Nagkibit balikat ang itim na usok, lumigid ulit ito sa kamahalan “hanggang sa muling pakikita kamahalan…” at tuluyan na itong naglaho.

======

ALICE P.O.V.

Nagising ang diwa ko dahil sa naririnig kong ingay.


“Simula ngayon sa akin sasama si Alice!!” narinig ko ang boses ni Prince Azera. Sa bigat ng aking mga mata, hindi ko ito maimulat ng maayos. “Hindi mo siya kayang protektahan!”


“Bakit? Sa tingin mo kaya mo siyang protektahan?” boses yun ni Clyde. Medyo sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako dito.


“May malay na siya.” Naglalabong tingin ko sa nagsalita, nakita ko si Montblanc. “Alice, may masakit pa ba sayo?” alalang tanong niya sa akin.

Pinilit kong umupo sa pagkakahiga. “Huwag ka munang masyadong gumalaw. Hindi ka pa magaling.” Awat sa akin ni Prince Azera.


“Ayos lang ako.” Tinignan ko silang lahat “Ano ba nangyari?” tumingin ako sa paligid, nasa isang lumang kwarto kami. Walang bintana at tanging pinto lang ang meron sa kwarto. “N-nasaan tayo?”


“Nasa ligtas tayong lugar sa Metru Nui.” Paliwanag sa akin ni Montblanc.

Napansin kong may benda ang aking kaliwang kamay. Sinubukan kong igalaw ang mga daliri ko pero hindi ko ito maigalaw.


“Nasugatan ka ng Goblin na may dalang lason… pero huwag kang magalala nalunasan ka na agad, pangsamantalang hindi mo maigalaw ang kaliwa mong kamay. Mga tatlong araw siguro magaling na yan.” Kinuha ni Montblanc yung tubig sa kanyang tabi. “Inumin mo daw ito sabi ng manggagamot, para daw gumaan lalo ang pakiramdam mo.” kinuha ko naman ito sa kanya at ininom.

Pagkababa ko ng inumin bigla akong hinawakan sa kanang kamay ni Prince Azera. “Pinagalala mo ko Alice.” inilagay niya ang kamay ko sa kanyang pisngi at pagkatapos non hinigpitan niya ang pagkakahawak dito. “Simula ngayon sa akin kana sasama.” Tumingin ako kay Clyde.Hindi siya nakatingin sa amin pero kita ko sa kanya ang pagkainis. Tama nga ang sinabi ni Montblanc nagseselos si Clyde kay Prince Azera.

Tinanggal ko ang pagkakahawak ni Prince Azera sa aking kamay “P-pero… T-third Prince---” hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng nagsalita siya agad.


“That’s an order. Hindi ko kayang makita ka ulit sa ganung kalagayan. Sumama ka sa delikadong misyong ito kaya dapat lang na sumama ka sa kayang prumotekta sa iyo.” Seryosong sinabi ni Prince Azera na ikinagulat ko.  

Tumahimik ang paligid at kitang kita kina Clyde at Prince Azera ang tension sa kanilang dalawa. Nabali lang ito ng may kumatok sa pinto.

ALICE { o n  g o i n g ...}जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें