Chapter Three

586 22 3
                                    


Chapter Three

Nanginging sa takot na pumasok sa loob nang ospital si Vaughn. Kagat kagat niya ang kuko niya sa kanang kamay

Halo halong emosyon ang nararamdaman niya ngayon, takot, kaba at inis

'Bakit ba kasi nila iniwan?! Hindi man lang nila ko ginising? Tangina naman kasi namang mga yun parang hindi tunay na kaibigan!' Yan ang tumatakbo sa utak ni Vaughn habang naglalakad nang naginginig

Dahan dahan siyang naglalakad sa hallway. Nahihirapan siyang makakita sa dilim kaya kinuha niya ang cellphone sa bulsa at binuksan at flashlight nito

Hindi nagtagal bigla rin itong namatay "Lowbat?!"

Sa pagsigaw niyang yun mayroon siyang naaninig na naglalakad sa dilim at mukhang papalapit ito sakanya "Sino yan?"

"Pj, Kayo ba yan?" walang sumasagot may biglang kumaluskos na ikinatayo nang balahibo ni Vaughn na siyang dahilan kaya ito kumaripas nang takbo

-------

"Pre, kamusta na kaya si Vaughn, panigurado ko sa oras na magising yun nanginginig na sa takot yun!" Natatawang sabi ni Bodak sa kaibigan niyang si Pj

Gaya nang kaibigan, natawa na rin si Pj at sinuntok sa braso si Bods "Siraulo ka talaga! Hahahaha."

"Kailangan pag tumawa may kasama pang suntok?" Wika ni Bods, nang may nakakatawang istura

Nagpatuloy sila sa paglalakad. Hindi nila alam kung saan na sila napadpad

Wala rin silang kwartong madaanan. Maya-maya pa ay may nakita silang hagdan pababa. Mukhang patungo ito sa basement nang ospital

Nagkatinginan ang dalawa at nag-uusap ang kanilang mga mata kung sino ang mauuna. Dahil sa walang ayaw mauna nagtulakan ang dalawa dahilan para gumulong sila sa hagdan

"Aray. Tae ka Pj" wika ni Bods, habang hawak hawak ang pwetan nito

Tumayo na silang dalawa. Naglakad pa sila papasok sa loob. May mga bintana doon dahilan para makita nilang umuulan nang malakas sa labas

May nakita din silang mga hospital bed na nakahilera.

"Tara na pre, mukhang wala si Charlene dito" sabi ni Pj sa kaibigan na sinang-ayunan naman nito

Paalis na silang dalawa nang may mapansin si Bodak sa mga hospital bed

"Pre, sandali" lumapit si Bodak sa isang hospital bed. Sinundan naman siya ni Pj

May kung anong bagay ang masa hospital bed na tinatakpan nang isang kumot, hinawakan ni Bods ang kumot na yun at mabilis na tinanggal ito

"Shit!" sabay nilang sabi at napaatras. Sa kama palang iyon ay may isang bangkay nang babae na walang saplot sa katawan at punong puno nang dugo sa mukha, may malaking marka rin ng 'X' ito sa kanang pisngi. Doon pa lang napagtanto nang dalawa ang kakaibigang amoy na nilikha nito kaya napatakip sila nang ilong

Tuluyan nang naglalakad ang dalawa papaalis. Ngunit muling napahinto si Bodak nang mapansin niyang unti-unting bumabangon yung babae

"P-pre" nauutal na sabi nito habang kinakalabit ang kaibigan

"Bakit? Para ka namang nakakita nang multo jan"

"Y-yung b-ba...babae"

"Ha? Ayusin mo nga yung pananalita mo. Hindi kita maintindihan e!"

Hindi na nakapagsalita pa si Bods sa gulat kaya tinuro niya na lang ito

"What th---- Takbo pre!" Kumaripas nang takbo ang dalawa halos madapa na sila sa sobrang bilis dahil sa pagkataranta

Hindi kasi namalayan ni Pj na nakatayo na yung babae sa harapan nila habang may hawak hawak na patalim

Takbo lang sila nang takbo. Wala na silang pakielam kung saan sila mapadpad

*BOOOGSH*

sumubsob silang dalawa at napahawak sa noo nilang tumama sa sahig

"MARK?!" Sigaw ni Pj

"Tumayo na nga kayo. Ang bigat niyo, hindi ako makahinga" wika nito, agad namang tumayo ang dalawa at inalalayang makatayo si Mark

"Bakit ka nandito? Diba kasama mo si Ace at Sapphire" -Bodak

"Pinasunod nila ko sainyo" napakamot ito sa ulo niya "Bakit nga pala kayo tumatakbo, temple run lang ang peg?"

Doon palang naalala nang dalawa kung bakit nga ba sila tumatakbo "May babae ka---- Aray!"

Napatinggin si Pj sa likuran niya at doon niya nakita yung babae na nakawahak sa patalim na nakabaon sa braso niya, doon pa lang niya nalaman na nasaksak na pala siya sa kanang braso

Tinulak niya yung babae nang sobrang lakas kaya napaupo ito sa sahig. Tinanggal din niya ang nakabaong patalim at hinagis sa kung saan atsaka sila tumakbo

"Sino ba yun?!" tanong ni Mark habang tumatakbo

"Hindi din namin alam!" -Bodak

Napahinto sila sa pagtakbo, nagpalit palit sila nang tinggin kung sa kanan ba sila dadaan o sa kaliwa

"Sa kaliwa tayo!"-Mark

Naunang tumakbo si Mark, pasunod na sana ang dalawa nang makita nila ang katawan ni Mark na nakahilata na sa sahig at may kutsilyong nakabaon sa leeg, napatuloy sa pag-agos ang dugo

"Mark!" sabay na sigaw nang dalawa

"t---t..ak...bo na...." hirap na hirap sabi nito

Gusto sana siyang tulungan nang kanyang mga kaibigan pero alam nilang wala na silang magagawa pa

Tumakbo na sila. At habang tumatakbo sila hindi na nila napigilang hindi umiyak

------------

Hospital Crime (Book 2)Where stories live. Discover now