LAZADA LOVE (PART V)

8 4 3
                                    

PART V (SHE’S A REBOUND)

LAST PART

Agad akong nagising sa maingay na tunog na nanggagaling sa pintuan ng aking apartment. Sino naman ang mangugulo sa akin ng ganito kaaga? Natutulog pa ako at gulong-gulo pa ang aking buhok.

Pero pinilit ko parin na bumangon baka kasi importante iyon. Pero wala talaga akong naaalala na may bisita ako o di kaya may kukuha na ng mga parcel at orders ngayon. Kasi sa pagkakaalam ko, mamayang tanghali pa iyon.

Agad kong binuksan ang pintuan at humikab pa.

“Anong kailangan…” napahinto ako ng makita ang isang pamilyar na tao sa harapan ko. Napakalapad ng ngiti nito at nakasuot ito ng itim na suit at itim na coat. Pano niya nalaman ang address ko?!

“Airwaybill?” sagot nito at isasara ko na sana ang pintuan ng pigilan niya ako. “Baka gusto mo ng one star rate mula sa akin?”

“Ang sama mo”

“Papasukin mo muna ako sa apartment mo,” wala akong nagawa kung hindi ay papasukin na lamang siya. “Gusto kong makakita ng apartment ng isang seller” pumasok siya sa loob at nakita niya ang magulo kong apartment dahil sa dami ng mga kahon-kahon sa paligid.

“Huwag kang magreklamo, ganiyan ang apartment ko dahil sa seller ako”

“I don’t mind if your apartment was in mess”

“Well I mind you getting in my apartment and disturbed my sleep” natawa lang siya ng bahagya at tinitigan ako ng umupo ako sa couch. “Umupo ka kaya?” ngumiti lang siya at umupo nga. Isinampa ko ang aking dalawang binti sa couch habang nakasuot pa ako ng over-sized na damit at pajama.
“Bakit ka nandito?”

“To ask you on a date” deretso nitong sabi ng walang paligoy-ligoy.

“Anong sabi mo?” hindi makapaniwala kong tanong.

“May I remind you that I became your —”

“Hey! It was the liquor who was talking to me last night!”

“Oh, really? Then this time, it wasn’t the liquor who was talking to you now”

“Pwede ba tigilan mo ako? Hindi mo ako girlfriend or anything —”

“Then I’ll court you”

“Ahhh…Sumasakit ang ulo ko sayo, hindi mo ako kilala, kahapon lang nagkita, tapos sasabihin mo sa akin na boyfriend kita at manliligaw ka? Ano ka, si Anna?”

“Anna?” nagtataka nitong tanong. “Sino si Anna?” Slow, sikat na sikat yung frozen tapos di niya alam.

“Wala, basta umalis ka na kasi parating na si Olaf, alis na, wala kang mapapala sa akin. We are just strangers” hinawakan ko ang kaniyang bisig at hinila palabas.

“Sandali, susubukan lang naman natin, if it didn’t work out, then let me be your friend, and if you didn’t want, then I’ll be your customer, or we will part our ways” sambit nito ngunit hindi ko siya pinakinggan. “And if we work out, then that’s better”

Dinala ko siya sa labas at isasara na sana ngunit pinigilan niya ako. Tinignan ko siya.

“Wala akong pakialam kung i-rate mo ako ng one star”

“Wala akong balak, pero hayaan mo lang ako please, susubukan lang naman natin, walang mawawala kung susubukan natin” tinitigan ko siya. “Please” Huminga akong malalim at nag-iwas ng tingin. Ibinalik koi to sa kaniya.

“Give me five minutes to prepare” ngumiti ito at isinara ko na ng tuluyan ang pintuan. Ano ba naman ito, bakit ba ako pumayag? Bakit ba ako pumayag na maka-date ang customer ko? Ewan ko, may tagas na ata talaga ang utak ko.

Ilang araw din ang lumipas, linggo? Buwan? Hindi ko alam. Pero palaging ganoon, lagi siyang pumupunta sa apartment ko at magtatanong kung free ba ako. Minsan hindi dahil sa mga orders, pero hindi siya umaalis at nananatili lang na nakatitig sa akin. Walang araw na hindi siya pupunta sa apartment ko, kulang na lang ata ay dito na siya tumira, pero hindi naman siya dito natutulog, as if papayagan ko siya?

Kaya nga…hindi ko na ata namalayan na…unti-unti na akong nasasanay na nandiyan siya palagi. At minsan ay hindi siya nakapunta. Walang message o tawag na nagmula sa kaniya kung bakit hindi siya pumunta. Nakakapanibago lang dahil hindi na naman maingay ang apartment ko at tanging tunog lang na naririnig ko ay ang music sa pc ko at ang mga tunog mula sa printer at sa pag-pa-packaging ko.

Nakakapanibago lang dahil nagtagal pa iyon ng ilang linggo hanggang sa hindi ko namalayan na ako na ang nag-message sa kaniya upang tanungin kung bakit hindi siya pumupunta, pero ni isang reply, wala akong natanggap mula sa kaniya. Inisip ko nab aka busy lang siya sa kompaniya ng pamilya niya kaya hinayaan ko na lang muna.

Pero di nagtagal, kinabukasan, naka-receive ako ng mensahe mula sa kaniya.

“Pasensiya na, hindi ako nakapunta ng ilang buwan”

“Okay lang” pagkatapos nun, wala na akong mensahe pang na-receive mula sa kaniya. Inisip ko kung pupuntahan ko ba siya o hindi kung okay lang ba siya o hindi, pero mas nanaig sa akin na hayaan na muna siya.

Kaya ngayon ay nag-aayos na lamang ako ng mga parcel na kukunin na ni Caelum mula sa akin. Inaayos ko ang mga parcel hanggang sa nagsalita na siya.

“Sama ka mamaya, wala ka naman atang gagawin” tanong niya at napatingin ako sa kaniya ng ibigay niya sa akin ang papel na may sulat ng mga parcel na kukunin niya mula sa akin. “Mukhang matamlay ka na kasi, para naman, makakita ka na ng tao” pabiro nitong sabi at inirapan ko na lamang siya.

“Oo na, sasama na ako”

“Nga pala, nasaan na si Aragon? Wala ata siya? Ilang linggo na ba?”

“Magdadalawang buwan na, hayaan mo iyon, baka busy lang”

“Sa bagay, sunduin kita mamaya ha” tumango lamang ako at umalis na siya.

Hindi ko alam kung bakit tila hinihila ako pauwi sa apartment ko ng makarating kami sa lugar kung saan may maraming taong matataas ang naiambag sa lipunan. Parang mga negosyante at tila bigatin itong mga ito. Maganda ang mga palamuti na tila pinaghandaan talaga ito. Nanatili lamang akong tahimik kahit na kanina pa salita ng salita si Caelum sa tabi ko.

“Sa susunod na linggo na ata ang kasal” patuloy lang ito sa pagsasalita. “Punta ka ha, sinabihan kasi ako ni Shein na isama kita” Natigil lamang siya sa pagsasalita ng nagsalita na ang MC.

“Let’s welcome the groom and the bride” sambit ng MC. Ngunit tila parang binuhusan ako ng malamig na tubig ng makita ang isang pamilyar na mukha ng isang lalaki na tinawag ng MC na groom. He looks so happy.

Ito ba ang dahilan kung bakit hindi na siya tumatawag? Is it because he was going to marry someone else? Ito ba Aragon? Gusto ko siyang tanungin at linawin ang lahat. Hindi ako galit, pero hindi ko alam kung bakit tila nawawasak unti-unti ang puso ko. At hindi ko na lamang namalayan na tumulo na pala ang luha ko sa aking pisngi.

Hindi ko inaasahan na nahulog na pala ako ng walang sumasalo sa akin. He was a bad liar.  But I can’t stay mad at him. Hindi naman kasi niya sinabi na, required na mahulog din siya.

He made me fall in love, he made me happy, he made me realize what really love means, but I never made him fall at the same time.

And now, he was only part of my list where my customers only belong. And with that, he only remained as my customer, nothing more, and nothing else.

I fell in love with my customer, but he never fall in love with his seller…

END

Want to read the full detailed story and novel? Coming soon guys, baka bukas meron na kaagad, tatapusin ko lang iyong kila Zayne kaya baka matagal ang process.

Di naman mashaket eh! 😭😭

Awts, Dominique, wag na kasing aasa sa susunod. Pa-fall lang yan si Aragon Sebastian.

Pero ano nga ba talagang nangyari? Read the full story and you’ll know.

SHE'S THE SELLERWhere stories live. Discover now