Chapter Seven

483 20 11
                                    

Chapter Seven

Third Person POV

"Pakawalan mo na kami!" Galit na sigaw ng babae, sa lalaking kakapasok pa lang sa kwarto

"Hindi pwede. Wala pang inu-utos ang kaibigan mo" sagot naman nito

"Ano bang ginawa mo sa kaibigan ko ha?! Hindi naman siya ganon dati, mabait siyang tao..."

"Bakit mo sakin tinatanong? Bakit hindi mo tanungin ang isa sa mga kaibigan mo na dahilan kung bakit siya nagka-ganon"

Napakunot noo naman ang babae "Sinong kaibigan ang tinutukoy mo?"

"Si Eulo"

---------

Patricia's POV

Kasalukuyan naming hinahanap sila Rachelle at Eulo. Kasama na rin namin si Vaughn at Pj, tinanong namin kung nasan si Bodak at Mark ang sabi ni Pj si Mark daw patay na, si Bodak naman daw hindi niya alam kung nasaan

Papunta kami sa may operating room ng may marinig kaming sigaw sa may bandang likod na ospital at yun ay sa may gubat

"Sino yun?" Tanong ni Vince, walang sumagot dahil wala namang may alam kung sino ang may-ari ng boses na yun

Nagpasya kaming doon magpunta. Hindi rin naman namin mahanap sila Rachelle halos malibot na rin namin yung buong ospital pero hindi naman namin sila makita

Nasa tapat na kami ng entrance ng kagubatan. Nagkatinginan kami pare-pareho at tumango sa isa't isa hudyat na handa na kaming pumasok sa loob

Unang naglakad si Pj, wala kaming makita, halos mangapa kami sa dilim dahil wala kaming dalang flashlight o kahit anong pang-ilaw

"Wala ba kayong kahit anong pang-ilaw jan?" Tanong samin ni Pj

"Ayy, wait parang meron ata!" - Vaughn

Maya-maya lang nagkaroon na rin kami ng ilaw

"Meron ka naman pala, bakit mo lang nilabas?" Asar na tanong sakanya ni Vince

"Bakit nagtanong pa kasi kayo? Hindi naman diba?" sarkastikong sabi naman ni Vaugh

"Common sense naman kasi pre, laki laki ng ulo pero wala namang laman" Pang-aasar ni Vince sakanya

"Bakit nakita mo na b---"

"Tumigil na nga kayo. Wala kayong mapapala kung mag-aasaran lang kayo" Pag-aawat ko sakanilang dalawa

Akala ko magsasalita pa silang dalawa pero wala nang umimik pa sakanila ng inawat ko sila

Nasa kalagitnaan kami nang paglalakad namin ng biglang sumigaw si Vaugh atnay lubid na nakapalupot sa paa niya habang nakalambitin sa puno

"Tulungan niyo ko!"

"Kung hindi ka kasi tatanga-tanga hindi mangyayari yan say--- AHHHH!" - Pj

Pareho na sila ngayon na nakalambitin sa puno

"Bilis ng karma no? Kung hindi ka rin kasi tatanga-tanga hindi yan mangyayari sayo" Pang-iinis ni Vaughn

Hindi ko alam kung matatawa ba ko o ano dahil sa inaakto nila. Para silang mga bata. Pero sa kabila nang nangayari samin nakakapagbiruan pa sila at yun yung ikinatutuwa ko

Habang gumagawa si Vince ng paraan para matulungan yung dalawa, medyo naglakad lakad ako ng kaunti

Pabalik na sana ako ng may matapakan akong kung ano, napayuko ako para tignan yung natapakan ko at halos mapatili ako sa nakita ko

Bangkay ni Bodak...

----------

Ace's POV

Nakarating kami sa pinaka dulo ng kagubatan at doon namin natuklasan na sa pinaka dulo pala nito ay may dagat at ang kapansin pansin pa ay mayroon ding barko dun na may kalakihan pero halata mong luma na dahil may part na sira-sira na

"Pakawalan mo na kami!" Rinig naming sigaw ng isang babae na nang galing sa loob ng barko

Napatago kaming dalawa ng may makita kaming apat na lalaki at isang babae ang naglalakad sa deck ng barko

Nanatili kami sa pinagtataguan namin. Hindi nag tagal umalis yung tatlong lalaki at pumasok sa loob ng kagubatan, yung dalawang natira naman pumasok na ata sa loob ng barko

"Pano tayo makakapasok niyan sa loob?"

----------

Eulo's POV

"Run while you still can" umaalingaw-ngaw yung boses nung babaeng humahabol samin, parang familiar yung boses niya sakin. Parang narinig ko na yun dati pa pero saan?

Teka nga bakit ba kami takbo ng takbo e babae lang naman yung humahabol samin. Kaya ko naman siguro siya babae lang siya lalaki ako

Huminto ako sa paglalakad ng lubos na pinag taka ni Rachelle

"Bakit ka tumigil? Baka maabutan niya tayo, tara na!" hinihila niya pero pinigilan ko siya

"Walang mangyayari kung tatakbo lang tayo. We need to face her para matapos na" Tumingin lang siya sakin. Alam kong natatakot siya sa mga oras na pero hindi ko naman siya pababayaan hanggang nasa tabi ko siya

Ginulo ko yung buhok niya at bumulong "Trust me"

"Sweet niyo naman. Kinikilig tuloy ako ng wala sa oras" she said in disgust

Hinarap ko siya. May ilang metro ang layo niya samin.

"Sino ka ba?" Tanong ko sakanya

"Grabi ka naman. Ilang taon pa lang ang nakakalipas nakalimutan mo na agad ako?" Kasabay nun ang pagtanggal niya ng maskara niya

"P-paula?"

-------

Hospital Crime (Book 2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant