Binalik ko yung tingin ko kay Tristan at laking gulat ko nalang na nakatingin pala siya sakin at ang sama pa ng tingin niya.

Inaano ko ba ang lalaking 'to? adik yata 'to eh.

Kaysa sa makipaglabanan ako ng tingin sa kaniya, tinaasan ko nalang siya ng kilay tsaka inirapan at tumingin na sa harapan.


HABANG naglelecture si Sir Albert, hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid ko. Kasi ba naman, yong iba kong classmates tulog, yong iba naman halatang inaantok dahil hikab ng hikab. Kay Rian naman ako tumingin na ngayon ay nakiisa na sa sleepy virus.

Kinalabit ko si Rian kaya napatingin siya sakin.

“Inaantok ka?” he just nodded at humikab pa, may kasama pang panguso-nguso ang gagi.

“Makinig ka kay Sir,baka magalit yan satin.” nagsmile lang siya kaya hindi mo nalang pinansin, Bahala siyang mapagalitan diyan ni Sir. Baka madamay pa ako pag pinakialaman ko siya.

“Ok Class! that's all for today, I hope you'll study all the lessons na tinuro ko sa inyo because we will be having a Test on Monday.” pagpaalam ni Sir Albert.

“Thankyou Sir” sabay naman naming sagot.

Nang makalabas na si Sir ay kinuha ako nalang ulit ang cellphone ko, baka kasi may reply na si Ivan sa text ko kanina. Dahil sa nangyari nalimutan ko pa ngang nagtext pala ako sa isang yun.

Pagbukas ko ng cellphone ko, nagtaka ako kung bakit walang niisang message na dumating.

Hindi nagreply si Ivan? ano na namang nangyari sa isang yun?

Naisip ko na baka busy lang siya kaya hindi ako nareplyan, pero imposible eh. Kasi kapag busy 'yon, naglalaan parin siya ng kunting time na replayan ako. Kilala ko si Ivan,nagtagal na kaming naging magkaibigan kaya kabisado ko na siya.

Baka may nangyari na sa kaniya? Napaaway siguro 'yon.

Imposible rin, hindi naman mahilig yun sa away at gulo. In fact, sinesermonan pa nga ako non na itigil na yong pakikipag-away ko.

“Ano bang ginagawa mo ngayon Ivan? malilintikan ka talaga mamaya!” mahina kong tugon.

Binalik ko nalang yung cellphone sa bag ko at laking gulat ko nalang na may biglang sumulpot sa harapan ko at hinampas ng libro yung armchair ko ng malakas. Sa sobrang gulat ko,parang tumuyo lahat ng dugo ko sa katawan.

Tangina?ano bang problema niya!

Tinignan ko kung sino yun at nang magkatinginan kami ni Tristan ay nakipaglabanan ako sa masama niyang titig sakin.

“Leave”

Nag-iba yung expresyon niya sa mukha at napalitan iyon ng seryosong tingin.

“Hah?”

“Are you deaf? I said leave”

Ano bang problema niya? Leave? Kasali ba ako sa GC para mag leave? Nagpapatawa ba siya? Bakit
niya ako pinapaalis? sa kaniya ba'tong classroom?

Kahit nakaramdam na ako ng takot ay hindi parin ako nagpahalata na takot ako. Instead, nilabanan ko yong masama niyang tingin. Tumayo ako at pinagkrus yung dalawa kong braso at tumingin sa mga mata niya.

“Why should I leave? DAo you own this place? huh?” tanong ko sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. Bigla namang nag-iba yung awra ng mukha niya. I could feel the tension between the two of us.

Pero nanatili parin akong kalmado sa harap niya.

“Umalis ka na sa section na'to. You don't belong here! no any woman is allowed to enter in this section! So you must leave right now or else kakaladkarin pa kita palabas.” his jaw  clinched after niyang sinabi 'yon. Pero dahil matigas ang ulo ko, hindi ako magpapatalo sa lalaking 'to.

“Ayoko, no one also is allowed to scold me. Not even you!” duro ko sa kaniya pero nabigla ako ng bigla niyang pinatid ang isang upuan sa gilid ko.

“Aalis ka? o kakaladkarin pa kita?”

“How many times do I need to tell you that I won't leave, unless the teacher will tell me that I should leave this section.”

I don't know kung bakit ko nasabi lahat ng iyon. Dapat sana pagkasabi niya palang ng leave eh umalis na ako,edi sana chance ko na yun na mailipat sa ibang section.

“Hindi ka ba aalis, hah!” sigaw niya sa harap ng pagmumukha ko at hinawakan ang dalawang kwelyo ng uniform ko na para na niya akong sasakalin. Ilang segundo nalang lalabas na talaga yung luha ko.

May dalawang lalaki na lumapit  saming dalawa para awatin at hinawakan si Tristan sa magkabilang braso dahilan para mabitawan niya ako. Si Rian naman ay lumapit sakin at hinawakan ang kamay ko.

“Are you ok? Nasaktan ka ba?”

Hindi ako makasagot dahil sa gulat sa ginawa ni Tristan, nanatili parin akong tulala at nakatingin kay Tristan na ngayon ay sobrang sama ng tingin sa'kin.

“Tristan! why did you do that huh?” tanong ng isa namin kaklase na kulay brown yung buhok na nakahawak kay Tristan. Lumingon naman si Tristan sa kaniya na walang emosyon ang mukha.

“Tristan! below the belt na yung ginawa mo! Babae 'yan!” sabi naman ng isang lalaki na nakahawak sa kaliwang braso niya.

Yung ibang Classmates namin ay nakayuko lang, may iba ring parang walang pakialam sa nangyayari sa paligid nila na para bang sanay na sanay sila sa nangyayari.

Binawi ni Tristan ang braso niya at tinignan ang dalawang lalaki na nakahawak sa kaniya.

“Bakit Adrian, Lyxe? lalabanan niyo na ako? tutol na kayo sa pamamalakad ko sa Section na ito!hah!” pagalit na sigaw ni Tristan at laking lahat ay nakatingin na sa kaniya ngayon.

“My Voice, My Rules! kaya wala kayong karapatan na pigilan ako sa gagawin ko!” he shouted in anger. Hindi ko rin alam kong alam na ng mga teachers na may nangyayari dito,imposible ring marinig ng iba kasi ang layo ng classroom na'to sa totoo lang.

Ilang segundo ring naging tahimik sa loob ng classroom hanggang sa may isang lalaking bumasag ng katahimikan nito.

“Stupid...” sabay kaming napalingon sa nagsabi non. Walang iba kung hindi ang lalaking naka eyeglasses at naka-earphone na ang paningin ay nasa labas parin ng bintana ng classroom.

|A Q U A V I A M O U R|
[TOGOSZ]

S1:The Only Girl of Section Z | COMPLETEDWhere stories live. Discover now