“Wait are you pregnant?”, sabay nilang tanong.

Natigil naman ako sa pagbabalat ng pangatlong mangga dahil sa tanong nila.

For some reason I'm happy if I am pregnant but then there is the fear. Handa na ba akong maging Ina? Kaya ko na ba? Ano kayang magiging reaction ni Apollo kung sakaling buntis ako.

"Nagpacheck-up ka na ba?", tanong sakin ni mommy Avery. Agad naman akong umiling dahil hindi pa naman ako nagpapacheck-up.

"Gusto mo samahan kita?", tanong sakin ni mommy.

"Hindi na po dadaanan ko na lang po bukas bago kami umuwi" sagot ko sa kanila.

"Sabihan mo kami kung anong resulta", my mom said. Agad naman akong tumango at inaya na sila papuntang garden habang bitbit ang mangga na nakasawsaw na sa may ketchup at toyo.

Naabutan namin na kalahati na nila yung black label.

"Hoy tama na yan pagsaway", nila mommy kina Apollo.

Agad naman akong lumapit kay Apollo at naupo sa may kandungan niya. Agad naman niyang ipinulupot ang kamay niya sa bewang ko. Naramdaman ko rin ang paghalik niya sa may gilid ng noo ko.

Kita ko ang pagngiwi ni Chronos at Oliver dahil sa mangga na may ketchup at toyo.

"Gusto niyo?", tanong ko sa kanila agad naman silang umiling at tinungga na lamang ang alak na nasa baso nila.

Tumingin naman ako kila daddy dahil naka-nganga silang parehas ni daddy Asher.

"Gusto niyo po ba?", tanong ko sa kanila. Agad naman na umiling si Daddy Asher habang si daddy naman ay siniksik ang ulo sa may leeg ni mommy habang umiiling.

"Bahala kayo masarap naman eh", sabi ko sa kanila at kinain na lamang ang mangga.

Inuumang ko kay Apollo ang mangga agad naman siyang lumayo kaya pinanlakihan ko siya ng mata. Wala siyang nagawa kung hindi kainin ang mangga na sinusubo ko sa kaniya.

Rinig ko naman ang pagtawa nila mommy.

"Pucha under", sabi ni Oliver.

"Under ang gago", natatawang sabi ni Chronos.

Sila daddy naman ay nakangisi lang kay Apollo na masama ang tingin sa dalawa niyang kaibigan.

"Sino kaya yung naghabol at lumuhod sa best friend niya", sabi ni Apollo agad naman na tumahimik si Oliver.

"Ahh ganun ahh, sige sino kaya yung tinaguan ng asawa pati ng anak", sabi naman ni Oliver.

"Hoy foul yun nananahimik ako dito", Chronos said.

"Sino kaya yung torpe", sabi ni Chronos.

"Sino yun?", patay malisya ni Oliver.

"Teka! di ako papatalo, sino nga ulit yung takot daw sa commitment pero unti-unti ng naiinlove", sabi ni Oliver.

"Siya", sabay nilang sabi ni Chronos at tinuro pa si Apollo na kunot na kunot na ang noo.

Napuno ng tawanan ang garden dahil sa kanila.

Mayamaya pa ay nagsalita si daddy." Iho alagaan mo yang anak ko. Huwag mo papaiyakin ang anak ko dahil prinsesa ko yan may baril ako sa bahay. Isang luha, isang bala", sabi ni daddy habang nakaturo pa ang kamay kay Apollo.

Agad naman na sinaway ni mommy si daddy. "hon huwag mo namang takutin si Apollo", sabi ni mommy kay daddy.

"Hindi ko naman siya tinatakot hon sinasabi ko lang naman na huwag niyang papaiyakin ang prinsesa ko", sabi ni daddy at agad hinalikan si mommy sa may noo niya.

Hiding The Billionaire's Daughter (Hiding Series #2) [completed]Where stories live. Discover now