Chapter 3: New School

Start from the beginning
                                    

"Dito? Hindi ba pwedeng bumalik na lang tayo sa Maynila? Kaya naman siguro nilang buohin ang business nila kahit wala si Papa." Hindi ba pwede iyon? Mahihirapan kami mag-adjust ni Kuya rito.

"Pumayag na ang kuya mo. Kaya ikaw na lang ang sinasabihan namin. Kung babalik tayo sa Maynila, maiiwan natin ang Papa mo rito. Mas gusto niyang maging hands-on sa business na 'to. Ayaw niyang magkahiwa-hiwalay tayo kaya gusto niya na lumipat muna tayo rito sa probinsiya" Tumahimik muna ako. Pilit na inintindi ang sitwasiyon namin ngayon.

Kung ang desisiyon ko na lang din naman pala ang hinihintay nila, wala na akong magagawa roon.

"Pansamantala lang naman, Margy. Babalik pa naman tayo sa Maynila."

"Payag na ako. Nandiyan naman kayo. Hindi niyo naman ako ihihiwalay kay kuya 'di ba?" Parang gusto niya pang matawa sa huling sinabi ko. Alam naman ni kuya na ayokong mahiwalay sa kaniya dahil hirap ako makahanp ng kaibigan. Bilang lang sa daliri ang kaibigan ko sa Maynila. Kaya nakakalungkot na hindi ko alam kung kalian kami babalik at kung kalian ko ulit sila makikita ng personal.

Inilabas ko ang selpon ko. Kumuha ako ng magagandang litrato na pwede kong ipadala kay Rich. Sa mga litrato lang kasi namin nakikita ang mga ganitong lugar. Hindi ko alam paano ko sasabihi sa kaniya na dito na ako mag-aaral ng senior high. Napag-usapan pa naman naming na sa iisang unibersidad kami papasok. Kahit na magkainba ang strand na kukunin namin.

Mabuti na lang may signal ako dito at maipapakita ko agad sa kaniya ang mga litrato na kinuha ko kanina.

To: Rich

Ang ganda dito. Tingnan mo na lang yung mga pictures.

Sent!

Ting!

Narining kong tumunog ang selpon ko. Mukhang online si Rich. Wala naman akong ibang pinadalhan ng mensahe.

From: Rich

Wow! Ang ganda naman! Lalo na yung may hawak ng gitara.

Saka ko lang napansin na nahagipa ng kuha ko si Kuya Marcus.

To: Rich

Ang harot mo. May sasabihin pala ako. Call na lang.

Pinindot ko ang call sign. Mabili niya naman itong sinagot.

[Spil na.] Sagot niya agad sa tawag.

"Hindi ko alam kung kalian ako ulit makakabalik diyan."

[Anong hindi alam? Hindi ba ang sabi mo dalawang linggo lang kayo?] Nagtatakang tanong nya.

"Mukhang magiging dalawang taon." Tumahimik ang kabilang linya. Kaya nagpatuloy ako. "Kanina lang din sinabi sa akin. 'Wag kang mag-alala hindi naman ako habang-buhay dito." Narinig kong bumuntong hininga siya.

[Miss na agad kita. Pero wala naman akong magagawa. Desisyon naman 'yan ng family mo.]

"Sigurado ka bang ako lang miss mo?" Pang-aasar ko sa kaniya.

[Siyempre pati sila Tita. Tsaka kuya mo.] Ang harot talaga. [Pasabi nangangamusta ako.]

"Sige sabihan ko na lang. Alam ko naman na alam mo na isasagot niya diyan."

[Oo alam ko.] Siya kasi ang unang biktima ni kuya ng kasungitan niya maliban sa akin. Hindi naman sana siya pinaglihi ni Mama sa sama ng loob.

"Siya sige, patayin ko na itong tawag. Uuwi na kami." Pagpapaalam ko. Anong oras na rin. Nakalimutan ko nga pa lang magpaalam. Pero alam naman nila na aalis kami ni Kuya.

[Sige, ingat na lang kayo diyan. Balitaan mo ako lagi. Ba-bye!] Naputol na ang linya kaya tumayo na ako at lumapit kay kuya Marcus para ayain siyang umuwi.

"Kuya, tara na." Pag-aya ko saka unang naglakad papunta sa kung saan niya pinarada ang motor.

Pagkauwi sa bahay, nasa may maliit na kubo sila. Nasa may bakuran lang din. Nakita kong tumingin sa akin sila Mama kaya kumaway ako sa kanila at itinuro ang bahay. Pagpapahiwatig na papasok na ako sa loob. Dumiretso lang ako sa kwarto na tinutuluyan ko saka nakatulog nang di ko namalayan.

Ilang linggo na rin ang lumipas. Madalas sinasama ako nila Tita Vian sa mga gala nila. Si Rich halos araw araw ko rin kausap. Mga normal na usapan at asaran lang ang inaatupag namin. Minsan naman tumatambay ako sa kubo o 'di kaya doon sa sementadong upuan na inupuan ni kuya Marcus. Bitbit ko ang note pad, notebook at ballpen ko. Nagsusulat ng tula pampalibang sa sarili ko habang hindi pa nagsisimula ang klase. Nakakatakot na nakakasabik maranasan ang bagong kapaligiran na dapat kong pakisamahan habang nandito kami. Sana lang walang masamang mga alaala ang mabuo rito.

Nasa hapag kami ngayon at naghahapununan. Sinabi ni Tito Levi na enrolment na raw bukas ng isang high school na malapit lang sa bahay. Ang maganda rito malapit lang yung mga lugar sa isa't-isa kaya ayos lang din sa akin.

"Maganda ang turo nila roon. Si Roen ay doon nag-aaral." Kasing edad ko lang si Roen. Nakakausap ko naman siya pero hindi kami ganoon kadikit sa isat-isa.

"Hindi ba't senior high ka na sa darating na pasukan, Margy?"

"Opo, Tito" Sagot ko sa kaniya saka tinapos ang pagkain ko.

"Sumabay na lang pala kayo kay Roen bukas. Mag-e-enrol na agad siya bukas dahil marami raw siyang gagawin sa susunod na araw." Pagtatapos niya sa pag-uusap namin.

Napagdesisyunan nila Mama na sundin na lang ang sabi ni Tito Levi. Ito kami ngayon at inaayos ang mga kailangan para sa pag-enrol bukas. Pagkatapos mag-ayos ay nanood lang ako ng mga mukbang kahit nakakagutom panoorin nakatulog naman ako.

Ayoko pang bumangon. Kaso susugurin na naman ako ng Kuya kong bugnutin. Di naman ako mabagal kumilos. Sadyang masarap pa matulog dahil ang aga-aga pa at malamig ang tubig. Kaya lang nakarinig na ako ng yapak at tumayo agad.

Agad bumukas ang pinto at bumungad si... Mama. Buti na lang.

"Maligo ka na bago ka bumaba. Kumakain na ang kuya mo. Medyo bilisan mo na lang kumilos." Dire-diretsong sabi niya. "Yes po. Papasok na po ako sa CR." Nakangiting sabi ko saka pumasok sa CR. Nakakapang-sisi na binuksan ko agad ang shower dahil walang kasing lamig ang tubig. Nilabanan ko na lang ang lamig saka naligo.

"Buti naman bumaba ka na." Bati sakin ni kuya Marcus na nanonood ng palabras sa TV.

"Tara na. Kumain naman na akong biscuit sa kwarto. Hindi naman siguro tayo magtatagal." Sabi ko saka umuna na sa labas. Sumunod naman siya sa akin saka kami dumiretso sa sasakyan na gagamitin namin.

Tahimik lang kaming apat sa biyahe. Si Mama ang nagmamaneho. Sa tabi niya ay si Roen na siyang nagtuturo ng daan. Ang katabi ko naman ay masiyaong tutok sa laptop niya at may sariling mundo. Hindi ko alam kung aware ba siya na may katabi siya.

Itinuon ko na lang ang pansin ko sa daan. Napakaganda talaga ng mga puno dito. Hindi naman siguro ako mahihirapan dito.

Namalayan ko na lang na nasa eskwelahan kami nang huminto na ang sasakyan. Pgkababa ay bumungad sa akin ang gate kung saan nakasulat ang pangalan ng eskwelahan. San Gabriel  University basa ko rito. Wala nang atrasan 'to.

Goodluck, Margy!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 10, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Drop of a Sweet PotionWhere stories live. Discover now