Prologue

616 28 2
                                    


THIRD PERSON'S POV

Sa lugar ng Sarrat, Ilocos Norte taong 1917 pinanganak ang lalaking anak nina Mariano Marcos at Josefa Edralin.

"Ang gwapo ng bata'ng ito, asawa ko" tugon ni Josefa Edralim kay Mariano. Nagngitian naman sila na para bang alam na nilang may mamumuno pagdating ng makabagong panahon.

Pinangalanan siya nina Mariano at Josefa ng Ferdinand Edralin Marcos.

YEARS PASS.

Isinilang si Marcos noong Setyembre 11, 1917 sa bayan ng Sarrat, Ilocos Norte. Ang kanyang mga magulang ay sina Don Mariano Marcos at Josefa Edralin, kapwa mga guro. Ang kanyang nga kapatid ay sina Pacifico Marcos,Elizabeth Marcos-Keon at Fortuna Marcos-Barba si Ferdinand ay lumaki sa bayan ng Batac doon nakapagtapos ng kanyang pag-aaral mula elementarya hanggang sa mataas na paaralan ng may karangalan.

Siya ay kumuha ng kursong abugasya sa Unibersidad ng Pilipinas.


Sa pamantasan ding iyon siya kumuha ng Abogasya at nagtapos bilang Cum Laude noong Marso, 1939. Nakamit niya ang President Manuel Quezon Medal Award dahil sa kanyang Graduation Thesis.


Siya ay iskolar sa buong panahon ng kanyang pag- aaral sa Pamantasan ng Pilipinas at naging kilala siya sa campus dahil sa kanyang kahusayan sa debate at pagtatalumpati. Maging sa larangan ng palakasan tulad ng swimming, boxing, at wrestling ay kinilala siya. Isa rin siyang sharpshooter sa paghawak ng baril. Siya ang nakakuha ng pinakamataas na karangalan sa Military Science and Tactics sa buong Pamantasan. Nagsulat din siya sa Philippines Collegian, ang opisyal na pahayagan ng Pamantasan ng Pilipinas.

Nagri- review noon si Ferdinand para sa bar exams nang matalo ang kanyang ama sa muli nitong pagtakbo bilang kongresista. Ang tumalo dito, si Julio Nalundasan ay nabaril at namatay pagkatapos ng halalan. Si Ferdinand ang napagbintangan, at kahit pa nga isang mahusay na abogado ang nagtanggol sa kanya, nahatulan pa rin siya ng labimpitong taong pagkabilanggo.


Nasa loob siya ng kulungan ng maging topnotcher sa bar exams at nang maging ganap na abugado ay hiniling niya sa Kataas- taasang Hukuman na payagansiyang ipagtanggol ang sarili sa kasong ibinintang sa kanya.

••••

Si Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos (Setyembre 11, 1917 - Setyembre 28, 1989) ang ika-10 Pangulo ng Pilipinas na nanungkulan mula 1965 hanggang 1986. Siya ay isang abugado, kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan mula 1949 hanggang 1959 at kasapi ng Senado ng Pilipinas mula 1959 hanggang 1965. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, siya ay naging lider-gerilya sa hilagang Luzon. Noong 1963, siya ay naging Pangulo ng Senado kapalit ni Senador Eulogio Rodriguez, Sr.. Bilang Pangulo ng Pilipinas, kahanga-hanga ang kanyang mga nagawa sa larangan ng diplomasya at pagpapagawa ng mga mahahalagang imprastraktura sa bansa.

GenZ lovesory of FEM AND IRM

Wind of LoveWhere stories live. Discover now