LAZADA LOVE (PART IV)

4 3 0
                                    

PART IV (ARAGON SEBASTIAN)

READ THE AUTHOR’S NOTE PLEASE!

Malapit na sa ending, five parts lang po ito, mga shoppers, abangan ang next short story. Salamat sa mga silent readers. Yow, salamat sa support, mabuhay pa sana kayo ng matagal, di joke lang, salamat talaga.

Shop na sa store ko guys! Lahat ng hinahanap niyo, nasa sa akin na! Di lahat ng hinahanap niyo, nasa sa kaniya na, pero may iba na siya. Awtsu! Nood na din kayo sa mga first time sellers diyan na hindi alam ang gagawin, go, message niyo ako, it would be my pleasure to help.

Sa susunod, nood na kayo sa youtube channels ko. Ilalagay ko na lang ang description ng account,

SALAMATS SHOPPERS!

Ilang araw at linggo na din ang lumipas mula ng hindi na ako nakatanggap ng mga mensahe mula sa kaniya. Marami rin akong ginagawa at ilang linggo na ang nakalipas pero ilang ulit ko pa ring binabalik-balikan ang mga mensahe niya sa akin dati.

Unti-unti ring lumalamig ang presensiya sa bawat araw na nagdaraan sa akin at hindi ko alam kung bakit. Palagi na lamang akong nakatulala kapag wala akong ginagawa kahit na tumatambak na ang mga customers ko.

Ngunit isang araw ay niyaya ako ni Caelum na pumunta sa isang baby shower event ng isang kakilala raw niya. At hindi ko alam kung bakit ako sumama kahit napakarami kong ginagawa. Siguro ay dahil rin ito sa kakulitan ni Caelum kaya hinayaan ko na lang.

“Kanina ka pa tulala diyan, yan na ata ang nangyayari sa mga seller” tatawang-tawang sabi ni Caelum sa aking tabi habang maraming mga taong nakapaligid sa amin. Magaganda ang mga suot nito at tila mula sa mayayamang angkan ang may-ari ng event na ito.

Nakasuot ang mga tao rito ng mga mamahaling damit, accessories at iba pa. Pati ang mga mukha nila ay tila napupuno ng mga kolorete. Hindi katulad niya na pulbo lang okay na, hindi pa ata siya naligo eh, hindi na niya maalala kung naligo ba siya o hindi.

Iyong iba, nakasuot ng magagarang damit samantalang siya, putting polo, itim na knitted vest, maong pants na kulay itim, at putting rubber shoes okay na. Women had their long dresses and stilettoes, while men wear suits and tuxedoes with their expensive shoes.

“Kanina ka pa diyan, may tagas na ata iyang utak mo” napatingin ako kay Caelum habang ang mga mata ko ay nanlilisik. Mukha bang may tagas ang utak ko? Alam niyang bangag siya ngayon, pero wala namang tagas ang utak niya.

“Hindi, gusto mo, utak mo tagasan ko?” natawa na lamang siya sa akin at magsasalita na sana siya ng may isang babaeng sumingit sa aming usapan. She looks elegant while wearing a white long beautiful robe for pregnants. Siguro siya iyong dahilan kung bakit may baby shower na gaganapin? Walang nakakaalam.

“Caelum!” bati nito sa napakatamis na boses. Tinitigan ko lamang siya hanggang sa maibaling ang paningin ni Caelum sa kaniya.

“Shein! How are you? Matagal na mula ng hindi tayo nagkita” mukhang siya ang kakilala nitong si Caelum.

“Ito, okay lang, ilang buwan ng buntis” halata naman sa tiyan niya. “Excited na nga ako,”

“Dapat ninong ako ha” pabirong sabi ni Caelum.

“Oo naman, sandali, halika, hinahanap ka nila mama,” hinawakan nito ang bisig ni Caelum at dali-dali itong hinila palayo. Napatitig na lamang ako kay Caelum na ngumiti na parang humihingi ng pasensiya sa akin.

Parang hindi nga nila namalayan na nandito ako kanina habang nag-uusap sila. Siya itong nag-aya, tapos ako itong iniwan niya dito. Di bale na nga, marami namang makakain dito kaya okay lang. Hindi ako invited pero ang kasama ko invited.

SHE'S THE SELLERDonde viven las historias. Descúbrelo ahora