Chapter 27

146 22 46
                                    

Sobrang lakas ng pagyugyug saakin.

"Kuya! 4:30 na. Malayo pa ang mall dito"

Mabilis kong iminulat ang mga mata ko kay Fortuna na ngayon ay gumigising saakin.

Tumama ang tingin ko sakanya at biglang nanlaki ang mata ko sa sinabi niya '4:30'.

Tumayo ako bigla at dali daling humarap sakanya, "Hayaan mo na kung malate ka na, maliligo lang ako" pakamot kamot pa siya sa inis.

Hindi ko man lang namalayan ang oras sa sobrang bilis. Parang kanina lang nakatulog lang ako, ngayon gising na naman ako.

I took a bath at isinuot ko na rin ang napili ko kanina.

Nang matapos ako ay tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin. I was wearing a white plain shirt and a black short. Inayos ko na rin ang buhok ko tsaka isinuot ang relo ko.

"Kuy--" hindi ko na pinatapos ang sigaw ni Fortuna sa labas. Dali dali akong lumabas ng kwarto.

"Kuya 5pm na" mangiyak-iyak na ani niya.

Ngumiti naman ako sakanya ng tipid at pareho na kaming lumabas ng bahay. Nagpaalam na din kami kay mama tsaka sinabihan ko na rin naman sina Elizabeth at Pacifico na tignan si mama.

Umalis kami ng bahay at sobrang tahimik lang namin sa loob ng sasakyan.

"Ichat mo nalang ka meet mo. Sorry" i sincerely apologized to Fortuna.

Bahagya akong napatingin sakanya ng tumingin din siya daakin. "Basta sa susunod na pag mamall natin, bilhan mo ako ng bagong make-up ha"

Imbes na mainis ulit sakanya. I just nodded and smiled to her para hindi na siya magtanim ng sama ng loob saakin.

Half an hour ng makarating kami sa pupuntahan ni Fortuna.

Niyakap at hinalikan naman niya ako sa pisngi tsaka siya bumaba.

"I chat you later kapag pasundo na po ako" sambit niya.

Tipid naman akong ngumiti "Sige po mahal na prinsensa" sagot ko tsaka ko siya inirapan.

Liliko na sana ako para bumuwelta papunta sa meeting place namin ni Crishia ng biglang tumunog ang cellphone ko.

It's a message from Crishia.

From: Crishia

Chinese Garden, Luneta, Manila nalang pala tayo mas maganda ang view doon

Okay. I'm on my way

Papunta palang ako

I closed my phone at dumiretso nalang din sa sinasabi niya.

Maraming tao ang nandoon. Tahamik at maaliwalas ang lugar.I think i can go here with Imelda. It's a nice place and simple.

While looking at the view, napaupo ako sa isang upuan nang makarinig ako ng sigaw ng kung sino.

"Fem!" napatingin ako sa hindi kalayuan. Doon ay tanaw na tanaw ko si  Crishia na naka light red dress with a flat sandal.

She's pretty

I giggled but back to the normal ng mapansin kong papalapit na siya saakin.

"Ano ang masasabi mo?" umikot-ikot pa siya na parang prinsesa.

I suddenly hide my small smile that formed to my mouth.

Wind of LoveWhere stories live. Discover now