Kabanata 3

104 19 0
                                    

Jamin Domingo

Flashback...

"Beks, i-download mo na kasi yung BINDER app para naman hindi na boring ang iyong life na puro trabaho!" Sabi sa akin ni baklang Moren kanina pa ng bwibwisit sa akin dito sa trabaho ko.

"Oo na, oo na kanina kapa eh," Pumayag na lang ako dahil alam kong hindi ako tatantanan nito. Ayoko rin naman na maging kj, pero kasi dagdag problema lang yang mga lalaki lalo na sa mga katulad naming gay.

"Yes naman, ganyan dapat Jamina!" Nakangising sabi nito sa akin. Kutusan ko 'to eh!

"Sige na, balik na sa trabaho Morena," Ganyan ang gusto niyang itawag sa kaniya.

Naglakad ito papalayo sa kaniya habang ang bewang ay pagewang-gewang.

___

Na download ko na ang app, nandito kami ngayon ng mga bakla sa isang Cafe. Kakatapos lang din ng work namin, maaga dahil Saturday naman ngayon.

About app,

Ang tawag sa app ay BINDER app na para sa mga gay o gustong maghanap ng mga jewa of prenny daw lalo na kung gay ka or trip mo lang.

Ang instructions ng app na ito ay kapag umikot yung wheel na may mga name at flag ng bansa ng mga lalaki at kung saan tatama, siya ang makakausap mo at makakausap ka for 1 month.

Hindi ko alam kung totoo ba to na maiinlove ka ng 1 month gamit ang pag-uusap dito sa app. Isang kalokohan!

"Simulan mo na beh!" Excited na 'to parang proud mother na nakatanggap ang anak ng awards.

Ang pakilamera ng mga to sa love life ko, dadating din naman yung akin, my soon. Love is patience!

Umiikot na ang wheel. Nang tingnan ko ang mga mukha ng mga bakla, itong si Moren talaga ang mukhang tanga eh, nakapikit ba naman parang dinadalangin na yung mga inaasam niya na lalaki ay kagaya din ng akin. Pero gusto ko rin ng gwapo.

"Tagal naman!" Sabi ni baklang Cester dahil ang tagal tumigil ng wheel na yan, pati yung ibang mga bakla na kasama ko bored pero nag-cecellphone. Ang ibang mga bakla dito ay nasubukan na ito at yung iba ayaw talaga.

"Syempre beks ipapares nya kasi sayo kung saan ka bagay sa mga iyan." Blah blah blah~

At ito na ang iniintay, tumigil na ang wheel. Biglang kinuwa ni Moren ang cellphone ko, mag-iingay na naman ito sigurado.

"At ang nakuwa mong binder guy ay si TENEN~TENEN~ Zaimon Fuente ng US!!" Sakit sa tenga talaga boses nito eh, mabuti nalang unti lang ang costumer dito.

"Oo na,"

"Sa tingin ko beks, malaki ano nyan sa mukha palang tingnan mo," Anong bang malaki yan?!

Nang tingnan ko ang profile ng nakuha ko daw ay ito.

[profile picture]
Name: Zaimon Fuente
From: US 🇺🇸
Age: 25
Bio:

When life fuck you, fuck them too. For fun.

Hmm, pogi mahahalata mo na agad dahil sa lahi hindi na rin masama sa age na 25 siya. Tyka good name at hahaha wtf the bio LoL. (fuck me!) Hoy ano yun!

"Uy nakangiti oh, mukhang gusto niya," Hindi ko alam na nakangiti pala ako pero agad ko rin iyong binawi at sumeryoso.

"Aysus, Jamina!" Sabay sabay na sabi ng mga bakla.

Falling In Love (BL BxB) ☑ Where stories live. Discover now