Nahihiya rin ako syempre kay Kassidy. Kaso saan ako lalapit kung nagkataon?

"Kasi 'yong Mama ni Lance... ayaw niya sa akin," mahinang sabi ko.

Masama loob ko kasi hindi pa niya ako nakikilala talaga ng lubusan pero ayaw na niya sa akin. Hindi naman ako masamang babae kung tutuusin. May pinag-aralan naman ako kahit papaano tsaka ang ganda ko naman.

Pipili pa ba siya ng iba para sa anak niya? Gold ba si Lance?

"Alam ko na 'yan Berns. Ano naman ngayon? Bakit Nanay ba niya pakakasalanan mo?" tanong sa akin ni Kassidy kaya naman natawa ako.

"Siyang true, bakit siya ba magbubuntis sa akin?" tanong ko kaya naman sabay kaming tumawa ni Kassidy. "Bobo mo seryoso na kasi, tanga ka."

Tumawa pa rin siya kaya naman napairap na lang ako sa hangin.

"Ang dami nang natulong ni Lance sa akin pati noong nag-aaral palang ako. Paano kapag nakarating sa Mama niya? Ayaw ko namang magmukha akong manggagamit sa mata ng Mama ni Lance."

"Napakahwaran mo naman palang nobya," sabi pa ni Kassidy.

"Oo naman, tanga ka ba? Kahit naman ganito ako ayaw ko namang may nasasabi na hindi maganda sa akin."

"Oo na. E kay Angel?"

"Hindi ka pa titigil magtanong?" biro kong tanong kay Kassidy.

"Aba syempre dapat alam ko kung bakit ayaw mo nang humingi ng tulong sa kanya. Malay ko bang nag-away pala kayo at hindi mo lang sinabi sa akin."

Hinampas ko naman siya ng folder na hawak ko.

"Hindi kami nag-away 'no. Nakakahiya naman baka kung anong isipin niya. Mamaya e sabihin niya na tsaka ko lang siya naaalala kapag gipit ako," sabi ko naman.

"Ikaw ang bobo. 'Yang isip mo grabe. Nag-ooverthink 'yern?" maarte nitong sabi sa akin na para bang inis na inis na sa sinabi ko.

"Ano ba ang gusto mo kasi? May hiya naman ko. Tsaka kaya ko naman na sarilihin na lang tsaka nandiyan ka naman. Alangang iwan ko ako? Baka gusto mong lagyan ko ng karayom buong katawan mo," birong sabi ko sa kanya kaya naman inirapan niya ako.

"Your two are at work and not in the market."

Napatingin naman kami ni Kassidy sa pinto kaya nanlaki ang mga mata naming dalawa nang makita ang masungit na Car Engineer dito sa kumpanya.

Pogi sana siya kaso masungit lang.

"Sorry, Engineer," mahinang sabi ko pero inirapan niya lang ako bago tumalikod at naglakad na papaalis.

Doon naman ako nagpanggap na nairita. Itinaas ko ang long sleeve na blouse ko hanggang sa siko ko at naghahamok na ng away.

"Aba ang lalaking 'yon ah!" sigaw ko at susugudin sana ang lalaking tinalikuran lang ako nang hindi ko naramdaman ang braso ni Kassidy para pigilan ako.

"Hindi mo talaga ako pipigilan?" tanong ko kay Kassidy dahil nakatitig lang siya sa akin na parang tanga.

"Go, support. Sugudin mo tapos mamaya tulungan kitang mag-ayos ng gamit mo kasi mawawalan ka na ng trabaho," sabi niya kaya naman napabuntong hininga na lang ako.

Naupo naman ako ulit sa kinauupuan ko kanina.

"Kasama talaga ng ugali mo," mahinang sabi ko kaya naman natawa siya bago niya nilagay ang hintuturo niya sa bibig niya na senyales na pinapatahimik niya ako.

Nanlaki naman ang mga mata ko. "Aba, ikaw nga ang maingay rito," sabi ko.

Magsasalita na sana ako dahil talagang iniinis ako ni Kassidy nang tumunog ang cellphone ko.

The Billionaire's SurrogateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon