Chapter 28 : Crystal Eye

Start from the beginning
                                    

Sumisigaw siya sa kanyang ina at kitang kita sa kanyang murang gulang kung paano kinaladkad ang kanyang ina palayo sa kanya. 

Bago pa man sila magkalayo ang tanging naririnig niya mula sa kanyang ina…


Revenge us!!

 




Pagkamulat ng mga mata ng Kamahalan, nakita niya sa salamin ang luha na bumababa sa kanyang pisngi.


“Kamahalan Tahlia…” nakita niya ang isang itim na usok mula sa salamin na lumiligid sa kanya, pumwesto ito sa kanyang likuran at unti unti itong nagkorteng itim na tao na walang mukha.


“Ano yon.” Mahinang sinabi ng kamahalan.


“Ang inyong mukha---” hindi pinatapos ng kamahalan ang sasabihin ng itim na usok.


“Look Old.” Bulyaw ng kamahalan dito.


“Nah… You’re just tired.”  


“Ang kapangyarihan ko… humihina…” habang hinahawakan ang kanyang pisngi. Gumalaw ang isang baso sa kanyang tabi na may laman na Ritual Blood. Kinuha naman ito ni Tahlia at ininom. She exhales softly. “Ah…” Tumingin siya sa salamin at nakita niya ang unti unting pagkawala ng kulubot sa kanyang mukha.


“Ang Prinsesa ang rason kung bakit humihina ang iyong kapangyarihan. Habang palapit ng palapit ang panahon ng dalawangpu’t isang taon ng kabilugan ng buwan ang iyong kapangyarihan ay unting unti manghihina.” Lumigid muli sa kamahalan ang itim na usok, tumapat siya sa tenga ng kamahalan at bumulong. “Kunin mo ang puso niya sa sarili mong kamay at hindi ka na muling manghihina at tatanda.”

 

“Kung hawak ko lang ang ring of fire.” Gigil ng kamahalan.


“Shhhh… Huwag masyadong uminit ang ulo, nasisiguro kong mahahanap rin natin yon.” Kumalma naman ang kamahalan sa sinabi ng itim na usok. “Meron akong supresa sayo.” Nakarinig siya ng isang gumugulong na bagay, pagkaharap niya nakita niya ang isang crystal na kasing laki ng bola ng golf sa kanyang paanan. Kinuha niya ito at natuwa sa kanyang nakikita.


“Ah… Ang Crystal Eye.” Tuwang sinabi ng kamahalan.


“Nainis ang iyong kanang kamay sa ipinakita ng manghuhula at hindi naman niya napigilan ang pakikipaglaro dito, kaya ayan… ipinadala niya sa akin… Alam niyang sasaya ka kapag nagkaroon ka ng bagay tulad niyan.”

Ngumiti ang Kamahalan. “Bago niya paslangin ang mahusay na manghuhula, narinig mo ba siyang nagsalita tungkol sa prinsesa.” Umiling ang itim na usok. “posibleng nalaman niya na binabantayan ko siya. Huwag kang titigil hanggat wala kang nalalaman tungkol sa prinsesa.” Tumungo ang itim na usok. “Nasaan ang isang pares nito?”

ALICE { o n  g o i n g ...}Where stories live. Discover now