangat ko ang paningin ko sa kanya at... nagsalubong  ang mga mata namin. Lumunok ako. Ako ba? Dahan- dahan ko inangat ang kamay ko at tinuro ang sarili ko na may taka at naguguluhan na tingin.




Mariin niya ako pinagmasdan bago siya tumango, "Uh-huh."




Umawang ang bibig ko sa sagot niya. A-Ano? Hala..paano?




Yumuko at tinignan si Yulli, naka angat pa rin ang ulo niya at nakatingin sa akin gamit  ang mga mata niya na parang hinipotismo ako sa mga tingin niya. 'Wag kang gagawa ng kakasira sa buhay mo Shan. Dahan- dahan ko siya kinarga at tumayo na. Nanginginig pa ang kamay ko baka biglang tumalon si Yulli at mahulog ito. Lumakad na ako papunta kay Ike kahit na nanginginigang mga paa ko sa kaba. Natatakot ako na hindi ko alam. Habang palakad ako ay palakas na palakas ang tibok ng puso ko at lalo ng pinagmasdan niya ang galaw ko.  Umiwas ako at sa aso ko nalang tinuon ang paningin ko. Nang malapit na ako sa kanya at nilagay niya ang kanyang libro sa upuan ng swing at tumayo siya. Lumunok ako dahil sa hindi ko alam kong ano ang susunod mangyayari kong makapunta na ako sa harap niya. Nang nasa harap ko na siya ay umangat ang dalawa niyang kamay na sinyales na kukunin niya ang aso.




"Busit ka, Shan!" Bulong ko sa aking sarili. Uminit 'yong pisnge ko sa naiisip ko. Sa sitwasyon namin ngayon para akong isang ina, ama siya at baby namin si Yulli na  karga ko tapos ibibigay ko sa papa niya. Jusmeyo! Sino ba ang hindi kabahan na sa akin nakatuon ang tingin niya kahit nakalahad na ang mga kamay niya kay Yulli. Panget ako kaya, please umiwas ka sa madilim!




Napatanga ako sa kamay niya na naghihintay na maibibigay ko ang aso. Ang malaugat niyang braso at kamay ay subrang gandang tignan at lalo na maputi ang mga balat niya. Kuhang-kuha niya ang mga na imagine ko sa wattpad. Bagay na bagay sa kanya at ang ganda pa ng kamay niya, mas maganda pa sa kamay ko. Bahagya ako napa-iling. Kahit na nanginginig ang mga kamay ko ay  dahan-dahan ko iniabot sa kanya si Yulli. Bahagya ako napa-igtad nang maramdaman ko ang mainit niyang kamay  sa kamay ko. Ang init ng kamay ay humawak sa'kin. Nahahawakan niya ang kamay ko!  Tapos sa'kin ang lamig dahil sa subrang kaba ko. Nakahinga ako ng maluwag nang hahawakan na niya si Yulli pero laking gulat ko nalang na biglang tumalon ang aso galing sa braso ko  at mas lalo akong nagulat na imbis ang aso ang hahawakan ay ang braso ko ang nahahawakan niya.




Tell me why?Where stories live. Discover now