Chapter Nine

476 18 5
                                    

Chapter Nine

Patricia's POV

Papunta na kami dun sa barkong sinasabi nila Ace. Iniwan na namin si Pj at Vince dun sa may gubat pero iniwan naman namin sila sa tagong lugar

Napuruhan kasi si Pj kaya hindi na niya kayang gumalaw, nagpa-iwan naman si Vince para bantayan si Pj

Naalala ko yung paalala samin ni Sapphire kanina bago kami tuluyang umalis "Mag-ingat tayo. Kung pwede sana wala ng mamatay"

Kailangan talaga naming mag-ingat kung gusto naming mabuhay. Ayoko nang may mamatay pa samin. Hindi ko na ata kakayanin kung may mawawala pa.

Nakarating na kami sa may gilid ng barko, sumenyas si Ace na huwag kaming gagawa ng kahit anong ingay

Isa-isa kaming nag-akyatan, nauuna si Ace samunod si Sapphire tapos si Vaughn at ako naman ang huli

Naka-akyat na kami ng tuluyan sa barko. Dahan dahan kaming naglakad papunta sa front deck ng barko,ay narinig kaming mga boses sa ibabang parte ng barko pero hindi namin marinig kung ano ang pinag-uusapan nila

Papunta sana kami sa parteng yun nang may nabasag na kung ano si Vaughn na gumawa ng ingay

"Sorry" bulong niya , halos magpigil kami ng hininga dahil baka may nakarinig nang pag basag at mahuli kami

Nakarinig kami ng mga yabag ba papunta samin. Agad kaming naghanap ng matataguan pero wala kaming mahanap, halos mataranta na ko

"Dito" sumunod kami kay sapphire

"Sigurado ka bang dito nang galing yung ingay na narinig mo" boses ng isang babae

"Sigurado ako" boses naman ng isang lalaki

Ang lakas ng tibok ng puso ko sa mga oras na to. Kinakabahan ako makita nila kami

Nakalambitin kasi kami, nakahawak lang kami sa railings. Pero dahil madilim hindi nila makita yung kamay namin na nakahawak sa mga railings

Nahihirapan na ko. Parang bibitaw na yung kamay ko.

Napatinggin ako sa ibaba, nalula ako sa taas. Kita ko rin yung dagat sa ibaba. Napapikit na lang ako

'Pat, konti pa' bulong ko

Napalingon naman ako kay Sapphire ng tawagin niya yung pangalan ko

"Konting tiis pa, kayanin mo" pagkasabi niya nun nginitian niya ko. Ngumiti rin ako sakanya

Nagulat ako ng hawakan niya yung kamay ko

"Para alam kong hindi ka bibitiw"

Hindi nagtagal umalis na rin yung dalawa. Agad naman kaming nag-akyat pabalik sa deck. Sobrang sakit na kasi ng kamay ko

Tinulungan ako ni Sapphire na maka-akyat "Thank you" tumango naman siya sakin

Dati talaga takot ako sakanya. Nakakatakot kasi ang presensya niya, tas nakakakilabot pero mali ako. Mabait na tao pala siya. Kung hindi dahil sakanya hindi kami makaka-alis ng buhay nung nangyari ang School Camp ilang taon na ang nakakalipas

"Ang sakit ng kamay ko" - Vaughn

Walang pumansin sakanya. Hinawakan ni Sapphire yung kamay ko at pagkatapos nagsimula na kaming maglakad

"Sabi ko na nga ba" nang marinig ko ang boses na yun parang sandaling huminto yung pintig ng puso ko

Sabay-sabay kaming napatingala sa tuktok ng deck ng barko at doon namin nakita yung babae at lalaki kanina

Hospital Crime (Book 2)Where stories live. Discover now